Chapter 5

1.3K 55 18
                                    

Chapter 5: Commotion

"Namiss kita sobra!" sinalubong ako ng yakap ni Almira pagpasok ko sa classroom.

"Congrats, Alli!"

"Congrats sa bestie namin!"

Nginitian ko sila isa-isa at sila naman ay nangingiti na para bang may inaabangan pa galing sa akin.

Nangunot ang aking noo pagkaupo nang nasa akin ang lahat ng atensyon nila.

"Oh, ano balita sa inyo ni Zian?" simula ni Antonette.

Napasinghap ako. "Anong balita?"

"Asus, kunwari ka pa!" si Zephanie.

"Sabing wala nga! Mukhang mga ewan naman!"

"Hindi naman 'yan sinungaling hayaan niyo na 'yan. By the way, congrats," walang emosyong sabi ni Jasmin at tinalikdan na ang puwesto namin.

"Alam mo ba, Allison 'yang si Almira mukhang baliw kahapon!" Itinagilid ko ang aking ulo para makita si Primrose.

"Bakit?"

"Inaway niya si Vanessa kasi dahil daw sa kaniya wala ka raw!" natatawang aniya.

"Huh? Bakit ano na namang ginawa mo?" Tinaasan ko ng kilay si Almira na masama na ng tingin kay Primrose.

"Nagdrama ang kigwa, sabi niya 'Walang hiya ka dahil sa'yo nawalan ako ng kaibigan!' tapos paulit-ulit niyang dinuro-duro si Vanessa na naguguluhan, ang ending sa prefect of discipline!"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Sira talaga ang isang 'to, ba't niya naman gagawin 'yon?

"Siraulo! 'Wag ka makinig kay Primrose, barbero ang isang 'yan!" singhal ni Almira.

Napailing na lang ako.

"Naloka na nga, eh! Basta si Sun Oh pa rin pipiliin ko!"

"Che! Sa season 2 baka si Hye Yeong na talaga, 'no!"

May sariling mundo si Jasmin at Zephanie sa gilid habang naglalakad kami papuntang canteen, kung ano ang pinuputak nila at hindi maintindihan.

"Hoy, may bago akong binabasa sa cellphone!" Napatingin ako nang umakbay si Primrose kay Antonette at sa akin habang nas kabilang gilid ko naman si Almira, nagmamasid.

"Ano na naman?" tanong ni Antonette.

"I-download mo 'tong app na 'to, tuturuan kita! Ang ganda no'ng He's Into Her na story, promise!"

Napasilip na rin tuloy ako sa cellphone niya, at panay ang scroll niya dahil mahaba nga ang story.

"Kailan ka pa nagbabasa ng Wattpad?" tanong ni Antonette sa kaniya.

Nawala ang aking atensyon sa kanila nang kinalabit ako ni Almira. "Hala..." niyugyog niya ang aking balikat. "Alli... Si pogi naroon, oh. Hala!" mariin niyang bulong sa akin habang ang paningin ay nasa harap.

Napabaling tuloy ako sa tinitingnan niya at nakita si Zian at Keiro Blint na kakaupo lang sa table.

"Ba't anong meron?" naguguluhan kong tanong.

"Boba!" Tinampal niya ako na parang inis na inis sa akin.

"Baliw! Tinatanong ka nga, eh! Ano naman ngayon?" sabi ko. Ano naman kung nandiyan sila?

"Ewan ko sa'yo kahit kailan ka talaga!" Inirapan niya ako.

Bumili na kami ng snacks sa counter at nakalinyang bumalik sa table na gagamitin namin nang may lumapit na lalaki.

"Prim..." tawag niya kay Primrose.

Napaangat ng tingin si Primrose atsaka nanlaki ang mata. "What the... ba't ka nandito?!"

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon