Chapter 39

1K 38 27
                                    

Chapter 39: Deny

Kakatapos lang naming pumunta ni Keiro Blint sa university para magpa-enroll kasama ang ibang kaibigan nila, I also tried to call Raze, pero hindi siya sumasagot and I'm thinking he's busy now adays. Days went smoothly, dalawang beses ulit kaming magkasama ni mama. And it wasn't bad 'cause we're getting close to each other somehow.

"Raze?" sabi ko nang buksan ang pinto at natanaw siya roon.

"Hey, can I come in?" tanong niya gamit ang namumungay ang mata. He seems drunk. Sa galaw niya rin at polo niyang hindi nakaayos.

"Sure." Isinukbit ko ang braso niya sa aking balikat para alalayan siya sa pagpasok. It's already in the afternoon at umuulan sa labas kaya nagtataka ako kung bakit narito siya at nasa ganitong estado.

"How have you been? Are you drunk?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nakapikit lang na sumandal sa backrest ng sofa. "Can I stay here for a while?" bulong niya.

Tumango ako kahit hindi niya makita. "What's with you today? Uminom ka nang ganito kaaga?" Pinatayo ko ulit siya at inakay papunta sa isang guestroom namin.

"Alli..." Napalingon ako sa kaniya nang tinawag niya ako.

"Yes?"

"Will you accept me as your..." he trailed off.

"Ano?" Lumapit ako sa kama para mas marinig siya.

"Nothing."

Nagtataka man ay hindi ko na siya pinilit pa. Nilagyan ko siya ng comforter bago isara ang pinto.

@kentreistre followed you.

Ang unang napansin ko sa notifications. Matagal na iyon at ngayon ko lang nakita dahil hindi na rin naman ako laging nag-o-online.

I searched his recent posts, at nagulat ako nang ni-post niya iyong pictures namin pati na rin iyong picture namin years ago.

Can't explain what I've felt when you came back... and now, you'll be in my arms again... forever.

Bigla akong namula sa caption niya. Nakakainis, pati ba rito sa socmed ay pakikiligin niya ako.

@archie: sabi na e, eto iyong nasa cellphone mo dati!

@prettychesca: aww, pinagpalit niya na talaga ako : ((

@jacebryan: sure, she already loves u back, nagawa mo nang i-flex, bro.

@anellavic: my heart, u two are perfect for each other. 'Wag mo na ulit ako gamitin, Kent. Please.

@zirdyreistre: didn't know that you're fond of socmed now, cheers, dude.

@catrishan: argh, ganda niya talaga! Btw, gwapo ka rin naman hehe.

Natawa ako sa mga comments ng mga kaibigan niya nang may nagdoorbell kaya tumayo muna ako.

"Hey, how's my darling?" bungad ni Keiro Blint pagbukas ko ng pinto.

I bit the insides of my cheeks out of happiness. May dala siyang bouquet ng bulaklak at sa isang kamay ay paperbag ng Greenwich.

"What's with those?" tanong ko pagkatapos niyang humalik sa pisngi ko.

"Nothing, I just want to give it to you. Bawal ba?"

"May sinabi ba ako?" Kinuha ko na iyon sa kamay niya at hinila rin ang kamay niya para pumasok na nang tuluyan.

"Thank you so much," wika ko.

"I love you."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at binaling nalang iyon sa bouquet 'tsaka sumagot. "I love you so much, too."

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon