Chapter 35

1K 38 4
                                    

Kent's POV

Nagpretend akong may sakit kinabukasan kasi ayaw ko talagang lumabas kaya pumasok si Lolo sa kuwarto ko. Siya ang nag-alaga sa 'kin, nagsubo ng pagkain. Siyempre nagpanggap pa rin ako kasi gusto ko talagang inaalagaan ako.

"Hindi ka na productive sa classroom, Kent."

Uminom ako ng Yakult bago sumandal sa sofa. "Hindi ko naman 'yon ikamamatay, Ash."

Ikinuwento ko kay Ash, gusto ko lang malaman kung anong pakiramdam no'n sa babae. Bukod kay Allison Darcy, si Ash lang din ang komportable kung kinakausap since madalas naman na siya rito sa mansion.

"Kumusta na kaya si Allison, 'no?"

"She's fine, hopefully..." sagot ko.

Sinubukan ko ulit magkagusto sa iba. Nag-transfer na ako pagkatapos ni Zia. Ewan ko ba sa lokong iyon at iniwan ako.

Nabadtrip ako kay Zian kasi bigla na lang siyang magtatanong kung may girlfriend ba ako. Sira ba ang ulo niya?

"May girlfriend ka na?"

Sinamaan ko siya ng tingin sa screen. "Oo, bakit? Ikaw meron?"

Namilog ang mata niya. "Talaga? Pakilala mo naman ako!"

"'Wag na baka agawin mo na naman..."

"Tss, kapal mo, 'di naman kita inagawan dahil 'di naman siya sa 'yo!"

"So, sino nga?"

"Si Allison," sagot ko at kaagad binaba ang tawag.

Heck, what did I just say? Minsan talaga walang modo 'tong bibig ko.

Parang hindi ko naman makayanan dito. Mababaliw ako kasi sa bawat sulok ng mansyon parang lagi ko siyang nakikita. Damn, ang lakas ng tama.

"How does it feel to be loved, Jace?" natanong ko na lang bigla.

Nasa condo niya kami at nag-inuman para pahabol sa birthday niya. Gabing-gabi na at bagsa na ang iba kaya may lakas ako ng loob na magtanong.

Nasa kani-kaniya na silang kuwarto at sa sala naman ay knock-out na si Archie, Zian at Sam.

Napatagilid ang ulo ni Jace nang titigan ako. Inoobserbahan na naman ako ng loko.

"It's perfect... I can't put it into words, bro, but yeah... you'll feel that you're living a perfect life." May pangiti-ngiti pa siya.

Ang lakas din ng tama nito sa pinsan ko, eh.

"Pinapainggit mo ba ako?"

"What? Of course not! I just answered your question!"

"'Kay, whatever..."

"Who's the lucky girl, anyway?"

Napairap ako. "'Wag na saka na lang kapag mahal niya na ako..."

"Hmm, is that your ex?"

Biglang napakunot ang noo ko. "'Wag ka ngang maniwala sa mga sinasabi ni Zian!" sigaw ko sa kaniya.

Humalakhak siya. "Chill, sino ba kasi 'yon?"

Bumuntong hininga ako. "She's my girl friend..."

"Oh, so kayo pa-"

"Stupid! A girl friend, kaibigang babae... tanga nito!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Stupid! Alam ko ba na may space pala sa gitna 'yang ibig sabihin mo? Sana kasi sinulat mo na lang!"

Tss.

"Luh, Keiro! Nangialam si Archie sa cellphone mo! Kita niya pictures ng ex mo!"

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa library kasama sila Archie at Chesca. Pakialamero talaga 'tong si Archie.

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon