Chapter 33

1.1K 38 0
                                    

Kent's POV

"Bulok! Mas maganda 'tong nasa gitna, oh!"

"Bulok ka rin! Kilala ko 'yan si Almira at maldita kaya 'wag na 'yan!"

Here we go. They're talking about girls again. Lagi talagang nagkakagulo ang mga lalaking classmates ko sa cellphones nila at busy sa paghahanap ng babae.

"Ikaw, Kent! Baka may magustuhan ka, tingnan mo 'to!" aya ni Michael sa akin.

I shrugged, uninterested.

Nakasalampak lang ako sa kinauupuan sa loob ng classroom habang wala pa ang professor namin. Umalis saglit si Zian dahil inutusan.

"Kent, hang-out bukas. G?" Nilapitan ako ni Lea.

I shrugged again. "I'm sorry, hindi pwede." Hindi pwede, really? Puwede kaso ayaw ko.

"Sayang naman may ipapakilala pa naman ako sa 'yo!"

Tamad ko siyang binalingan. "Ayaw ko. Invite others."

Nginiwian niya ako bago maarteng hinawi ang buhok at tumalikod. I rolled my eyes at her back. I don't care if they find me snob or kill joy. I can be jolly and friendly when I want to.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na ako kasama si Zian at iba pang mga kaklase nang nag-ingay at kung anong bulong na naman ang pinaggagagawa nila.

"'Tol, 'yan! Si Almira, try mo dali!"

Huminto kaming dalawa ni Zian para makiusyuso sa gagawin ng mga kaklase namin.

They approached a group of girls right beside our classroom. Anim silang lahat.

Medyo hinila ako ni Zian sa malapitan para makiusyuso. "Bro, tingnan lang natin," aniya at nasa mga babae na ang tingin.

I was listening to their chitchat when I noticed a girl from behind them. She seemed distant. Hinila siya ng isang babae papaharap, but she just swayed it and stayed where she was earlier.

"Almira, i-accept mo raw 'to si Karl sa Facebook-"

"Ayoko nga!"

"Iyan pala 'yong pinagkakaguluhan nila..." usyuso ni Zian.

Inakbayan ko siya at tinapik ang balikat. "Bro, umuwi na tayo at nagmumukha tayong chismoso rito," puna ko.

Tumango siya at inakbayan na rin ako para umalis na. Sumulyap pa ako ng isang beses sa babae kanina na ngayon ay busy na sa hawak niyang libro.

Studious? Lihim akong ngumisi.

"Nakagawa ka na ng project, Kent?"

Binuksan ko ang Yakult na hawak at tumungga no'n bago tinaasan ng kilay si Zian na nakapamaywang sa bukana ng dining room.

"Oh, bakit?" sagot ko. 'Wag mong sabihing ako na naman ang papagawan mo ng sa 'yo dahil busy ka?

"Tulungan-"

Itinaas ko ang kamay para patigilin siya sa kung ano man ang sasabihin niya. "Anong kapalit?"

He stared at me for a while. "Bibigyan kita ng sama ng loob."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka," sagot ko. Inihagis ko ang lalagyan ng Yakult sa basurahan. "Shoot!"

Bumaling ulit ako sa kan'ya. "Bakit na naman ba kasi?"

Pinapitik niya ang leeg bago nagmartsa para maupo sa high chair na nasa tapat ko. "I'll be joining a contest next week."

I sighed.

"Next week pa naman pala kaya mo na 'yan!"

He pouted.

"Okay, fine. What project?" suko ko.

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon