Chapter 40

1.1K 37 11
                                    

Chapter 40: Brother

“How dare you!” Akmang susugod si Tita nang ako na mismo ang humila sa braso niya.

Sisinghalan niya na sana ako, pero nang nakita kung gaano ka-blangko ang mukha ko ay dahan-dahan siyang huminga nang malalim.

Napalunok naman ako nang nakita si mama na nakababa ang tingin.

Huminga ako nang malalim. “Let's go home.”

“Wait.”

Kunot noo kong pinagmasdan si tita nang hinalungkat niya ang bag. Kinuha niya ang I.D at padabog niya iyong nilagay sa lamesa sa harap ni 'Mr. CEO'.

“I quit, Mr. Valencia.”

Namilog ang mata ko.

Akmang magsasalita ako nang nagsalita ulit si tita. “'Wag na 'wag mo na ulit kaming gagambalain.”

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni tita.

“Ivy—”

“Walang hiya ka, hindi na sana kita binigyan ng pag-”

“What did he give?” putol ni Mrs. Valencia kay tita.

“Itanong mo d'yan sa asawa mo, at 'wag sa 'kin. We're not close, remember?”

“How dare you—”

“Tara na.” Hinila ni Mama ang braso ni tita at binalingan ako.

Tumango ako at kinuha na ang bag bago sumunod sa kanila. Huminto muna ako saglit para tingnan si 'Mr. CEO' at pait akong ngumiti. “So, it's you, huh? My...” father.

Tumalikod na agad ako nang hindi natatapos ang sinabi.

Masyadong naging mabilis ang lahat ng pangyayari, at talagang hindi ko inakalang sa lahat ng tao at siya pa ang ama ko. Bumalik lahat sa akin ang alaala nang magkasama kami nina Raze.

Sobrang bait niya at talagang nasabi ko pa noon na ang swerte ni Raze dahil may ama siyang gaya niya, pero ngayon... nagsisisi akong sinabi ko ang mga iyon. Lahat nang papuri ko noon ay binabawi ko na. It was opposite.

Hindi ko inasahan iyon. Bakit siya pa?

Kinagat ko ang labi at tumingala dahil pakiramdam ko ay pinangingiliran ako ng luha 'tsaka nagpatuloy sa pagkalalakad palabas.

Nag-iwas ako ng tingin pagkatapos makita si mama na umiiyak sa balikat ni tita.

Masakit.

Ang sakit tingnan ni mama sa ganitong sitwasyon. Hindi ko man siya nakasama nang matagal at hindi kilala nang lubos, pero ina ko pa rin siya, at ang sakit lang makitang umiiyak siya dahil doon.

Napakuyom ang kamao ko nang naalala kung paanong itinanggi ni 'Mr. CEO' si mama sa harapan namin. Paano niya nagagawang sabihing hindi niya kilala si mama? At higit pa, bakit pa siya makikipagkita sa 'kin? Para saan?

“Mauna na po kayong umuwi. I'll go somewhere,” sabi ko pagtapos ng ilang minuto.

Taka silang bumaling sa 'kin.

“Sa'n ka pupunta?” tanong ni tita.

Napabuntong hininga ako. “Somewhere...”

“Allison, gabi na, anak,” si mama.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya bago ulit napabuntong hininga.

“Saglit lang ako, uuwi rin mamaya. Please, mauna na kayo.”

“Pero—”

“Hayaan mo na, Alice.” Humarap si tita sa akin at ngumiti. “Umuwi ka kaagad, huh? Call me.”

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon