Chapter 13

988 40 2
                                    

Chapter 13: Best friends

“Nag-ready ka na ba, Allison?”

“Wait lang malapit na po!” sigaw ko galing sa loob ng kuwarto.

Nagbibihis na ako para sa celebration sa mansion nila Keiro Blint. Sinuot ko iyong binili naming maroon off-shoulder highwaist A-line dress.

Kanina nang nakita ako ni Keiro Blint sa storage room, at doon sa sinabi niya literal akong natameme dahil parang nanghina ang tuhod ko no'n buti na nga lang at niyaya niya na akong lumabas, siya na mismo ang kumuha ng bag sa classroom namin para magsabay na kami, 'di na ako nakipag-away sa kaniya at pumayag na.

Kaya naman nang uwian ay sabay kaming dalawa, naglakad. Baka nga nagtataka na si Zian o 'di kaya 'yong driver nila kasi hindi siya sumasabay, buti nalang at hindi naman daw nag-usisa at sinabi niya lang na magkasabay kami.

Naka-high ponytail ang buhok ko at medyo messy siya, bagay sa akin kasi wavy naman ang buhok ko, naglagay rin ako ng manipis na liptint, hindi ako mahilig sa mga make-up kaya tama na siguro 'to. Sinuot ko na rin ang strappy block heels na puti bago lumabas.

Naabutan ko si Tita sa sofa na nakatingin sa kuko niya, nakasuot siya ng plain white na bodycon dress at skin tone na pump heels. Minsan talaga ay napapanguso na lang ako sa bukod sa ang ganda niyang manamit ay maganda rin talaga siya hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi pa siya nagkaka-pamilya, pero kaagad ko ring naalala na siguro dahil naman sa akin, hindi ko alam king magi-guilty ba ako, pero masaya ako kasi siya iyong nag-alaga sa 'kin.

Napabaling sa akin si Tita at laglag panga na pinagmasdan ang kabuuan ko tsaka siya tumayo.

“Oh my goodness! Allison Darcy?!” Kaagad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Kunot noo ko siyang pinagmamasdan.

“Sobrang ganda mo! Sabihin mo nga at sinong nag-ayos sa 'yo...o ang ganda ng damit mo, ah? Bumili ba tayo nito?”

“Ah, kay Keiro Blint 'to galing, Tita,” sagot ko.

Napa 'O' ang bibig niya. “Baka maunahan mo pa ako! Naku, kailangan ko sigurong pasalamatan nang sobra sobra ang batang 'yon! Dahil sa kaniya...” Pinagmasdan niya ulit ang kabuuan ko. “Lalo kang gumanda!”

Ngumiti lang ako.

Nang sumakay kami ng tricycle papunta sa mansion nila ay walang tigil ang papuri ni tita kung gaano raw ako kaganda, medyo nahiya nga ako dahil napapatingin din si manong driver sa amin.

Nang dumating kami roon ay para bang kaagad akong dinapuan ng kaba kahit hindi naman ako kasali. Gabi na kaya nang nasa labas pa lang kami ay kitang-kita na ang mga nag-gagandahang ilaw at chandeliers nila galing sa loob.

Naisip ko rin tuloy paano kung ganito rin kami kayaman? Pinilig ko ang ulo. Kuntento naman na ako sa buhay ko sadyang minsan lang ay hindi ko mapigilang mag-imagine.

Nang nakarating kami sa bulwagan ay sinalubong kami ni manang, iyong kumausap din sa akin.

“Good evening, ma'am at...” Napabaling si manang sa akin at nanliit ang mata.

“Si Allison siya, anak ko,” sambit ni tita.

“T-Teka! Ikaw ba 'yong galing dito kahapon?”

Tumango ako.

“Hala, hija! Hindi kita nakilala sobrang ganda mo ngayon! Pasensya na, ma'am, anak mo pala 'to! Hindi ako makapaniwala na may anak ka na tsaka hindi ko talaga kaagad nakilala dahil sumobra ang ganda!” pag-dadaldal niya.

“Salamat ho!” ngumisi si tita.

“Hala, pasensya na, ma'am! Pasok na ho kayo!” Iminuwestra ni Manang ang loob, tumango kami at nagpasalamat bago nagpatuloy.

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon