Chapter 43

1K 37 2
                                    

tw: sexual harrassment

Chapter 43: Fiancee

“Happy birthday, my darling. You're my only baby kahit magkaroon pa tayo ng maraming baby...” pagbasa ko sa text ni Keiro Blint.

Inis ko siyang hinampas. Nasa loob kami ng sasakyan niya at sakto ring pinapabasa niya sa akin ang message niya.

“Nakakainis ka talaga!”

“What? Don't tell me ayaw mo 'ko maging asawa?” aniya.

“Bakit, may sinabi ba ako, ha? Ewan ko sa 'yo!”

Tumawa siya. “Fine. I have something for you.” Kinuha niya sa backseat ang isang kahon at inilahad iyon sa akin.

“Ano 'to?” tanong ko.

“Buksan mo malamang,” pilosopong aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago binuksan ang kahon at nakita ang Skechers sneakers doon.

Namilog ang mata ko. “Ito 'yong bago nila ngayon, ah?” Hinampas ko siya. “Dapat 'di mo na ako binilhan, mahal pa naman nito!”

“Sus, ayaw mo no'n parehas tayo!” May kinuha siya ulit sa backseat na kahon at ipinakita niya sa akin ang sapatos na puti gaya rin ng akin.

Nakagat ko ang labi. “Dami mo namang alam,” sabi ko.

“Don't ruin this moment, darling. Please?”

“Oo na! Thank you.” Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinatigil niya.

“Uhm...” Tumikhim siya. “You should wear it tomorrow,” sabi niya.

“Bakit?”

“We'll go somewhere.”

“Talaga? Saan naman?”

“Sa Pinto Art Museum.”

“Talaga? Eh, may pasok tayo bukas!”

Ngumisi siya bago tumunghay sa akin para bumulong. “Let's cut classes in the afternoon,” aniya at niyakap ako.

Yinakap ko siya nang mas mahigpit.

“Pwede namang after class nalang, ah? Ba't pa tayo magka-cut?”

“Para mahaba iyong time natin.”

Pinitik ko ang ilong niya. “Halos araw-araw na tayong magkasama, 'di ka pa kuntento ro'n?”

“No, unless you'll live with me...” Akmang hahampasin ko siya nang may idinagdag siya.  “In the future!”

Sumimangot ako. “Ayus-ayusin mo lang, Keiro Blint, sinasabi ko sa 'yo. Tara na, para makapag-dinner na tayo sa loob!” aya ko sa kaniya at binuksan na ang pinto ng sasakyan.

Hapon namin napagdesisyonan na magsalo-salo dahil mamayang gabi na ang alis nina tita papunta sa Cebu para magbakasyon.

Pagkapasok namin sa condo ay napatalon ako sa gulat nang may sumabog na confetti malapit sa mukha ko.

Nagsitawanan sina Kyle. 

“Ano ba 'to!” reklamo ko at tinanggal ang mga dumikit sa mukha.

Kaagad din naman akong napangiti nang nakita sina Kyle, tita, mama, Kyle, Raze, at Keiro Blint sa harapan ko. “Happy birthday!”

Hawak-hawak ni tita ang cake habang kumakanta sila ng 'Happy Birthday' sa 'kin. 

“Thank you po,” sabi ko.

“Make a wish,” sabi ni mama.

Tumango ako, at pumikit.

“Happy birthday, Allison!” bati ni Raze sa akin at may ibinigay na maliit na sobre.

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon