Chapter 32

1.1K 48 30
                                    

Chapter 32: Breakfast

Naalimpungatan ako nang may kung anong mabigat malapit sa dibdib ko at kiliti naman sa tiyan.

“Hmmm,” ungot ko, nakapikit pa rin.

“Darling...”

“Ano...” Kumunot ang noo ko dahil inaantok pa nga ako.

Gumalaw ako nang bahagya at ando'n na naman ang kung anong kiliti sa tiyan ko.

Dahan-dahan akong nagmulat at binalingan ang nasa ibaba ko. Ginawang unan ni Keiro Blint ang dibdib ko at paulit-ulit na niyuyugyog ang tiyan ko.

“Ano ba...” inaantok na reklamo ko. Hinawakan ko ang kamay niya nasa tiyan ko at inalis iyon.

“Darling... my head hurts like hell...” dinig kong bulong niya.

Unti-unting bumalik sa 'kin ang ala-ala at halos lumuwa ang mata ko nang naalalang dito na ako sa kuwarto niya natulog! Shet, Allison! Akala ko ba patutulugin mo lang siya tapos aalis ka na?! Bakit parang ikaw pa ang huling nagising sa inyong dalawa! Patay talaga ako nito!

Dahan-dahan kong inalis ang uluhan niya na nasa dibdib ko. Ginawa niya pa akong unan at napansin kong nasa pinakagilid na ako ng higaan samantalang ang luwag sa kabila at makikisiksik pa siya sa 'kin.

Bumangon ako at nagkusot ng mata bago bumaling kay Keiro Blint na nakadapang nakapikit. Pinagmasdan ko kung saan na naman papunta ang kamay niya.

Ipinulupot niya iyon sa baywang ko at kinalabit-kalabit ako. “Ano ba?” kunot noong tanong ko. “Alisin mo iyan.”

“My head hurts...” mahinang bulong niya.

Inalis ko ang kamay niya na nasa baywang ko bago tumayo. “I'll just get you something...” Itinali ko ang buhok ko at dumiretso sa bathroom niya.

Naghilamos ako at nag-brush ng ngipin bago pinagmasdan ang repleksyon sa salamin. Lumabas na ako at nandatnan siyang gano'n pa rin ang puwesto.

Binuksan ko na ang pinto at akmang isasara na iyon nang narinig ko ang tawag ni Keiro Blint galing sa loob, napasilip ako. “Darling!”

“What?”

Umangat ang ulo niya at hinahanap ako sa loob nang nakita niya na nakasungaw ang ulo ko sa pintuan ay napangisi siya. “I love you!” aniya.

Napangiti ak at isinara na lang ang pinto at bumaba na. Brace yourself, Allison. Patay ka talaga. Bumaba na ako at dumiretso sa dining room nila nang napahinto ako. There, tumambol sa kaba ang dibdib ko.

Halos mapatalon sa gulat si Mr. Von nang nakita ako, at kahit ako ay parang napako sa kinatatayuan.

“M-Mister Von...” Ano na lang ang iisipin niya?

“Hija?” Para bang hindi siya makapaniwala na nakita niya ako rito.

“H-Hello po...”

“Didn't know that you're the Allison he's with...” aniya.

Napatitig ako sa kaniya.

“Did something happen?” Pinagmasdan niya ako. Suot ko kasi ang sweater at short ni Keiro Blint.

Nanlaki ang mata ko. “Kung ano man pong iniisip niyo, wala po!” agap ko.

Nakahinga naman siya nang maluwag at mukhang may tiwala naman siya sa sinabi ko.  “That's a relief, then... lasing pala ang binatang iyon kagabi?”

“Ah, medyo lang po...” sagot ko.

“How did you end up here?”

“Uhm... nag-drunk call...” Napakamot ako ng ulo.

Behind Those Worthwhile Moments (Reistre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon