Chapter One
BirthdayPaano nga ba nagsimula ang pagkakagusto ko kay Adam?
All I knew was that it all started on my nineteenth birthday.
Kakatapos ko lang itransfer sa notebook ang mga ni-screenshot na lecture ng kapatid ko, bilang tulong sa kaniya at siya na ang tumulong kay mama roon sa kusina, nang tumawag ang aking besty na si Judith Dela Fuesta.
Nagstretch muna ako nang naramdamang sumakit ang kanang kamay ko galing sa pagsulat. Mamaya ay pagsasabihan ko iyong kapatid ko na huwag magtatamad sa pagcopy ng notes at nang hindi na doble ang mga gawain.
"Hello, bes?" sagot ko nang ilang ring na rin ang narinig ko sa aking huawei na smartphone.
Regalo itong cellphone ko kay Tita Cecil, noong graduation namin sa senior high. Kay Judith naman ay iPhone.
"Besty, Delilah Jyahcinth Salvacion, happy birthday!" masiglang bati niya.
"Shunga! Malayo pa ang birthday ko," iling at nakangiti kong sabi rito.
I'm thankful that I have a friend like her. She never fails to forget my birthday which is two weeks from now.
"Hala, sige! Birth month mo, gano'n!"
Tumango naman ako na na para bang nakikita niya ako at napahalakhak sa tinis ng boses nito.
"Saktong-sakto sa enrollment week natin. Kaya sa July 23 na lang tayo magpa-enrol."
Hinanap ko naman ang calendar sa kwarto ko. At tama nga si Dith, enrollment week nga iyon.
"Okay. Kahit simple lang ang handa namin, sumama ka na rin sa pag-uwi ko," sabi ko na para bang sure na sure na may ipapakain akong maganda sa kaniya.
Magkalapit lang din naman ang barangay namin sa isa't isa, ilang lalakarin lamang sa mabundok naming barangay.
We're not rich like them, pero may kaya naman kami sa buhay. Nakakain pa rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Mapili lang talaga sa pagkain si Judith dahil allergy iyon sa manok. Kaya nag-iisip pa ako kung anong ipapakain sa kaniya.
Kahit average ang estado namin sa buhay, mahirap pa ring itaguyod kami ni mama nang mag-isa, lalo na't wala na si Papa at tatlo kaming magkakapatid. Kaya iyong panganay namin na si kuya Jethro ay mag-isang umahon sa kaniyang sarili. Tinanggap niya ang opportunity sa pagpapa-aral sa kaniya ni Tita Marian, ang kapatid ni mama, doon sa Maynila. Ngayon, nakapagtapos na siya at nagtatrabaho na bilang IT sa isang kompanya. Minsan nagpapadala siya sa amin ng pera. At minsan hindi ito tinatanggap ni mama, kesyo pag-ipunin daw ni kuya iyon. Kaya umaapila rin ako kapag nangyari iyon at sasabihing sa akin na lang ipapadala ni kuya para sa pag-aaral namin ni Jenevieve.
Nagtatrabaho naman si mama bilang isang housemaid nila Tita Cecil, which is iyong mommy ni Judith. At sapat na raw ang sahod niya rito para sa mga pangangailangan namin.
Mababait ang magpamilyang Singson, kaya naging malapit na rin kami sa kanila at naging magbestfriend na rin kami ni Dith simula noong sampung gulang pa lang kami.
"Yeah, yeah," agree ng kausap ko.
Napabalik ako sa realidad nang nagsalita si Dith. Naalala ko na naman ang summer boyfriend niya. Nakilala niya iyon nang mga katapusan na sa buwan ng Mayo.
"E, kamusta nmana kayo noong bago mong jowa?" tanong ko sa kaniya.
Narinig ko namang parang may nahulog. Kumunot ang noo ko.
"Dith, okay ka lang ba diyan?"
Matagal pa siya bago sumagot.
"Pasensiya ka na. Baka marinig ako ni mommy. Lumabas lang ako," mahina niyang banggit.
BINABASA MO ANG
Short Fuse (On-Going)
RomantizmPeople had different ways on how to handle anger, but anger is the only thing should put off until tomorrow. - Hope you'll patiently stay tuned. Filipino-English Romance Story. Refrain from plagiarizing.