Prologue

40 2 6
                                    

"Mom, ibigay mo na yung phone ko please!" Pagmamakaawa ng aking anak dahil kinumpiska ko ang phone niya ilang araw na ang nakalilipas. Puro na lang siya phone. Kung ano-ano naman ang ginagawa.

"No, Tasha!" Pakikipagtalo ko naman sakaniya. Ang tigas-tigas ng ulo ng anak ko palibhasa masyadong bine-baby ng daddy niya.

"Please mom! I need to call my friends." Pagmamakaawa niya pa lalo.

Umiling ako, "If I say no, no. I'm not your dad, Tasha." Pagmamatigas ko naman. Kabataan nga naman ngayon, gusto lang phone. Nakakasira ng sa mata yan!

"Oh yeah right! Hindi ikaw si dad kasi buti pa si dad, binibigay yung gusto ko." Sagot naman ng aking anak.

"Aba't sumasagot ka na?! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na matuto kang gumalang sa mga matatanda?! At hindi ba sinabi ko rin na hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo?! Haaaay! Ang sakit-sakit talaga ng ulo ko sa'yo, Tasha!" Panenermon ko naman. Hindi ko naman pinapalo ang anak ko dahil baka mas lalong magrebelde. Kinakausap ko siya naman nang mahinahon pero kung minsan ay hindi na madadaan sa ganon.

"What happened?" Isang baritonong boses mula sa likod ko ang nagsalita.

"Daaaaaad!!" Sigaw ng aking anak at tumakbo papunta sa daddy niya at niyakap ito.

"Ano bang nangyayari? Bakit ba nagsisigawan kayo?" Tanong niya at niyakap pabalik ang anak namin.

"Si mommy kasi e! She took my phone tapos hindi niya binabalik. I really need to call my friends na kasi, dad!" Pagsusumbong ng anak ko. Aba naman talaga.

Tinignan ako ng asawa ko at nagmamakaawang ibigay ko na ang phone ng anak namin pero nagmatigas pa rin ako. Nakipagtitigan talaga ako sakaniya.

"Dad please do something!" Pagmamaktol ng anak ko at may papadyak pa ng paa. Kung hindi lang talaga masyadong binebaby ng asawa kong itong si Tasha, hindi magiging ganito katigas ang ulo ng anak namin.

Pinagtaasan ko ng kilay ang asawa ko at napabuntong hininga na lang siya.

"Tasha, sundin mo na lang ang mama mo, okay?" Mahinahon niyang tugon kaya lalong napasimangot si Tasha.

Umalis siyang padabog at tinarayan pa ako. "Tasha!!" Sigaw ko pa pero hindi na niya ako pinakinggan. Napahawak na lamang ako sa sentido ko at lumapit ang aking asawa.

"Nakita mo na? Nakakaya tayong pagdabugan ng anak natin! Puro ka kasi bigay ng bigay ng mga bagay na hindi niya naman kailangan. Nabubuhay sa luho yang anak natin!" Panenermon ko naman sa asawa ko.

Walang araw na hindi ako sumisigaw at nanenermon sa dalawang ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Oo na, pagsasabihan ko na. Maghanda ka na lang ng gamit mo riyan. Aalis tayo bukas." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Saan naman?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa may pisngi.


"Need pa bang pumunta there? Wala naman akong friends don." Pagmamaktol ng anak ko matapos niya sumakay sa kotse.

Umagang-umaga naiinis na ako sa anak ko.

"Kailangan natin bisitahin ang mga grandparents mo." Mahinahon namang tugon ng asawa ko habang nagmamaneho.

"Whatever." Usal ng akin anak at tumingin na lamang sa labas.

Inusisa ko siyang mabuti. Bakit nga ba lumaking ganito ang anak ko? Dahil ba wala ako noong lumalaki siya? Kulang ba ako sa pagdidisiplina?

"What?" Matapang na tanong ni Tasha na kanina pa pala nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi man lang natinag.

"Stop staring." Utos niya pa. Napapikit ako sa inis. Nakaya niya talagang pagsalitaan ako nang ganiyan?! Matapos ko siyang bitbitin sa sinapupunan ko ng siyam na buwan tapos ganito lang siya kabastos paglaki?!

Ngayon na ako naniniwala sa kasabihang, kung anong ginagawa mo sa magulang mo ay gagawin rin saiyo ng anak mo. Ngayon naniniwala na talaga ako. Inaamin ko ang tigas rin ng ulo ko noon. Pero hindi ganito kalala. Doble ata ang pasakit na binigay sa akin. Karma na ba ito?

Nang makapasok na kami sa isang compound ay may mga kotse rin na nakaparada. Kanino naman kaya ito? Pagkalabas ko ay sakto namang lumabas ang isa sa mga may ari ng kotse. Pagkalingon niya ay nagulat ako. Ganoon rin siya.

"Augu-" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin.

"CJ!!!!" Sigaw niya pa at pinaikot-ikot pa ako. Aba!

"Bitawan mo asawa ko." Banggit naman ng asawa ko kaya napatigil itong bumuhat sa akin. Tumawa lang naman siya at niyakap rin ang asawa ko.

"Long time no see! Balita ko ay uuwi rin dito yung dalawa pa nating kaibigan." Bulong niya sa aming dalawa habang nakaakbay.

Ibig sabihin ba nito, makikita ko sila?

Paano yon?

"Relax ka lang, Cj. Matagal na yon!" Banggit ng kaibigan ko. Pansin niya siguro na nininerbyos ako.

"Weirdos." Banggit ng dalawang tao na nasa likod namin. Nakita ko si Tasha na may kasama ring isang babae na kasing edad niya. Aba't mukha ring matigas ang ulo.

"Anak mo?" Tanong ko sa kaibigan ko at tumango siya.

Hinampas ko siya, "Bakit hindi mo sinabing may anak ka na pala?! Hindi mo man lang kami macontact!" Panenermon ko.

"Nahihiya pa kasi ako noon. Sorry na." Sabi niya at hinimas-himas ang balikat niya. Napatingin naman ako sa asawa ko na seryoso ang tingin sa akin. Ngumiti ako sakaniya. Mukhang alam niya rin kung anong iniisip ko.

Iniisip ko na magkrukrus ang landas naming lima.

Bumabalik na naman ang alaala sa lugar na 'to. Kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nagbago ang buhay naming lahat.

Lugar kung saan nabuo kaming lima at kung paano rin kami naghiwalay lahat.

Saksi ang compound na 'to.

Saksi ang compund na 'to kung anong nangyari noong 16 years old palang kaming lahat.

Maraming nangyari at kahit kailan hindi na mabubura sa aming isipan. Maraming katanungan na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagutan. Maraming dahilan na hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman.

Simula pagkabata kami na ang magkakasama ngunit may dumagdag lang na isa.

Lalong tumibay ang pagsasama namin noong taong 1995. Dahil nga may dumagdag at mas lalo kaming sumaya. Mas marami kaming nagawang mga bagay na hanggang ngayon nandito pa rin sa puso ko. Masakit man ang nangyari sa amin noon, masaya pa rin ako dahil nakilala ko sila. Sila na itinuring kong pamilya.

Ngayon, gusto ko nalang bumalik noong 1995. Kung saan masaya pa kaming lahat.

Back in 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon