Hello! Before we start pala, gusto ko lang sabihin na bumase ako sa totoong mga tao. Let's say yung ibang pangyayari rito sa buong story na 'to is nangyari sa akin sa totoong buhay. Yes po, yung ibang parts dito ay ibabase ako sa buhay ko mismo. Yung mga characters ay mga tao rin sa buhay ko (iniba ko lang yung names at gender nung iba hihi). Inspired din ito sa Reply 1988 and yung story ni binibining mia na Leo and Aries. So yun lang naman, thank you!
[December 23, 1994 — Christmas break]
“Hoy, Cecilia!” Sigaw ni mama sa akin dahil akmang lalabas na naman ako ng bahay namin.Lumapit naman ako sakaniya at ngumiti.
“Saan ka na naman ba pupunta? Alas otso palang ng umaga! Kagigising mo lang tapos gagala ka na naman? At talaga nga naman! Nakapajama ka pa!” Umagang-umaga sermon na naman. Christmas break naman ngayon ah!
Napabuntong hininga na lang ako, “Pupuntahan ko lang po sila August!” Pagproprotesta ko naman. Bawal ba kasi? Kapag naman nakahilata ako buong magdamag, sesermonan ako. Kapag lalabas ng bahay, sesermonan pa rin ako. Saan ba ako lulugar?
“Hindi na ba kayo nagsawa na halos buong buhay niyo ay nagkikita na kayo?” Tanong niya pa habang pinapakain ang kapatid ko na si Calypso.
Tinignan ko naman ang kapatid ko na nakatingin sa akin. Nginitian ko naman ito.
“Babalik din po ako mamayang tanghali.” Tugon ko at tumakbo na palabas. Alam ko na kasunod non e, hindi niya ako papayagan.
“Ceciliaaaaa!!!” Sigaw ni mama pero tumawa na lang ako at nakita ko na si Augustine na nakatambay sa labas ng tindahan nila nanay Arcelie.
Lumapit ako sakaniya. Hinihingal pa ako kaya napahawak ako sa balikat niya. Nakita ko naman siyang umiinom ng taho kaya inagaw ko ito at inubos ko iyon.
“Napakasama ng ugali mo, Cj! Yan na nga lang almusal ko e!” Pagmamaktol niya at inakbayan ko siya kaya naglakad na kami.
Nakabusangot pa siya kaya tumawa ako, “Makikikain na lang tayo kila Theo.”
Nagliwanag naman ang mukha niya at naglakad kami papunta sa bahay nila Theo. Sa labas pa lang ay makikita mo na si tita Madelyn na nagdidilig ng halaman.
“Good morning po! Si Theo po kaya?” Tanong namin. Ngumiti siya sa amin at binuksan ang gate nila.
“Nasa loob. Nagluluto ng almusal. Pasok kayo para makapag-almusal na rin kayo.” Sabi ng mama ni Theo. Nakita ko si Augustine na dali-daling pumasok kaya sumunod na lang ako. Siraulo talaga yon.
“Good mooooorning, Theoooooo!!” Masigla kong bati. Nakita ko siya nagsasangag pa ng kanin.
“Magandang umaga. Ginagawa niyo rito?” Tanong niya habang sinasalin ang ang kanin sa isang lalagyan at humarap na siya sa amin.
“Heto naman! Akala mo naman hindi kaibigan e. Syempre makikikain. Dating gawi.” Sabi ni August at naghugas na ng kamay. Ako naman ay ngumiti kay Theo bago sumunod sa paghuhugas ng kamay.
“Nasaan pala si Samuel?” Tanong niya kaya nagkatinginan kami ni Augustine.
“Si Samuel!!!” Sabay na sigaw namin ni August at kumaripas ng takbo. Magtatampo yon dahil hindi namin siya sinama. Dapat kung makikikain ang isa, damay-damay na. Yon ang motto naming apat kaya naman mabilis kaming tumakbo at napalakas pa nga ang katok ni August sa gate nila. Kaya ayon masakit ang kamay. Tumawa ako dahil may doorbell naman.
“Magandang umaga, tita Jessielyn! Si Samuel po?” Tanong ko.
“Samuel!! Sila Cecilia narito sa baba!” Sigaw ng nanay niya.
BINABASA MO ANG
Back in 1995
Teen FictionCecilia Jacqueline - isang 41 years old na babae. Nang bumalik siya sa kaniyang dating tinitirahan ay biglang bumalik ang lahat ng alaala noong taong 1995. Noong mga panahon na pinaglalaruan siya ng buhay. Noong taon na una niyang maramdaman lahat...