Tumakbo ako pabalik sa kama ko at nagtalukbong. Pinilit kong matulog para mawala sa isip ko yung nakita ko. Baka naghahallucinate lang ako, baka pagod lang ako.
Tulog na, Cj!
Kinaumagahan ay ang tamlay ko na agad. Wala akong ganang kumain at parang tinatamad talaga akong pumasok sa school. Kulang ako sa tulog at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung nakita ko. Akala ko ba mag-aaral siya? Bakit nagtatawanan sila? Bakit may pa ice cream pa? Hindi ba sila natatakot na ubuhin? Hindi ba sila natatakot na baka may magpakitang kapre sakanila? Hindi ba sila natatakot na baka may mangkukulam na silang nakasalubong?
Nakakainis naman e!
Lumabas ako ng bahay namin na hinang-hina. Wala akong gana. Nakita ko naman yung apat na nasa tapat ng bahay namin. Si Vivien ang unang lumapit sa akin at inaabot ang isang lunch box.
Nang makita ko siyang nakangiti ay naalala ko na naman yung nakita ko kagabi.
“Para saan 'to?” Tanong ko.
“Baon mo. Ginawan ko kayong apat. Goodluck sa studies!” Sabi niya at niyakap ako.
Kung tutuusin, mabait si Vivien pero hindi ko lang maintindihan kung bakit nagseselos ako. Kasi naman e!
“Ah, salamat. Alis na ako.” Tugon ko at hindi nilingon yung tatlong lalaki. Wala akong ganang makipag-usap.
Una, kulang nga ako sa tulog. Alas dos na ako nakatulog at pakiramdam ko mukha akong zombie ngayon!
Pangalawa, yung nakita ko kagabi. Nakakainis kasi! Ngayon na lang ulit ako nagselos. Last time na nakaramdam ako ng ganito ay noong intramurals kasi imbes na yung muse nila ay nakadikit sa escort, nakadikit kay Theo. Sinong hindi maiinis?
Pangatlo, hindi ako nag-almusal.
Nag-abang ako ng tricycle. Ayaw ko namang maglakad. Ngayon na nga lang maagang papasok, ipagkakait pa sa akin.
Ilang beses na akong bumuntong hininga pero wala pa ring tricycle.
Wala na bang gaganda ang araw na ito?!
“Hoy Cj! Sakay na!” Sigaw ni August. Nakita ko silang nakasakay na sa tricycle. Sa likod nung driver ay si August at Samuel. Nakita ko naman yung nasa loob. Si Theo!
Ayaw ko! Ayaw ko siyang katabi! Nakakainis pa rin hanggang ngayon. Sabi niya mag-aaral siya tapos biglang makikita ko nagkakasayahan silang dalawa ni Vivien. Gabi na non ha! Tapos may pa ice cream pang nalalaman. Bakit hindi sila nagyaya?
“Nakatulala ka na naman. Sakay na.” Utos ni Samuel. Lumapit ako sakanila at tinignan si August.
“Alis! Ako riyan.” Utos ko sakaniya. Seryoso lang akong nakatingin sakaniya kaya imbes na umangal siya ay tumabi siya kay Theo.
Umandar na ang tricycle pero yung utak ko parang hindi pa rin umaandar.
“Ayos ka lang ba? Nagpuyat ka ba?” Tanong sa akin ni Samuel. Umiling na lang ako bilang sagot.
May kinuha siya sa bag niya at binigay sa akin ang isang balot ng sandwich.
“Kumain ka. Kailangan may maidigest ang digestive system mo para yung mga nutrients, napupunta sa ibang organs para gumana lalo na sa utak mo. Gulay naman palaman niyan kaya ayos.” Tugon niya. Wow, salamat sa knowledge.
Binuksan ko ito at dahan-dahang kumagat, doon lang talaga ako nakaramdam ng gutom. Habang kumakain ay muntik pang mahulog yung bag ko kaya kinuha iyon ni Samuel at siya ang nagbitbit.
Nang makarating sa school ay nilalantakan ko pa rin yung sandwich na bigay ni Samuel. Grabe ansarap kasi!
Kukunin ko na sana ang bag ko mula kay Samuel ngunit hindi niya ibigay. Sinamaan ko siya nang tingin pero diretso lang ang lakad niya.
BINABASA MO ANG
Back in 1995
Teen FictionCecilia Jacqueline - isang 41 years old na babae. Nang bumalik siya sa kaniyang dating tinitirahan ay biglang bumalik ang lahat ng alaala noong taong 1995. Noong mga panahon na pinaglalaruan siya ng buhay. Noong taon na una niyang maramdaman lahat...