Chapter 11

8 0 0
                                    

Ambilis ng araw dahil February 14 na ngayon. Excited na excited ako kasi may mga laro mamaya.

Nagsuot ako ng yellow long sleeve at maong na jumper. Tinupi ko ang dulo nito upang makita ang medyas ko. Nagsuot rin ako na kulay yellow na sneakers ang tumingin ako sa salamin. Grabe, ang ganda ko!

 “Ma! Pakitali naman po itong buhok ko!” Sigaw ko. Sinara muna ni mama ang clinic dahil paghahandaan niya raw ang prom ko mamaya. Agad naman siyang pumasok sa kwarto ko upang tirintasin ang aking buhok.

Nagpulbo ako at naglagay ng lipstick pero hindi ganoon kakapal. Hindi raw kami maguuniform ngayon dahil na rin sa pagcecelebrate namin.

Nang matapos tirintasin ni mama ay nilagyan niya pa ng clip ang buhok ko na lalong nagpaganda rito.

 “Thank you, ma. Alis na po ako.” Tugon ko mabilis na tumakbo. Nakita ko yung tatlo na handang-handa rin. Sayang dahil pwede pa naman ang outsider. Isasama dapat namin si Vivien kaso kasama niya ang daddy niya.

Nakayellow din si Samuel na bumagay sa kulay ng balat niya. Si Theo naman ay nakakulay black. Samantalang si August ay nakakulay red.

 Ngumiti ako sakanila at ganoon din naman sila sa akin. Sumakay na kami ng tricycle at nang makarating sa school ay bumungad agad sa amin ang maingay na tugtugin. Sumalubong din sa amin ang mga kaschoolmates namin na akala mo disco ang pinuntahan.

Nakita ko ang dalawa kong kaibigan kaya humilay ako sa mga mokong.

 “Ang ganda mo ngayon, Cj!” Usal ni Selya sa akin. Nakadress siya na kulay pula na parang tinernohan niya talaga ang suot ni August.

 “Araw-araw naman.” Pagbibiro ko kaya tumawa sila.

 “Saan tayo?” Tanong naman ni Angie na ngayon ay nakapantalon at nakacroptop na hapit sa katawan niya. Bumagay naman dahil maganda ang korte ng katawan ni Angie.

 “Laro muna tayo.” Sagot ko naman at lumapit doon sa booth na kailangan mong mapabagsak ang lata sa pamamagitan ng laruan na baril. Ang prize ay teddy bear.

Kumuha kaming tatlo ng laruang baril at itinutuktok sa 4th year student na namamahala roon.

 “Hoy! Bakit ako? Mukha ba akong lata?” Tanong niya kaya tumawa kaming tatlo atsaka sabay-sabay din tinutok ang baril sa lata na patatamaan namin.

Sabi nga nila mukha raw kaming magkakapatid dahil sabay-sabay ang kilos naming tatlo.

Nagkatinginan muna kami bago namin iyon paputukan. Ang magaling dito ay si Angie kaya nagpaturo kami sakaniya.

Tumawa pa kaming tatlo dahil napabagsak namin ang lata. Binigyan naman kami ng tig-iisang teddy bear.

Pumunta naman kami sa gitna dahil may hindi kilalang banda ang tumutugtog. Nakisabay kami roon dahil maganda ang boses nung bokalista nila.

Nang mapagod ay balak na naming pumunta sa isa sa mga stall na nagtitinda ng mga pagkain nang biglang may nagkumpulan.

 “Tara! Puntahan natin!” Dahil dakilang chismosa itong si Selya ay siya ang humila sa aming dalawa ni Angie.

Nakita namin ang isang 2nd year student na babae at isang 4th year student na lalaki. Teka, 4th year?!

 “Ay wow! Malalala.” Wala sa sariling tugon ni Angie. May hawak kasing bulaklak yung babae at inilahad ito sa kamay nung lalaki. Naguguluhan yung lalaki sa ginagawa nung babae.

 “Yan ba ang pakulo ng mga 4th year student?” Tanong ni Selya sa katabi nitong babae.

 “Oo. Balita ko nga ay hahandugan daw nung babae yung lalaki ng kanta.” Sagot naman nung pinagtanungan niya. Chismosa talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back in 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon