[January 09, 1995 — School Reopens]
“Shit!!” Yan na lamang ang nasabi ko habang nagmamadaling maglagay ng medyas sa paa ko. Late na ako! Flag ceremony pa naman at baka mahuli na naman ako ng Principal.
“Hoy, Cj!! Dali! Mahuhuli na tayo!!” Narinig ko namang sumigaw si August kaya lalo akong nagmadali. Hindi na ako nag-almusal at nagmadali na lang ayusin ang sarili ko. Maganda naman na ako kaya ayos na rin. Biro lang!
Pagkalabas ko naman ay sumakay na agad ako sa bike ni August at kinuha yung plastik na dala niya na alam kong may lamang pandesal.
“Lintek naman kasi! Hindi ako ginising ni ermats. Si Samuel at si Theo, ayon! Nauna na!” Pagmamaktol niya habang nagpepedal sa bike niya. Alam kong late na kami pero ansarap nung pandesal ah.
10 minutes kasi ang lalakbayin namin bago makapunta ng school kaya sigurado akong late na talaga kami.
Pagkapark ni August sa bike niya ay sabay kaming tumakbo kaso nga lang nakaabang sa gate si Mrs. Madrigal. Suot niya pa ang paborito niyang salamin at dala-dala niya pa ang stick niya habang nakatingin sa aming dalawa ni August.
“Good morning po!” Sabay naming bati ni August.
“Mag-uusap tayo mamaya, Ms. Garcia at Mr. Reyes.” Ani niya naman at pinapasok na kami upang makapila na.
“Patay na, Cj! Paglilinisin na naman tayo ng school yard mamaya. Badtrip naman kasi.” Naiirita niyang tugon at umakbay sa akin. Sabay kaming pumila at nakita ko naman si Samuel at Theo na nakatingin sa aming dalawa.
Lumapit pa ang mukha sa akin ni August. Punyeta! Walang malisya ah, malandi lang talaga itong si August at sanay na ako roon. Pero mang-aasar lang 'to, alam kong hindi ako papatusin nito. Bakla yan e HAHA!
“Kita mo yang dalawang yan, gaganti tayo riyan.” Bulong niya. Obvious naman kung sinong pinapatamaan niya. Sila Samuel at Theo. Tinignan ko silang dalawa. Si Samuel ay masamaang tingin kaya inirapan ko. Si Theo naman ay walang emosyon na nakatingin sa amin ni August, nginitian ko siya pero humarap din ulit siya. Kainis!
Humiwalay ako kay August nang makita ko ang dalawa kong kaibigan.
“Hoy Angie! Hoy Selya!” Tawag ko sakanila. Hindi pa nag-uumpisa ang ceremony. Ang init na kaya!
“Ceciliaaaa! Namiss ka namin ni Angie! Ikaw naman kasi! Hindi ka man lang bumisita sa amin noong pasko.” Bungad sa akin ni Selya at saka ako niyakap.
“Pasensya na. Kain na lang tayo sa linggo.” Sabi ko naman sakanilang dalawa. Silang dalawa ang friends ko rito sa school, lagi rin kaming magkakasama sa kalokohan. Nakakatuwa silang dalawa kasi kahit na minsan na hindi ako sumasama sakanila, hindi sila nagtatampo.
Umayos na kami ng pila dahil nag-umpisa na ang flag ceremony. Susubok na naman ako sa panibagong pagsubok. Syempre, sasakit na nalan ulo kakaintindi sa mga tinuturo. Kahit anong piga ko sa utak ko, wala talaga. Ganda lang ata talaga ang mayroon ako.
Nang matapos kami sa flag ceremony ay pinatawag muna kami sa principal office para sabihin na maglilinis kami ng school yard. Okay na rin, namiss ko na rin naman mga halaman doon.
Ngayon ay nakikipagkwentuhan na naman ako kila Angie. Wala pa yungnga teachers. Dapat sila rin e, kapag late sila, dapat pinaglilinis din sila ng school yard. Biro lang!
Tinignan ko naman ang desk ni Selya, “Ano ba naman yan, Selya?! Puro mukha na ni Marvin Agustin 'yang desk mo. Hindi mo naman mapapantayan si Jolina!” Paninigaw ko sakaniya. Puro kasi mukha ni Marvin, kakasawa rin 'no.
“Bakit ba?! Ikaw nga puro Th—” Tinakpan ko ang bibig niya nang makita ko si August na nasa tapat namin. Ang daldal talaga ni Selya!
“Oh ano naman ginagawa mo rito?” Tanong kay August.
BINABASA MO ANG
Back in 1995
Teen FictionCecilia Jacqueline - isang 41 years old na babae. Nang bumalik siya sa kaniyang dating tinitirahan ay biglang bumalik ang lahat ng alaala noong taong 1995. Noong mga panahon na pinaglalaruan siya ng buhay. Noong taon na una niyang maramdaman lahat...