Nang matapos akong makakain ng hapunan ay nagpaalam ako kay mama at papa na pupunta ako kila Theo dahil mag-uusap kami at mag-aaral na rin. Kapag ginabi na masyado, roon na ako makikitulog. Sinabihan ko na rin si Vivien na bukas nalang ng gabi kami kakain ng ice cream kasi feel ko kailangan kong unahin si Theo. Mukha kasing galit siya.
Dahil tamad na ako kumatok sa bahay nila at baka mabulabog ko pa si tita sa panonood niya ng teleserye ay naisipan kong umakyat papunta sa kwarto ni Theo. Kaya ko naman iyon akyatin, ako pa. Alam niyo ba kung saan ang daan ko? Sa bintana!
Sumilip muna ako sa kwarto niya. Hala, bagong ligo siya! Nagpupunas kasi ng buhok habang nagbabasa ng libro. Sinasama niya kaya sa palikuran yung libro niya?
“Pst!” Pananawag ko ng atensyon niya. Bigla ko namang ibinaba ang ulo ko para hindi niya ako makita. Nang makasiguradong hindi na siya nakatingin ay tinawag ko ulit siya.
Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagtago.
Nakita ko siyang sinara ang libro niya at nagmamadaling lumapit sa akin. Ako naman ay pumasok na sa kwarto niya. Ambilis, hindi ba?
“Cj, may pintuan naman, dapat kumatok ka. Pagbubuksan ka naman ni mama.” Sabi niya at dinuro-duro pa ang noo ko. Sinimangutan ko lang ito at nahiga ako sa kama niya.
“Ano bang pag-uusapan natin?” Tanong ko na agad sakaniya. Niyakap ko ang isasa mga unan niya. Inaantok ako! Ambango ng unan niya hihi.
“Hindi mo dapat ginawa yung kanina at pati na rin ngayon. Alam ko namang magaling ka sa pag-akyat pero paano kung naaksidente ka?” Tanong niya naman at naupo sa study table niya. Nakalumbaba at animo'y anghel na nagbabasa.
“Hindi 'no! Ngayon na nga lang ako umakyat ng puno e. Ansaya nga e!” Masigla ko namang sagot sakaniya.
“Kahit na. Tinanggal mo pa yung palda mo kanina. Kapag nakita yun ng principal natin baka hindi ka na pagsuotin ng palda hanggang grunaduate tayo. Atsaka baka masugatan ka. Yari ka kay tita dahil pinakaiingatan niya yang balat mo.” Mahaba niya namang sermon sa akin. Andaldal naman nito ngayon.
Humarap siya sa akin at tinuro ako gamit ang ballpen na hawak niya, “Huwag mong uulitin iyon, Cecilia Jacqueline.” Seryoso niyang tugon havang nakatitig sa akin. Grabe naman! Parang nanghihipnotismo ang tingin niya sa akin at agad-agad akong tumango.
“Oo na! Mag-aral na nga tayo.” Sabi ko at ibinigay ang libro ko. Umupo ako sa tabi at pinagmasdan ang kilos niya habang inaayos ang gagamitin namin.
Math kasi ngayon dahil nahihirapan talaga ako. Andami na ngang problemang kinakaharap ng mundo, idadagdag pa yung problema ng math na yan tapos ako magsosolve? Aba, nakakaloko na yan! Problema niya tapos ako magbibigay ng solusyon? Bakit nung may problema ba ako, tinulungan niya ako? Hindi naman e!
Nag-umpisa na siyang magturo at nakikinig naman ako. Naiintidihan ko rin kasi magaling talaga siya magturo. Yung sinasabi ni tita na shortcut sa math, para sa akin sobrang haba at nakakahilo. Kapag si Theo ang nagpaliwag nung shortcut, parang ambilis!
Hindi ko rin maiwasan na titigan siya. Ang ganda kasi ng side profile niya. Ang gwapo-gwapo niya! Lalo na kapag nakangiti kaso minsan lang ito ngumiti e. Parang mahalaga ang pagngiti niya kaya hindi niya sinasayang. Kung alam niya lang kung paano niya pinapasaya ang puso ko kapag ngumingiti siya, kung alam niya lang talaga. Para nga akong sorbetes kapag kaharap siya, natutunaw ako!
Habang pinagpapantsyahan siya ay nakaramdam ako ng pukpok ng lapis sa ulo ko. Nahimas ko tuloy iyon.
“Masakit kaya!” Sabi ko sakaniya at hinampas siya. Kakainis naman e! Ang ganda kaya ng naiisip ko tapos bigla niyang puputulin.
BINABASA MO ANG
Back in 1995
Ficção AdolescenteCecilia Jacqueline - isang 41 years old na babae. Nang bumalik siya sa kaniyang dating tinitirahan ay biglang bumalik ang lahat ng alaala noong taong 1995. Noong mga panahon na pinaglalaruan siya ng buhay. Noong taon na una niyang maramdaman lahat...