Chapter 7

1 0 0
                                    

Bakit niya naman ako hihintayin? Atsaka dapat talaga nag-aaral na siya nang ganitong oras e. Alam ko schedule niya.

 “Ha? Dapat nag-aaral ka na ngayon e. Nag-abala ka pa na hintayin ako.” Oo na, ako na ang pakipot. Ayaw ko namang magfeeling na gusto niya ako.

 “Gabi na kasi atsaka pinakiusapan ako ni tito.” Tugon niya. Ah, yun lang? Wala ng karugtong?

Tumango na lang ako at nag-umpisang maglakad. Binagalan ko talaga para more moments with him.

Naks! English yon!

 “Okay ka na ba? Mukhang sineryoso mo talaga yung note ko ah.” Wow andaldal naman. Nahalata niya pala.

 “Totoo ba kasi yon? Manonood tayo ng sine? Paano kung hindi ako nakaabot? Paano yon?” Sunod-sunod kong tanong.

Tumawa naman siya,  “Totoo nga. Kung hindi ka nakapasok, edi ice cream lang ibibigay ko sa'yo.”

Ice cream? Eh gusto ko date e!

Joke. Hindi nga yun date pero hindi ba kapag lalabas ang babae at lalaki, date na yon?

 “Sus! Kaya ko yon! Baka nga ako papalit sa pwesto mo bilang top 1 ngayong 4th grading e.” Pagmamayabang ko kahit alam ko naman na hindi ko kaya. Siya pa? Matalino yan e.

 “Sige, sabi mo e.” Sagot niya naman. Tumawa siya at tumawa rin ako.

Katahimikan na ang namayani. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin ko. Alam ko naman maiirita siya kapag tanong ako nang tanong. Alam ko rin naman kasi na tahimik siya kaya hindi na lang din ako nagsalita.

Pero bakit ambagal ko maglakad? Kadalasan naman inaabot lang ako ng 15 minutes kapag naglalakad pero ngayon para akong pagong. Dahil ba gusto ko talaga makasama si Theo?

 “Cj.” Banggit niya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa likod ko. Grabe antangkad niya talaga! Nakahinto na pala siya kaya lumapit pa ako.

 “Hmm?” Tanong ko. Tinignan ko naman siya sa mata at nakatitig lang din siya sa mata ko na parang naghahanap pa ng tamang salita na sasabihin o itatanong sa akin. Narinig ko ang buntong hininga niya.

 “Wala pala.” Sagot niya. Kumunot ang noo ko.

 “Sabihin mo na, Theo.” Sabi ko naman at bahagyang tumawa. Kinakabahan kasi ako kaya dinaan ko na sa tawa. Ang seryoso ng tingin niya e.

Aamin na ba siya?

 “Huwag na. Dalian na natin maglakad.” Usal niya pero kinurot ko siya sa tagiliran.

 “Ano nga kasi?!” Naiinis na ako. Pinapakaba niya kasi ako. Narito na naman yung kakaibang kabog sa puso ko. Ayaw huminto.

Tama na!! Baka kasi marinig niya at baka kung anong isipin niya.

 “May... may nagugustuhan ka na ba?”

Yan! Yan ang tanong niya. Sa harap ng damuhan, sa ilalim ng mga bituin at buwan, tinanong niya yan.

Napatingin ako sa mga ulap. Ang ganda. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi pa rin talaga. Ambilis magwala ng puso ko.

Cj! Umayos ka nga!

 “H-ha? Ako? Si Patrick Garcia. Oo tama! Si Patrick Garcia. Gwapo niya e tapos maputi. Maganda pa ang ngiti.” Sagot ko naman. Ayaw ko pang umamin! Hindi pa ito ang tamang oras.

 “Sa campus? Wala?” Tanong niya pa. Ano ba yan? Bakit niya ba tinatanong?

 “Wala. Atsaka wala namang papantay kay Patrick Garcia. Ikaw ba?” Tanong ko. Kailangan kong malihis ang topic sa akin. Baka mamaya iwasan niya na lang ako kapag umamin ako. Ayaw ko nga!

Back in 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon