Chapter 10

2 0 0
                                    

 “Uy nabalitaan niyo na ba?” Bungad na tanong sa amin ni Selya. Si Angie ay nagsusulat sa diary niya samantalang ako ay kumakain ng chichirya.

 “Ang alin?” Tanong ko naman.

 “Hindi ba tuwing February 14 ay may mga booths na ginagawa ang mga 4th year? Ngayon ay meron pa rin pero dadagdagan daw nila ng mga iba pang pakulo. Katulad ng pwede kang umamin sa crush mo, pwede mong alayan ng tula, kanta, at iba pa. Tapos pwede raw kayong magdate! Nakakatuwa, hindi ba? Maset-up nga si August hihi.” Pagpapaliwanag niya.

Bakit may ganoon pa? Paano kung nareject? Madadamayan ba nila? Sus, kalokohan.

 “Asa ka pang magugustuhan ka ni August. Isa pa, parang nakakatamad naman umattend tapos kinagabihan ay prom na natin.” Sagot naman ni Angie.

Tama siya, kinagabihan ay magproprom na kami. Pagod na pagod na nga kami mag practice e. Ilang linggo nalang kasi bago ang prom kaya pinaghahandaan na.

 “Basta! Excited ako sa pakulo nila.” Masayang tugon ni Selya.

 “Edi kung pwedeng magdate, tatanggalin na yung blind date booth?” Tanong ko naman. Kasi ayaw ko nung blind date booth. Naset-up na ako sa ganun. Isa pa, literal na blind date! Hindi mo makita kung sino yung ka date mo. May nakaharang kasi. Boses lang ng ka date mo ang maririnig mo.

Kinilabutan nga ako kasi ang hina ng boses nung lalaki pero sapat na para marinig ko. Ang hindi ko pa makalimutan ay yung sinabi niya.

 Tumingin-tingin ka rin sa paligid  Hindi yung nakatingin ka lang sa isang tao. Maaaring nasa likod mo pala yung para sa iyo o kung hindi naman, nakabantay sa'yo. Hindi natin alam, Cecilia.

Ang weird! Nakakatakot kaya. Sana hindi na maulit yun.

 “Hindi ko lang alam. Tanungin mo si Theo. Sila kasi namamahala sa mga pinapasang booth ng mga 4th year e. Sila ang nag-aaprove.” Sagot sa akin ni Selya.

 “Ikaw talaga, Selya. Napakachismosa mo.” Sambit naman ni Angie at sabay pa kaming tumawa.

 “Ay teka nga! May nagyaya na ba sainyo na maging date sa prom?” Tanong ulit ni Selya. Bakit ba laging siyang may chismis? Saan niya ba nakakalap ang mga ito?

 “Selya, may dalawang linggo pa. Huwag ka ngang atat.” Walang emosyong tugon ni Angie.

Sabagay, may dalawang linggo pa bago may magyaya sa akin na maging date nila. Kung wala, edi ako na ang magyayaya. Ako na magyayaya kay Theo.

Habang nag-kwekwentuhan ay biglang nagsilabasan ang mga kaklase namin. May nangyari ba?

 “Hoy Jasper! Anong nangyayari? Bakit kayo nagsisilabasan?” Tanong ni Selya sa isa naming kaklase. Tinignan ko si August pero wala na siya sa kinauupuan niya. Siguro lumabas na rin.

 “Lumabas ka na lang para malaman mo.” Sagot naman sakaniya ni Jasper. Natawa tuloy ako. Para kasing aso't pusa itong dalawang ito. Kaya nga pinaglayo ni ma'am e. Magkapitbahay lang sila kaya siguro ganyan pakikitungo nila sa isa't isa.

 “Sapakin kaya kita?!” Patol naman ni Selya pero hinila ko na siya sa buhok para tignan namin kung anong nangyayayari.

Bumaba kami at maraming mga estudyante ang nagkumpulan. Karamihan pa ay freshmen na kinikilig pa. Nakisingit kami para naman makita namin agad.

 “Ano ba?! Magtititigan lang ba kayo?!” Nakarinig ako ng sigaw. Napatingin naman ako sa katabi ko, si August pala. Nakakarindi ah. Nakita ko ang nasa likod ko, si Samuel at Theo. Aba mga chismoso naman pala.

 “Augustine, ang ingay mo.” Saway ko sakaniya at kinurot pa siya sa tagiliran.

 “Ang tagal e. Duwag ata 'tong lalaking 'to. Ayaw pang yayain yung babae. Sus, kalokohan.” Sagot niya naman sa akin. Baka crush niya yung babae kaya ganiyan siya makaasta hahahaha!

Back in 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon