Chapter 1

167 4 0
                                    

Chapter 1

Matagal na akong naghihintay.. naghihintay na sana isang araw, matigil na yung bagay na palaging nagpapahirap sa damdamin ko.

Maghihintay na nga lang ba, o gagawa ng paraan. Marami sa atin tamad humanap ng kasagutan. O kaya naman takot sa katotohanan ng kanilang kinabukasan o sa mga pagsubok na kanilang hinaharap ngayon.

Para sa akin may tatlong bagay na higit na pinaniniwalaan ng isang tao. Ang Diyos, ang sinasabi ng mga taong malapi sa iyo at ang sarili mo.

Pitong taon ako nang mamatay ang mama ko. Mahirap lalo pa na napakastrikto ng papa ko. Kahit anong gusto nya, kahit anong sabihin nya, yun ang dapat kong gawin.

Gusto ko maglaro.. “Bantayan mo itong tindahan.. ”, utos nya sa akin.

Sa tuwing may dumadating na maniningil ng kuryente at tubig. “Wala po si Papa ko..”, heto ang lagi kong sinasabi sa kanila.

Halos araw-araw din dumadating yung may-ari ng apartment at sinisingil ako. Ako na wala pang alam sa buhay, kung anu-ano na ang naririnig ko mula sa ibang tao.

“Kawawang bata.. nawalan na ng ina, kinakawawa pa ng pabayang ama.”, madali ko yun pinaniniwalaan kaya ganun na talaga ang tingin ko sa sarili ko noon pa.

Sa edad na walo ako nagpatuloy ng pag-aaral sa baytang na dalawa. Wala akong laging baon, walang makain at higit sa lahat, walang kaibigan.

Hindi rin kaya ng papa ko na mag-isa lang kaya naghanap sya ng bagong mapapangasawa. Pero akala ko may mag-aalaga na sa akin, pero mali ako. Yung stepmoher ko ay mas malupit pa sa stepmother ni Cinderella.

Sa pag-aaral ko sa mura kong edad, hindi ko nagawang makipaglaro sa iba. Lagi lang ako pinapatigil ng stepmother ko sa bahay para utusan at kapag hindi ko nagawa nang maayos, pagmamalupitan ako.

Isang beses na kailangan kong umattend ng isang praktis kasama ang maraming estudyante ng iba’t ibang section. Nasa ikalimang baitang ako nito, at lahat ng estudyante sa sinabi kong baytang ay kasama ko sa iisang ground. Lumalayo ako sa kanila kapag hindi pa kami nagsisimula.

Tahimik lang ako. Tatayo lang kapag kailangan na namin sundan yung mga steps na tinuturo sa amin ng teacher.

Sa oras ng pahinga, isang batang babae ang lumapit sa akin, inalok sa akin yung isang juice. Natuwa ako dahil kahit paano may isang tao ang nag-iisip sa akin. Okay na sana kaso may isa akong kaklase na kinuha yung juice. Hinayaan ko na lang pero dahil bata pa ako, hindi napigilan ng mukha ko na magpakita ng inis.

“Alam mo ang ganda ng mata mo, parang mata ng pusa..”, sabi nung batang babae. “Huwag ka masyadong nagagalit, nagmumukha kang tigre.”, at saka sya tumawa. Hindi ko masyadong pinansin yung sinabi nya. Mata ng pusa? Sa isip ko nun, hindi yun kalokohan, pero isa lang talaga syang malaking kawalan ng oras para isipin pa.

Nang tumungtong ako ng hayskul sa tulong ng tita ko, naranasan ko ang madilim na karanasan ng isang estudyanteng tulad ko.

“Kyle, nawawala yung salamin mo?”, sabi ng concern kong kaklase.

“Malabo ba talaga mata mo? Kasi parang may napansin ako sa CR, subukan mo duon hanapin.”, sabi pa nung isa.

Sinunod ko naman agad yung tinuro nila. Pumunta agad ako duon sa CR. Bata pa ako nito kaya hindi ko agad naisip na, hindi naman ako nagpunta ng CR bago mawala yung salamin ko. Kaso tuloy-tuloy lang ako na parang isang tuta na sumusunod sa amo nya. Nakita ko din naman yung salamin ko, laking pasalamat ko kasi halos anim na taon na sa akin itong salamin na ito eh. Nakita ko sya, dito sa inidoro. Sa napakaruming inidoro.

Blue Eyes (Gellie's Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon