Chapter 1 *King*

47 1 0
                                    

"You can't fall if you don't climb. But there's no joy in living your whole life on the ground..."

Haaay. Natapos ko na din sa wakas ang librong binabasa ko. Tiningnan ko ulit ang cover ng librong binasa ko at tsaka ko inilagay sa bag ko.

Inhale...

Exhale...

Hmm. Nagsimula na akong maglakad papunta ng school namin. Malapit lang naman. 10 minutes na lakaran lang mula sa bahay.

After 5minutes na paglalakad ko, kinuha ko yung earphone at cellphone ko sa bag ko sa kadahilanang bored na bored na ako sa paglalakad.

*beeeeeeeeeeep!*

Napalingon ako sa kotseng bumusina para makaiwas ako pero huli na

Splashhhh!!!

Kung sineswerte ka nga naman o! Basa na ako ngayon. Nakakainis nga naman o! Lumingon-lingon ako sa kalsada to the left and to the right para makasigurong wala ng sasakyan. At saka ako pumagitna sa kalsada.

"Wow! Thank you ha!! Thank you!!!" Sigaw ko habang nakataas yung right hand ko. Yung para bang makikidigma tapos isisigaw ang 'sugod'.

Nakakainis!! Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at NICE!! 7:27 na at 7:30 ang time! Haist! Nakakainis talaga. Senior na nga ako, transferee pa tapos male-late pa ako sa first day? Haay. Ano pa bang magagawa ko. Edi tumakbo!!

"1... 2... 3!"

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makarating ako ng school. Kaya eto, hingal na hingal ako. Juice colored! Andito ako ngayon sa bulletin board para tingnan kung saang classroom ako papasok at kung anong oras ang klase ko.

Please Lord, wag namang 7:30.

And ayuuuun!

Alvarado, Kristel Chandria Shanel.
@Royal Building. 8:30am

Wow! Sa royal building ako? As in OMG! Nasa building ako ng mga magaganda at gwapo, mga sikat at matatalinong estudyante ng Royal Academy. Di ko aakalaing makakabilang ako dito. As in Royal Building? Andito yung mga actors and actresses, models, singers, athletes and top notchers, isama mo na rin yung mga mayayamang tao sa Pilipinas.

At dahil 8:30am pa ang klase ko, naisipan kong magtungo ng cr para makapagpalit ako. Dumaan ako sa parking lot ng school, at halos malaglag ang panga ko ng makita ko na yung kotseng bumasa sa akin kanina. Agad ko itong nilapitan at tiningnan kung may tao sa loob. Pero wala.

Kaya naman nagpunta na ako ng cr at nagpalit ng damit. Pagkatapos noon, pumunta na ako sa building namin. So this is it, hello royal building.

Iba kasi itong royal building. Kumbaga tinitingala ang mga taga dito sa royal building. Ewan ko nga kung bakit ako nandito. Hindi ako maganda, hindi din ako pangit. Sakto lang.

Hinanap ko ulit yung pangalan ko sa bawat pintuan ng classroom sa building. Sinimulan ko sa pintuan ng class E, pero wala. Class D, wala. Class C, wala. Class B, wala. Ok. Class A siguro? Malamang.

Napansin ko sa hallway na walang estudyante sa tapat ng pinto ng class a. Bakit kaya?

Hindi ko nalang pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makatapat ako sa pintuan nila.

Napatunganga ako sa pintuan at pinagmasdan sila isa isa. Merong namemake up, merong nag uusap, merong umiiyak, meromg nangbubully, merong nagliligawan, at merong nagpapacute.

Napangiti ako. Siguro naman, hindi sila mahirap pakisamahan kahit na magkakaiba sila. Haaay. Paano kaya ang magiging buhay ko ngayong iba't ibang klase ng tao ang makakasama ko. Haay. Ang hirap maging transferee.

Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon