CHAPTER 36

8 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Bumalik kami dito sa Cavite nang magpasukan na ulet. Broken man ako pero hindi iyon rason para tumigil na ako sa buhay. Nag bagong taon kaming masaya sa Ilocos.

Naging maayos nadin kami ni Renz. Siya kasi yong kasama ko araw araw nong iniwan akung luhaan ni Ano. Ni top shooter. Hindi ako naghabol dahil sa nalaman ko noong bumalik kami dito.

Pumunta ako sa clinic ni tita para sana kamustahin siya at para sana makita si Terrenz kung nandun man.

Malapit  na ako sa opisina ni tita nang marinig ko siyang sumigaw. Naka awang kasi nang kunti ang pinto kaya sumilip pa ako lalo. Hindi sa pagiging chismuso pero kasi nakita ko sa harap niya si Terrenz nakayuko ito.

I miss you

I want to hug you right

Sweetie. Terrenz. Unggoy. My boyfriend

"Terrenz naman" ginulo ni tita ang kanyan buhok.

"Sorry Mom. I just can–"

"I can't believe this. Pano na si Glad"

Aalis na sana ako dahil sa biglang kumirot ang dibdib ko. Pero napa hinto ako sa sagot ni Terrenz.

"Hindi ko na siya Mahal"

Sabi ko hindi na ako iiyak. Sabi ko magiging matatag na ako. Pero bakit ngayon umiiyak na naman ako.

Nakita ko ang bilis na pagdampo nang kamay ni tita sa mukha ni Terrenz.

"Alam mong Ayoko sa baba–"

"Mom accept it, magkakababy na kami"

Napahawak si tita sa sentido niya at matalim na tinignan ang anak.

"Alam kung hindi mo anak yon"

Napatingala si Terrenz at tinignan si tita sa mata.

"But we did mom, we ma–"

Napatakip ako nang bibig nang sa pangalawang pagkakataon ay nasampal na naman siya ni tita.

Walang tigil na ang pag agos nang luha sakin mata. They make that goddamn ***. Bakit ako binigay ko na kanya lahat.

Mabilis akung nagtago sa gilid nang makita kung paatras at aalis na si Terrenz.

"BUMALIK KA DITO" rinig ko pang sabi ni tita sa papalayong Terrenz.


Naka ngiti a kung pumasok sa room nadatnan ko ang dalawang ilokana na naka ngiti sakin. Major class namin ngayon kaya sila lang kasama ko. Umupo ako sa kanilang tabi at binigay ang mga regalo nila. Nagulat sila dahil hindi nila ina asan yon kasi nga late na.

"Wahhhh thank you for this Glad" naka ngiting sabi ni rox

"OMG akala namin wala kaming regalo galing sayo, pero girl wala kaming maibibigay na regalo sayo" sabi niya na nagpapatawa sakin.

"no kaba hindi na kailangan no" sabi ko na kinalapad nang ngiti nila.

Na miss ko din sila. Lagi ko kasing kasama si Terrenz non kaya pinababayan na lang kami.

Napabaling ang ulo ko sa pintuan nang marinig ko ang pangalan ko sa isang studyanteng hinihingal.

"Glad lumabas ka dali"

Napatingin ako sa dalawa at napa kunot ang noo. Tinignan ko lang yon babae at sinusuri kung kilala ko ba pero Hindi.

Pano niya nalaman pangalan ko??

"Bakit" si jam na lang ang nagtanung dahil wala naman akung planong magsalita.

"Basta lumabas kana lang ano ba yan" inis na umalis yong babae kaya nagkatingin kaming tatlo.

Ayaw ko man lumabas dahil baka pinagtritripan lang ako nang babaeng yon. Hinila ako nang dalawa at nagtungo sa mga taong nagkukumpulan sa ground. Gusto ko man tumakas pero ang higpit nang hawak sakin nang dalawa.

Nakipag siksikan ang mga kaibigan ko hanggan makita namin ang pinag kakaguluhan nila. Napalaki ang mata ko nang tuluyan ko na siyang makita. What the hell is he doing here??

Aalis na sana ako nang mapadako ang tingin niya sakin. Ngumiti ito na siyang sinundan nang mga mata sa Paligid. Inis ko siyang tinignan at nagsasabing bakit ka andito?? Tumawa ito sakin saka lumapit samin.

Grrrrrrr Ayoko nang mapag chismisan. Naka busangot ako sa kanya na siyang kina ngisi niya. Hinawakan niya ang magkabilang gilid nang labi ko saka pinag form nang ngiti. Renz is always like that kapag nakabusangot ako ganyan yong ginagawa niya. He's my friend now nothing more.

Mabilis ko siyang yinakap na kina inis nang lahat. Nagulat din ang mga kaibigan ko dahil sa inasta ko.

"bat ka andito" tanung ko nang maghiwalay kami sa yakap.

"For my career"

Kumurap kurap ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"ibig sabih–"

Tumango ito sakin habang naka ngiti. Napa yakap ulet ako sa kanya dahil sa sayang nararamdaman ko. Sa wakas maabot niya na din ang kanyang ina asam asam to be a Model.

"nawiwili kana sa yakap, makita tayo nang boyfriend mo"

Nawala ang ngiti ko sa bulong niya.

"wala akung boyfriend"

Ngumisi ito sakin. May nakaraan man kaming hindi maganda ni Renz pero para samin wala na yon. Magkaibigan na kami ngayon. Magkaibigan na laging nagdadamayan.

Hindi ako naging maayos nang iniwan ako ni top shooter kung wala si Renz. Renz always their for me. Siya ang tumulong sakin upang maayos ko muli ang sarili ko. Wala na akung nararamdaman sa kanya at alam kung ganun din siya.

"Nakatingin siya satin ngayon"  mabilis kong nilinga ang paligid. Hinampas ko siya sa braso nang maramdaman kung niloloko niya lang ako.

Naglakad kami ni Renz nang tawagin ito nang manager niya. Sinamaan ko muna siya dahil aayusin ang transferee record niya dito. Dito siya mag aaral pero hindi ibig sabihin non lagi siyang nasa school.

"mayat kan" (OK kana na)

Napatingin ako sa kanya dahil sa pag sasalita nito nang ilokano. Pinandilatan niya ako nang mata.

"nga pala Renz, ngayon model kana hindi ka ba ma i issue sa mga kasama mong babae"

"katulad na lang sayo ngayon"

Tumango ako sa kanya. Nasa waiting area kami nang faculty office kaya malaya kaming mag kwentuhan na kailangan mag bubulungan.

"ma issue pero OK lang naman kung pareho silang single" kinindatan niya ako na siyang kina ngiwi nang mukha ko.

"Ang badoy mo" napa tingin ako sa lalaking naglalakad ngayon papunta sa samin.

Samin ba talaga??

Napatingin ako kay Renz na tumawa habang naka tingin sakin. Abat nang iinis tong lalaking to.

Umupo si top shooter sa isang silya medyo malapit kay Renz. Bumuntong hininga na lang ako dahil ayokong mag pa apekto sa presensya niya.

Glad kailangan mo na siyang kalimutan OK. Alalahanin mo hindi ka na niya mahal at magkaka pamilya na siya. Inis kong tinignan si Renz dahil sa kamay niyang naka akbay sakin. Sumipol ito at kinindatan ako hinayaan ko na lang siya sa ina asta nang lalaking to.

Pilit ko man iwinawaksi ang presensya niya. Pero naninikip lang lalo ang dibdib ko. Glad stay calm.

Remember Hindi ka niya mahal.

Yan ang paulet ulet kung sinasabi sa sarili ko para matauhan na.

"picture tayo, we make memories again"

Sa pag sabi yon ni Renz ay nakarinig kami nang isang paghampas nang upuan. Napatingin ako sa lalaking nakatalikod at naglalakad na palayo.

Kausapin mo naman ako.




A/N mag ingat sa covid mga kapwa ko in love ☺

"The Day We Fall In love "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon