CHAPTER 31

7 0 0
                                    

Kinakabahan akung pumasok sa loob nang bahay. Twenty years na lagi akung excited umuwi dahil alam kung isa ito sa mga comfort zone ko. Dito ako lumaki at nagkaisip. Dito ko nasilayan ang mga taong nagmahal at nagpalaki sakin. Napapa buntong hininga ako nang maalala ang mga panahon ngiti ang sumasalubong sakin dito.

Napatayo agad si Mommy nang makita ako. Ayokong umiyak pero sa nakikita ko ngayon sa mga magulang ko ay hindi ko mapigilan. Mugto ang mga mata nang nanay ko habang si daddy ay hinahagod ang likod ni Mom. Ang mata din nang daddy ko ay kasing pula nang mata ni mommy.

Nakatingin lang ako sa kanila na para bang bagong dating ako sa kanila. Mom still crying habang yakap ako. I want to hug her too pero may kirot sa puso ko sa tuwing na aalala ko ang mga narinig ko.

"anak are you OK" hinaplos ni mommy ang pisnge ko. Ang sakit makita na umi iyak ngayon ang mga magulang mo."Saan ka ba nagsusuot"

Gusto ko silang sigawan dahil sa mga nalaman ko pero hindi ko magawa sila parin ang nagpalaki sakin. Sila parin ang mga magulang ko na nagmahal sakin.

"Sorry sorry sorry" umiyak padin si mommy habang sinasabi ang mga katagang yan. Naitulak ko si Mommy nang ma alala ko ang sinabi nang caller.

"Nasan ang kapatid namin ni kuya"

Nakita ko sa mga mata nilang lahat ang gulat sa kanilang mata.

"Kapatid?? Anung pinagsasabi mo lil sis" lumapit sakin si kuya naguguluhan. Ah so wala pa lang alam ni kuya doon tskkk

"kuya may kapatid tayo, nakabuo raw sila" turo ko kay mommy "at yon caller nong isang araw"

Napa awang ang labi ni mommy dahil sa sinabi ko. Yes mom alam ko na

"Huh??sino–"

"Dad know him" tinignan ko si daddy na walang eskpresyon ang mukha niya

Dapat kailangan panagutan iyon ni mommy. Hindi ko maatim na ako yong ampon pero ang ayos ayos nang lagay ko,  hindi man lang yon naisip nang nanay ko my god.

"Dad what is she saying" naguguluhan tanung ni kuya

Lumapit sakin si mommy kaya lang lumayo ako sa kanya. Anung klase siyang ina, anak niya yon kailangan niyang alagaan. Kumapit ako sa braso ni kuya

"Don't come near me, After all this year's mom, bakit ka nangsinungalin" tumulo ang luha ko dahil sa sakit nang aking pinag dadaanan ngayon.

"Baby" sinubukan din lumapit ni daddy kaya lang pinigilan ito nang nanay ko.

"What are you talking about" tinignan ako ni kuya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Kuya mom cheated, may anak siya sa iba at alam iyon ni daddy, kaya pala sila naghiwalay" Kumunot ang noo ni kuya dahil sa sinabi ko. Whatttttt may nasabi ba ako na hindi maganda.

"That's no–"

"EH ANO, NA NAGSISINUNGALING ANG CALLER NA YON MOM SA PINAKITA NIYO SAKIN NONG ISANG ARAW ALAM KUNG MAY TINATAGO KAYO SAKIN" napaus ang boses ko dahil sa lakas nang sigaw ko sa kanila. This is not good. "Ba.. bakit hi..ndi niyo na lang sabihin ang totoo" napahikbi ako nang tuluyan. Terrenz I need you

"patawarin mu ako, kami" pagsusumamong sabi ni Mommy. I want a clear explanation of this. Huminga ako nang malalim at nagpunas nang luha saka tumingin sa kanila.

"I want to know, Nasaan ang mga magulang ko" nagkatinginan sina mommy at daddy. How come on ,wag na kayong magsinungaling sakin please.

"Whatttt?? Yzabelle ano ba–" nagulat si kuya sa sinabi ko.

"NARINIG KO KAYO MOM, DAD GUSTO NIYONG UMALIS DITO PARA HINDI AKO MAKUHA NANG TOTOO KUNG MAGULANG, HINDI BA"

Tinignan ni kuya ang mga magulang namin. Poor brother wala din kaalam alam sa nangyayari. Hindi ko gustong magalit sa kanila pero alam kong ito lang ang paraan para mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Dad, Mom totoo ba ang sinasa–"

"WAG NA KAYONG MAGSINUNGALIN" napahagulgul si Mommy habang yakap ito ni daddy. Sorry hindi ko gusto to pero kailangan ko kasing malaman ang totoo.

Nanikip ang dibdib ko nang makita kong tumulo ang luha nang aking ama. Dad sorry hindi ko gustong umiyak kayo.

"I deserve to know who's my real parents"

"NO, hindi ako papayag "mabilis na sagot nang nanay ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sagot nito.
"MOM I NEED TO KNOW PLEASE TE–"

"TAPOS ANG USAPAN HIN–"

"TAPOS ANO MOM, HABANG AKO ANDITO SA INYO NA MAAYOS ANG KALAGAYAN, HINDI MO MAN LANG NAISIP ANG KALAKAGAYAN NANG ISA MONG ANAK, ANUNG KLASE KANG I–"

Napa tagilid ang mukha ko dahil sa lakas nang sampal sakin ni Mommy. Nakita ko ang gulat nito sa mukha dahil sa ginawa niya. Sinubukan niyan lumapit sakin kaya lang umatras ako.

"Sorry hindi ko sinasadya" linapitan siya ni daddy at pilit hinihila palayo

"KUNG AYAW NIYONG SABIHIN ANG TOTOO MAS MABUTI PANG UMALIS NA LANG AKO DITO" tatakbo na sana ako nang mabilis ako higitin ni kuya sa braso

"Walang aalis" sabi nito

Nagpupumiglas ako sa kanya pero masyado siyang malakas.

"Kuya please hindi naman ako ang tunay mong kapatid, ampon lang ako kuya" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Kung hindi nila sasabihin kung sino ang mga magulang ko ay wala nang rason para mag stay pa ako sa kanila. May totoong anak si Mommy na kailangan nilang alagaan.

"Manahimik ka yzabelle" mas humigpit ang hawak sakin ni kuya. Pano ako makakawala sa Kanya kung ang lakas lakas niya.

"Anak"lumapit sakin si mommy

Anak niyo ako noon pero hindi na ngayon Mom dahil alam ko na ang totoo na ampon lang ako.

"Hindi niyo ako anak" umiling iling ako sa kanya habang tumutulo padin ang luha ko

"anak kita" yayakapin niya sana ulet ako nang umatras ako kasama si kuya. Syempre nakahawak sakin si kuya

"No Mrs.Francia, ampon niyo lang ako"

Masakit mang para sakin ang tawag ko ngayon sa babaeng lagi kung nakakasama araw araw ngunit kailangan ko nang masanay.

"Anak k–"

"HINDI NIYO NGA AKO ANAK, KAYA HAYAAN NIYO NAPO AKO"

"YZABELLE RESPECT YOUR MOMMY " napadako ang tingin ko kay daddy. Dad malaki ang respeto ko sa inyo kahit ngayon alam ko na din ang totoo.

"please let me go, gusto kong makilala ang mga magulang ko. Gusto ko silang makita at Mrs. Francia" tumingin ako kay Mommy "gusto ko kayong ipakilala sa totoong Nanay ko kong pano kayo kabait sakin" tumulo ulet ang mga luha ko.

"Hindi iyon mangyayari" Kumunot ang noo ko kay mommy bakit ba anung masama sa gusto kung makilala ang mga magulang ko "BECAUSE I AM YOUR REAL MOTHER, your my baby my princess and my only unika ija"

"The Day We Fall In love "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon