CHAPTER 29

8 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko nakakasilaw. Namulat ako ng maalala ko ang mga nangyari kahapon. Mabilis akung Umupo at ginalaw galaw ang katawan ko. Wala naman masakit ah. Ibig sabihin hindi ako naaksidente? Eh bakit  ako nandito sa hospital? Sinong nagdala sakin dito.

Tumingin ako sa paligid puro payente, nurse lang naman ang mga palakad lakad dito. Tatanggalin ko na sana ang Dextrose sa kamay ko ng maaninag ko ang isang bulto ng lalaking papalapit sakin.

"Thank god your awake"

"Anung ginagawa ko dito?? At ikaw"

Nilapag ni Shin ang mga pagkain sa maliit na lamesa sa gilid ng kama.

"naligo ka kaya kagabi sa ulan at ayon nakita kita sa daan, the fuck Glad akala ko nasagasahan na kita dahil bigla kana na lang bumagsak at nawalan ng malay" kita ko ang pag aalala sakin ni Shin. Buti ka pa

Napayuko ako ng maalala ko na naman kung bakit ako nawala sa sarili. Napa buntong hininga ako ngumiti ng pilit sa kanya

"Pwede naba tayong umalis"

"Bakit OK kana ba?? Tskkk taas taas kaya nang lagnat mu kagabi"

Inilapit niya ang kamay niya sa aking noo. Thank you Shin.

"sige na Shin alis na tayo, OK na naman ako"

Hindi niya ako pinansin at kinuha niya ang pagkain nilapag niya kanina.

"Sige pero kakain ka muna" ngiting sabi nito

Hindi na ako nagprotesta at mabilis na linantakan ang pagkain nasa harap ko. Pinagtatawanan pa ako ni Shin dahil sa bilis kung pagsubo at pag nguya. Bakit pa gusto ko ng maka alis dito. Ayoko sa hospital. Matapos kaming kumain Ay nagbayad muna kami ng bill dahil kailangan naman talaga yon.

"Shin pwede bang sa condo mu ulet ako"

Tinignan ako ni Shin nang seryuso

"No"

"please Shin"

Alam kung mahirap na ang hinihiling ko dahil sa nangyaring pagsuntok sa kanya ni Terrenz. Wala akung dalang pera, yong cellphone ko naman ay naiwan ko kahapon sa bahay ni Terrenz habang nagchacharge.

"Fine, pero kailangan mung sabihin kung anung nangyayari sayo" nakatingin lang ito sa daan. Hindi ako umimik at pumikit na lang at natulog.




Malayo pa lang Ay kita ko na si Terrenz na nakatayo sa kotse nito na salubong ang kilay. Wala akung karapatan magalit sa kanya dahil simulat sapol ako naman ang may kasalanan. Pero ang sakit lang kahapon ang buong akala ko siya ang matatakbuhan ko sa mga oras na depressed ako pero nasan siya?? Hindi ko nga alam kung san siya nagpunta. Pinarada na ni Shin at sasakyan niya sa gilid nito.

Bumaba ako sa sasakyan na may bigat na nararamdaman. Hindi ko lubos maisip na nagawa ng mga magulang kong magsinungalan sakin.

"San ka galing" maalumanay na tanung ko sa kanya

Hindi siya tumingin sakin pero nakatingin siya ng masama sa likod ko na Alam kung si Shin yon

"SAN KA GALING" sigaw ko ng hindi pa din siya umimik. Nakita ko ang pagsalubong nang kilay nito ng tignan ako.

"Ako ang dapat mag tanung niyan" ma awtoridad na tanung niya. Go on magalit ka Terrenz. "San kayo galing, at isa pa bat Kasama mu ang gagong yan"

"HINDI SIYA GAGO TERRENZ" hindi na ako nakapag pigil at sinigawan ko na siya.

"now your mad at me bcoz of him"

Hindi ako galit dahil sayo dahil sa kanya. Galit ako dahil sa hindi mu pag sagot sa tanung ko. Wag mung sabihin pati ikaw may nililihim. Hindi ako umimik at nagsimula ng maglakad. Ayoko ko siyang sumbatan. Ayokong pati kami mag away. Kaya kung pwede iiwas muna ako at mag papalamig ng ulo.

"FUCK GLAD SIGE SUMAMA KA SA GAGONG TO"

Sa pagkakataon yon si Shin na ang sumugod at agad sinuntok si Terrenz sa mukha. Tinignan ko lang silang dalawa habang nagpapalitan ng sukton.

"GAGO KA ANO PAGKATAPOS SI VANESSA SIYA NAMAN"

"MAS GAGO KA"

"TANGINA MU PAGKATAPOS MUNG MATIKMAN SIYA, SI GLAD NAMAN ANG ISUSUNOD MO" mabilis akung pumunta sa kanila pagkatapos kung marinig ang pangalan ko

"FUCK YOU HIN–"

"BAKA NATIKMAN MUNA DIN SIYA KATULA–" dahil sa mga narinig ko kay Terrenz ay di ako nagdalawang isip na sampalin siya sa mukha. Nabigla man ako sa ginawa ko pero taas noo akung tumingin sa kanya.

"SA TINGIN MU MAGAGAWA KO YON GANUN NABA KAKITID ANG UTAK MU TERRENZ" sigaw ko pagkatapos kong maibaba ang kamay ko. Hindi siya umimik kaya tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinigilan. Nakaka gago naman pala ang laki ng tiwala ko sa kanya. Ni hindi ko nga siya pinag iisipan ng masama dahil Mahal ko siya dahil alam kung hindi niya yon magagawa.

Pinag hahampas hampas ko siya sa dibdib ng hindi ko na mapigilan ang galit ko.

"AKALA KO IKAW ANG MATATAKBUHAN KO SA MGA ORAS NA KAILAGAN KO NG MAPAG SASABIHIHAN, PERO NASAN KA AH" sinasabi ko yan habang umiiyak ako

"NAGHINTAY AKO SAYO BUONG ARAW TERRENZ, PERO HINDI KA DUMATING" pagkatapos kung sabihin yon  ay tumakbo na ako sa condo ni Shin at doon umiiyak.

Naramdaman ko ang pagyakap sakin. Bakit ba nararansan ko ang mga ganitong sitwasyon. Hindi naman ako naging masama. Katunayan nga ang bait bait ko. Ang bait kung anak, ang bait kung kaibigan, ang bait kung girlfriend.

"Shhhhhhh tahan na" hinahagod hagod ni Shin ang likod ko para patahanin.

"S...shin"

"Shhhhhhhh magiging OK din ang lahat" umiyak lang ako ng umiyak sa mga balikat ni Shin. Thank god nakakilala ako ng ganitong tao. Hindi ko man lubos pang kilala si Shin pero pinagkakatiwalaan ko na siya.






Nakwento ko na kay Shin ang mga nangyari kung kayat pinayagan na niya akung mag stay kahit kailan ko gusto sa condo niya. Yong plano ko kanina na magtatanung ako kila Mom at Dad ay kabaliktaran na ngayon dahil Ayoko ng malaman ang totoo. Gusto kung ibalik yong araw na OK pa ako na wala pa akung alam sa nga nangyayari sa bahay. Yong tipong pag gising mu papasok ka sa school na naka ngiti at uuwi ka parin naka ngiti.

Pumikit ako at na alala ko ang caller. Kung sila naka buo gaya ng sabi niya. Ako naman ay ampon? Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo Si mom na nakasama ko na simula pagkabata ko pa lang o yong caller na nakapag bagabag sa daddy ko?? 

Inis kung binato ang unan kung saan. Gusto kung maliwanagan pero pano eh takot na akung malaman ang totoo ngayon.







"The Day We Fall In love "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon