CHAPTER 37

7 0 0
                                    

Natapos ang klase namin sa major kaya pumunta naman kami sa kabilang classroom na kaklase ko dito si Terrenz. Walang gana akung nagpahila sa dalawa. Agad silang umupo sa kani kanilang upuan. Napakagat labi ako nang matamaan kong nakaupo na si Terrenz sa upuang katabi nang upuan ko.

Ngitian ko si Kris na siyang nakupo na din sa kanyang upuan. Pano to?? maghahanap ba ako nang iba kung upuan?

Tinignan ako nang tatlo at tinatanung kung bakit di pa ako umu upo.

"Nag away ba kayo" naka pa maywang tanung ni Kris sakin. Hindi ako nag salita dahil hindi ko din alam ang sagot sa kanyang tanung.

I need to face this consequence. Bumuntong hininga na lang ako at nag lakad para sana maupo. Mabilis akong hinila ni Renz saka nginitian.

What?? Wag niyang sabihin kaklase namin siya dito. Napatakip ako nang tenga nang marinig ko ang sigaw nang bakla namin kaklase.

"Mag kaklase tayo" mabilis niya akung hinila papunta sa bakanteng upuan.

Nakita ko ang mga makahulugan tingin nang mga kaibigan ko at kaklase ko. Wala pa kasi silang alam na wala na kami ni top shooter. Kaya issue to pag nagkataon. Naglakad muli si Renz sa gawi ni Terrenz. Tinignan niya ito pero nasa kawalan lang ang tingin ni unggoy.

Napa punas ako sa pisnge ko nang maramdaman kung may tumulo ito na luha. Wala ka nabang pakialam sakin? I still love you Terrenz.

Binuhat ni Renz ang upuan kong nasa tabi nito. Baka ito na rin ang paraan para iwasan muna siya, para maka hinga muna ako nang maluwag.

Umupo na lang ako nang matapos ilagay ni Renz ang upuan ko sa tabi niya. Yumuko ako dahil sa mga matang maintriga. Ayoko nang issue kaya mamaya sasabihin ko na sa kanila.

Hinawakan ni Renz ang baba ko at inangat ito. Ngumiti ito sakin.

"kaya mo yan"

Gusto kung umiyak pero pinigilan ko. Thankful ako dahil may mga kaibigan akung laging nagpapalakas nang loob ko kagaya ni Renz.

Napapairap sakin ang mga kaibigan ko dahil sa katabi ko ngayon. Sa mga nangyari kasi samin ni Renz ay alam lahat nang kaibigan ko kaya naiintindihan ko sila ngayon. Ayaw nila ito para sakin at mas lalong ayaw nila kaming magkalapitan ulet. Yumuko ako dahil sa mga tingin nila.

Magsisimula na sana ang klase nang tumayo si Terrenz. Napatingin lahat sa kanya. Nakatalikod siya samin kaya malaya ko siyang natignan.

"Mr.Lee any problem?" hindi sumagot si Terrenz at umikot ito paharap samin. Masama ang tingin nito kay Renz na nakatingin lang din ito sa kanya.

Napaiwas ako nang tingin nang magtama ang mga mata namin dalawa. Nagpabaling baling ang mga tingin nang lahat sa naka tayong lalaki at sa katabi kung naka ngiti.

Takte ka Renz wag kang ngumiti baka ma hospital ka nang di oras diyan.

"We have a transferee" malamig na sabi nito.

Tumingin naman samin ang Prof at napatango na lang. Tumayo na agad si Renz papunta sa harap. Ramdam ko ang tesyon sa kanilang dalawa. Ano bang nanyayari. Oo marupok ako lalo na sa kanya pero ayoko din mag assume.

Tumayo nang tuwid si Renz sa harap at nagpakilala nang sarili. Naging maingay sa room dahil kay Renz. Kung noong nag iingay sila dahil kay unggoy ngayon hindi na.

"nagkabalikan naba kayo–"

"Exactly Yes"

Dahil sa sinabing yon ni Renz lahat  nang mata nakay Terrenz na deretso itong naka tingin sakin. It's been 2 weeks simula nang maghiwalay kami ni Terrenz. At alam ko sa sarili kong mahal ko parin siya. Hindi ko na din inalintala ang sinabi ni Renz sa lahat alam kung alam na nila na wala na kami nang Terrenz Lee nang lahat.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na ang sama nang tingin sakin. Nilapitan pa nila si unggoy at tinapik tapik sa balikat. Alam kong galit na galit na sila sakin ngayon. Please don't mad at me, sasabihin ko din sa inyo ang lahat. Basta paniwalaan niyo ako.

Napatawa nang malakas si  Terrenz na siyang kinabigla nang lahat. Tinapunan niya muna nang masaman tingin si Renz saka tumingin sakin. Gusto kung umiyak pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang tanungin sa lahat pero wala akung lakas nang loob gawin yon. Mapait itong ngumiti sakin bago nagsalita.

"Congrats, I'm happy for you" mabilis niyang kinuha ang mga gamit nito saka umalis.

Sa sinabi niyang yon parang nasaksak nang pagkarami raming karayom sa puso ko. Congrats??I'm happy for you??. Napatakbo rin ako palabas at nagderetso sa CR. Nag kulong ako sa isang cubicle at doon umiyak. Wala ka na talagang paki alam sakin.

Hinahayaan mo na lang akong maagaw nang iba. Terrenz, hindi na kita maintindihan. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumuko. Mahal kita mahal na mahal.

"Arghhh" inis kong binato ang tissue habang walang tigil ang pagtulo nang aking luha.

Ang sakit nang ganito, yong nasanay kana sa kanya araw araw tapos bigla na lang itong mawawala. Ang hirap

"Gusto mo naba akung sumuko"

Dinuro duro ko ang puso ko. Kung pwede lang kasing makita ang hinaharap para sa ganun nakapag handa ako nang maaga.

Huminga ako nang malalim saka inayos ang sarili. Ito ang tamang gawin kahit masakit kakayanin ko. Kahit mahirap gagawin ko.

Lumabas ako nang cubicle saka tumingin sa salamin. Mapait akung ngumiti sa repleksyon ko ngayon. Agad kung pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

This is insane. But this is the right thing to do. Make decision good.

"Malaya ka na"

Lumabas ako nang CR na may bigat na desisyon dala dala. Ayoko sana itong gawin pero matanda na ako. Alam ko na ang tama at mali. Kaya sa gagawin kong ito alam kong ito ang makakabuti sa lahat.


A/N sorry sa mabagal na pag update nag start na kasi OL class namin guys.

"The Day We Fall In love "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon