CHAPTER 38

7 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sana sa kanila doon sa canteen. Matapos ang klase namin kanina ay iniwan ako nang mga kaibigan ko. Kaya naman magpapaliwanag na ako sa kanila.

Napahinto ako nang may marinig akung pamilyar na boses. Umatras ako at nag tungo sa likod nang canteen. Napa hinto ako at na estatwa nang makita ko sila nang tuluyan.

Terrenz at si Kris ay magkayakap. No no wala silang relasyon. May boyfriend si Kris at alam kong di yon papatol sa iba na ex na nang kaibigan niya. Naghiwalay sila sa yakap at naupo sa damuhan na may pagkain.

No Hindi ito date. Alam kung may mali. Umalis ako doon at dumeretso sa dalawang tahimik na kumakain. Umupo ako sa harap nila at nakita ko sa kanila ang inis.

"Wag mo na kayong mag tanung. Please listen to me first"

Bumuntong hininga ang dalawa at tumingin sakin nang seryuso. Kwunento ko sa kanila ang lahat nang nangyari samin ni Terrenz sa Ilocos. Napa iyak pa nga ako kaso mababaw lang.

"So ibig sabihin wala na kayo talaga?" tumango ako sa kanila.

"Pero alam mo ba ang rason kung bakit ka niya iniwan" mapait akung ngumiti.

"Yeah"

Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata.

"Mag kaka pamilya na siya"

Mabilis kung dagdag sa sinabi ko kanina.

"WHATTTTTTTT"

Napatingin ang ilang tao sa canteen dahil sa sigaw nang dalawa. Tinignan ko sila at para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Nag katinginan sila sa isat isa na para bang nag uusap. Na weweirduhan man ako sa kanila ngayon pero wala akung oras para doon.

"Totoo nga, narinig ko silang nag uusap ni tita non"

Napa tingala ako nang maramdaman kung tutulo na naman ang luha sa aking mata. Naka nganga na sila ngayon pareho. Oo ang hirap paniwalaan pero yon ang totoo.

"Ang sakit parin guys"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Naglag lagan na ito. Mabilis akung yinakap nang dalawa para patahanin.

"Tahan na, Mahal ka non" napatingala ako sa sinabing yon ni Rox

Mahal??nagpapatawa ba sila? Hindi niya ako iiwan nang ganito kung mahal niya ako.

"Mahal?? That's the biggest joke I've ever heard" napatawa ako nang mapakla at nagpunas na nang luha.

"Glad beli–"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Jam. Tumayo ako at ngumiti sa kanila.

"Pagod na akung umiyak. Pagod na akung mag assume at pagod na akung magpanggap"

Tumakbo ako palabas nang canteen. Naramdaman ko na lang na medyo basa ako. Napa tingala ako nang mas lalong lumakas ang ulan. Hindi na ako sumilong dahil basa na ang kalahating katawan ko. Useless lang din kasi lalamigin lang din ako.

Nakalabas na ako nang school at pupunta na sana sa waiting shed pero puno na din ito nang tao. No choice naglakad lakad na lang ako sa daan na basang basa. Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad nang maramdaman ko ang pagtigil nang ulan sakin. Napahinto ako dahil sa taong nakahawak nang payong ngayon.

"bat ka nagpapa ulan?" malamig pero puno nang pag aalala.

Nag aalala?? Nag assume na naman ako.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Naramdaman ko ang malamig na paghigit sakin palapit sa kanya.

"ANO BA" hindi ko na napigilang ang sarili kong mapasigaw.

"Ihahatid na kita"

Inis ko siyang tinignan saka lumayo sa kanya. Nakita ko sa kanya ang pagkabigla nang lumayo ako sa kanya.

"Kaya ko ang sarili ko" at nagsimula na ulet akung maglakad.

Hindi pa man ako nakakalayo nang higitin niya na naman ako para makasilong sa payong nito.

Hindi niya ba nakikita basa na ako. Arghhh.

"Arghh ANO BANG PROBLEMA MO" pagkalakas lakas ko siyang tinulak dahilan para mabitawan nito ang payong na hawak niya.

"Iuuwi na kita" hinawakan niya ang kamay ko at hinila.

Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero mas lalo lang niya itong hinihigpitan.

"BITIWAN MO AKO "

"ANO BA, BINGI KA BA TALAGA?"

Inis na inis na ako sa mga oras na to. Ini iwasan ko na nga siya para maging maayos ang lahat pero eto siya ngayon nagpaparamdam na naman. Basa na rin siya dahil wala na itong hawak na payong. Nang nahuminto siya saka lang ako nakawala sa pagkakahawak niya. Inis niya akung tinignan at akmang hahawakan ulet ako pero lumayo ako sa kanya.

Hindi na ako nagpatinag sa nakikita ko ngayon sa kanya. Malungkot ang mga mata nito. Tama na ang pag a assume. Titig na titig kami pareho sa isat isa. Bumagal ang hininga nito. Napayuko ito nang kunti.

Ano ka may sakit?

"Please let me take you home" hirap na hirap na sabi nito. Gusto kong magtanung kung bakit siya nahihirapan magsalita pero na alala ko pareho nga pala kaming basa at nilalamig na.

Umiling ako sa kanya. Lalapitan niya sana ulet ako nang sinenyasan ko siyang wag nang lalapit. Napahawak ito sa ulo niya at napa pikit. Gusto ko siyang lapitan at yakapin sa mga oras na to kaya lang naiisip ko ang magiging pamilya nito.

Ngumiti ako nang mapait at huminga nang malalim. Alam ko ito ang makakabuti. Hinubad ko ang necklace na regalo nito nong pasko. Pinakatitigan ko muna ito saka hinawaka nang mahigpit.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay nito para doon ilagay ang necklace na bigay niya sakin. Gulat niya akung tinignan at umiling. Siguro na alala niya ang mga sinabi niya nong sakin.

"necklace" gulat na tanung ko.

Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo. Hinawakan niya ang necklace na ngayon nakasuot na ito sakin. May pendant itong hugis puso. Binuksan niya ito saka may ibilabas na sulat.

Sulat??

Gulat akung tumingin sa kanya saka ngumuso. Ngumiti lang ito sakin saka tinuon ang tingin sa sulat na hawak nito. Naka tingin lang ako sa kanya at hinihintay mag salita.

Pinabasa niya sakin ang sulat at napalaki ang mata ko. Tinignan ko siya at naka ngiti lang ito sakin.

"wag na wag mo itong huhubarin" napakunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit"

Yinakap niya ako saka hinalikan ako sa labi.

"Once na hinubad mo yan ibig sabihin Ayaw mo nang maging Mrs. Lee"

Hinampas ko siya na siyang kinatawa nito. Takteng unggoy na to sarap sakalin.

"Totoo kasi"

Inalis ko ang pagkakayakap niya sakin saka ako tumingin sa kanyang mga mata.

"That necklace" hinawakan niya ulet ang kwintas.

"yan ang panghahawakan kong, akin ka parin" tumingin ito sakin nang seryuso.

"at pag ito ay hinubad at binigay mo ulet sakin" hinawakan niya ang mukha ko saka inalapit sa mukha nito. Para akong naduduling sa lapit nang mga mata namin dalawa.

"Ibig sabihin ayaw mo nang maging Mrs. Lee"

Tatawa na sana ako nang makita kong seryuso ito. Minsan lang siya magseryuso kaya alam kung hindi ito nag bibiro.

Ngitian ko siya saka hinalikan nang mababaw ang labi nito.

"Hindi iyon mangyayari" sabi ko matapos ang halikan namin dalawa.

"talaga"

Mabilis akung tumango at binasa ulet ang sulat sa necklace ko.

"ONLY FOR MY MRS.LEE"






"The Day We Fall In love "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon