CHAPTER 39

10 0 0
                                    

Hindi ko na siya hinintay magsalita at tumakbo na ako palayo sa kanya. Pumara ako nang taxi saka ako pumasok.

"OK lang po kayo ma'am"

Inabutan ako nang tissue ni kuyang driver. Tumango ako sa kanya at nagpunas na nang luha. Ito ang tama kaya kahit gusto ko pang umiiyak ay pinipigilang ko na ngayon.

Napa tingin ako kay kuyang driver dahil nalampasan na niya ang subdivision namin. Tumingi ito sakin at ngumisi. Nakaramdam ako nang takot at pilit binubuksan ang pinto nang sasakyan kaya lang naka lock ito.

"Palabasin mo ako"

Tumawa lang ito na mas lalong kina takot ko. Mabilis kung kinuha ang cellphone ko para sana tawagan ang pamilya ko. Napatili ako nang ibangga niya ang sinasakyan namin sa isang puno. Nabitawan ko lahat nang gamit na kanina ay hawak ko laman.

"MANAHIMIK KA KUNG HINDI PAPATAYIN NA KITA NGAYON"

Kung kanina pigil na pigil ko ang luha ko. Ngayon hinayaan ko na itong tumulo. Pina andar niya ulet ang sasakyan kahit medyo basag na ito ang kalahati nang salamin sa harap.

"Ano bang kailangan niyo? Pera? Maibibigay nang mga magulang ko yon please pakawalan mo lang ako"

Napa sigaw ako nang tutukan niya ako nang baril sa mukha. Nanglamig ako dahil sa takot at di naka pag salita.

"SABING MANAHIMIK KA" napa pikit ako sa malakas na pag sigaw nito.

"please po pauwiin niyo na ako" pagsusumano ko sa lalaking galit na galit habang nakatutok ito ang baril sakin.

Huminto kami sa isang bakanteng lute na may malawak na lupa. Marahas niya akong hinila patungo sa isang maliit na kabahayan sa luteng iyon. Napa upo ako dahil sa pag tulak niya sakin nang malakas.

"ANO BANG KASALANAN KO SAYO"

Marahas niya akung hinawakan sa panga. Ang higpit para akung nasasakal sa hawak nito.

"ANG NANAY MO ANG MAY MALAKING ATRASO SAKIN"

Tinignan ko siya nang masama. Panong si Mommy? Bakit mag kakilala ba sila?

"Si....mo... mommy?" ngumiti ito at tumayo.

"PANONG SI MOM–AHHHH MASAKIT" napa tili ako nang hilahin niya ang buhok ko para mapatayo.

"SABING MANAHIMIK KA"

"ano bang kasalanan nang mommy ko sa inyo"

Napa ngisi ito sakin. Ramdam ko na ang pangnginig nang katawan ko dahil kanina pa ako basa.

"Anong sinabi nang mga magulang mo sayo" napakunot ang noo ko dahil hindi ko  alam ang sinasabi nito.

"tungkol sa totoo mung Ama"

Gulat akung tumingin sa kanya. Pinaka titigan ko ang lalaking nakatayo at deretso rin itong naka tingin sakin. Napa hagulgol ako at umatras dahil sa pag lapit nito. Muntik niya na akong patayin kanina sa pag bangga nang sasakyan. Paano niya ito nagagawa sa sarili niyang kadugo.

"Wag kang lumapit sakin. Ayoko sayo"

Napalunok ako nang kinasa nito ang baril na siyang hawak hawak niya.

"May anak nga ako pero kinamumuhian naman ako" tumawa ito nang mapang asar. Hindi mo ako anak..

"Hindi mo ako anak"

Nakita ko ang galit nito. Marahas niya akung hinigit sa braso.

"WALA KANG KWENTA"

Napa kagat labi ako nang maramdaman ko ang hapdi nang mukha ko dahil sa lakas nang pagkakasampal nito. Kahit kailan hindi pa ako nasampal nang daddy ko.

"ANONG KLASE KANG AMA" kahit nanglulumo ang katawan ko nagawa ko parin itong sigawan.

"PASALAMAT KA NGA AT GINAHASA KO ANG NANAY MO KUNG HINDI WALA KA NGAYON DITO"

Inis akung tumayo at pinag hahampas hampas siya. Walanghiya mommy ko ang binabastos dito.

"Ang sama mo, ANG SAMA SAMA MO" 
"ALAM KO WAG MO NANG IPAG SIGAWAN. AT DITO KA GALING ANG–"

"HINDI KAHIT KAILAN HINDI KITA KIKILALANIN AMA"

Tinutok niyang muli ang baril sa sakin. Buong lakas ko siyang tinignan at lumapit pa para mas lalong madikit sakin ang baril.

"KAHIT KAILAN HINDI KITA MAGIGING AMA. ALAM MO KUNG BAKIT DAHIL HINDI IKAW ANG DADDY KO"

Sinampal niya ako sa magkabilang pisnge dahilan para mapaupo ulet ako. Tumulo ulet ang luha ko dahil sa sakit ngayon nang pisnge ko. I can't believe na sa ganitong paraan kami magkikita nang walanghiya kong tatay. Oo ngat sa kanya ako galing pero hindi ibig sabihin non kikilalanin ko na siya. Sabihin na natin kung hindi niya yon ginawa wala talaga ako rito. Pero sa ginawa niya iyon kay mommy ay hindi ko lubos matanggap. Hindi yon makatarungan.

Kaya hindi niya ako masisi kung kinamumuhian ko siya. Kung hindi ko siya matanggap.

"BASTOS KANG BATA KA. AMA MO PARIN AKO KAYA IGALANG MO AKO"

Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya.

"WALANG AMA ANG NANAKIT SA SARILI NILANG ANAK"

Napatiptop siya at nag lakad lakad sa kabahayan.

"WAG KANG MAG ALALA ANAK"

"HINDI MO AKO ANAK"

Tumawa na naman ito na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Sa tuwing tinitignan ko siya galit ang mas nangingibabaw sakin.

Hinila niya na naman akong patayo. Napapikit ako nang walang tigil siyang kakasampal sakin. Hinang hina na ako. Alam kung kunti na lang bibigay na ang katawan ko. Napaupo ulet ako dahil bumigay na ang mga tuhod ko. Tumawa ulet siya dahil sa nakikita niya sakin. Isang bangongot para sakin ang makakilala nang ganitong klaseng tao.

Kahit nang hihina ako ay nagawa ko parin makapag salita nang deretso.

"Sorry to say. Pero nagpapasalamat ako dahil wala akung kahit ugaling namana sayo. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako lumaki sa poder mo. Nagpapasalamat ako dahil LUMAKI AKO SA MASAYA AT PUNO NANG PAGMAMAHAL NA PAMILYA"

Dahil sa sinabi kong ito ay nagpintig ang mga panga nito. Pumikit ako dahil alam kung anytime babarilin na niya ako. Napatulo ang luha ko habang nakapikit nang maka rinig ako nang puntok nang baril.

Masaya parin ako kahit sa ganitong pangyayari magtatapos ang buhay ko. Masaya akung nakasama ang pamilya ko. Masaya akung nagka ayos ulet kami ni Renz. Masaya akung magkakapamilya na ang lalaking mahal na mahal ko. Masaya ako dahil nakilala ko parin at nakita ang totoo kung tatay.

Napamutla ako nang maramdaman kong may brasong nakapulupot sakin. Nagulat ako nang tumambad sakin ang mukha ni mommy na umiiyak. Nilinga ko ang paligid at nakita ko ang pagkaraming pulis na nagkalat sa loob nang bahay.

Nakita ko ang kapatid at ang daddy ko. Ayokong umiyak sa nakita ko pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako at gusto kung magwala.

Tuluyan akung mapahagulgul nang makita kung nakahandusay at puno na nang dugo ang lalaking kinamumuhian ko lang kanina. Umiyak lang ako nang umiyak sa balikat nang nanay ko.

Tama nga ang sinabi nang nakakarami.

Blood is thicker than water

"The Day We Fall In love "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon