Chapter 3: The bestfriend

10.9K 355 198
                                    


CHAPTER THREE

The bestfriend


PAGKAGISING ko ay nakaamoy agad ako ng bacon kaya dali-dali akong bumangon.

I let out a deep sigh when I saw Dithri cooking, realizing it wasn't my Mom.

I suddenly missed my Mom especially those foods she's been always preparing for me. Nasanay kasi talaga ako sa luto ng Mom ko. At nasanay ako na sabay-sabay kaming kumakain at nagkukuwentuhan palagi habang kumakain.

"Homesick?" Dithri interrupted my thoughts.

Agad akong napatingin kay Dithri. Hindi ko rin alam kung bakit Dithri lang ang tawag ko sa kanya at hindi Ate. Third year na siya pero napakawalang galang ko. But that seemed fine with her. It's not that I don't respect her. I just want to be comfortable around her and ayaw kong iparamdam sa kanya na matanda na siya. Mahina akong natawa nang maisip ko 'yon.

"Ganiyan rin ako no'ng first year ako. Na-mi-miss ko 'yong luto ni Mommy and halos gusto ko na talagang umuwi agad kahit ilang araw ko pa lang silang hindi nakikita. Pero nasanay din naman ako eventually. Siguro before matapos 'yong first sem namin that time, hindi na ako homesick. I started to embrace freedom." She grinned, finally sitting on the chair after preparing breakfast.

"Kain na," aya niya.

Tumayo na ako at nagbanyo saglit para ayusin ang sarili ko at saka ako umupo sa harap niya para kumain kasabay niya.

"You always cook for your roommate?" I questioned, a curious look on my face.

"Yeah. But they always end up leaving me." She spoke with a levelled tone and took a sip of coffee.

Napataas ang parehong kilay ko. "Seryoso? After serving them food everyday, that's what you got in return?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Maingay kasi ako. Lagi akong maraming tanong. Mahilig akong makipagkuwentuhan. And makulit talaga ako. 'Yong una kong roommate no'ng first year first sem, architecture student. Natapunan ko ng kape 'yong plate niya. Hindi ko naman sinasadya pero grabe kulang na lang patayin niya ako sa sobrang galit niya."

Tumawa akong habang ngumunguya.

Magkakasundo pala kami nito.

"Then no'ng first year second sem, iba na 'yong roommate ko kasi nga lumipat na 'yong nauna kong kasama. Tapos 'yong new roommate ko, architecture student ulit. Grabe hindi ko talaga alam bakit puro architecture students ang nakakasama ko sa dorm. 'Yon naman, tumagal naman siya sa 'kin. Hanggang second year second sem, siya 'yong kasama ko sa dorm. Kaso napikon siya sa 'kin kasi nabali ko 'yong T-square niya. Umuwi kasi akong sobrang lasing. Tumumba ako malapit sa may drafting table niya, eh nakasandal pala doon sa table 'yong T-square niya. Tadah, nabali. Eh final exams nila kinabukasan no'n for laboratory, required magdala ng T-square. So, talagang grabe 'yong galit niya sa 'kin no'n."

Napailing na lang ako dahil sa mga kuwento niya. Buti na lang pala hindi ako architecture student. Baka isumpa ko rin siya sa pagiging clumsy niya.

"So, ikaw, Med tech ka 'no? Nakita ko uniform mo, eh. It's not that I wanted to see it, but because I have eyes, I did."

Napakunot ang noo ko nang maalala ko bigla si Bellamy dahil sa sinabi ni Dithri.

Seriously? 'Yon na ba talaga ang sikat na excuse ng mga taong pakialamero at pakialamera?

"And nakita ko 'yong wallpaper mo sa phone mo. May boyfriend ka pala? Grabe ang guwapo." She smiled in amusement.

Nanlaki ang mata ko at agad na napasapo sa noo ko. "He's my twin! My Goodness."

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon