Prologue

19.3K 475 357
                                    


Belle Ville Series #2: To Pay The Price

by TianaVianne


PROLOGUE


"NICE, Ra!" sigaw no'ng ka-team ko. Tipid lang akong ngumiti at saka pinagpatuloy ang magandang laro ko.

Natalo kami no'ng first set pero nanalo kami no'ng second set kaya nagkaroon pa ng third set.

This is actually the crucial part. Pero buti na nga lang, best of 3 lang 'tong game. Nakaka-drain din kasi masyado kapag best of 5.

We did our best the whole game, kaya manalo man o matalo ay okay lang. Walang dapat pagsisihan.

Good thing was we won the third set.

Pagkatapos ng laro, nag-unahan nang magpunta sa CR ang mga players. Ayokong makipagsabayan kaya nagpaiwan muna ako rito sa bench kasama sina Coach.

While I was taking a rest, I scanned the crowd to search for him. But I can't find him.

Shaking my head, I let out a small sigh.

Bakit nga ba umaasa ako na makikita ko siya?

Alam ko namang hindi niya ako panonoorin kahit marinig niyang may laro kami ngayon dito sa Vera.

I should stop thinking about him. Pero paano?

Tumayo ako at lumapit kay Coach Ogis. "Coach, 'di po muna ako sasabay sa team pabalik ng De Grande. May pupuntahan pa po kasi ako," paalam ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at saka marahang tumango.

"You did great the whole game, Keen," puri niya sa 'kin at saka ako tinapik sa braso.

Napangiti ako. "Thanks, Coach."

Nagpaalam na 'ko sa assistant coach pati sa iba pang mga kasama ni Coach na nandito sa bench. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga ka-team ko dahil medyo malayo pa 'yong shower area.

Pagkakuha ko ng bag ko ay nagmadali akong tumakbo palabas ng gymnasium.

I had the opportunity to visit this campus again where I used to study and met new friends. This was something I was really looking forward to. But I was worried I wouldn't have enough time to cram in a visit.

And what's bothering me even more was the thought of not being able to see the person I wanted to see.

I walked around the campus aimlessly and remembered what it was like when I was still here.

It has blown my mind how fast everything changed.

I kept walking and found myself in front of the boys dormitory.

I just stood there for God knows how long, reminiscing the days when we were still seeing each other too often at this same exact spot.

Tulad ng dati, dumaan ako sa likuran papasok ng dorm nila.

Pagkaakyat ko sa dorm nila, kumatok ako ng ilang beses bago may lumabas na lalaki mula sa kuwarto na 'yon.

He's unfamiliar to me. This is actually the first time I had met him.

Iba na pala ang gumagamit ng kuwarto na 'to?

Nagtataka niya akong tiningnan kaya napayuko ako. "Sorry," napapahiyang sabi ko.

I really thought he's still using that room.

Matamlay akong lumabas ng dormitory at umupo sa hagdan sa may entrance.

Lumipat na siguro siya ng kuwarto. O baka hindi na siya nag-do-dorm dito sa loob ng Vera University. Hindi ko rin kasi matanong si Feem dahil nahihiya akong magtanong tungkol sa kanya. Alam ko naman na masama pa rin ang loob sa 'kin ni Feem dahil sa ginawa ko.

Pinahinga ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at nanatiling tahimik.

Bakit nga ba ako pumunta dito? Alam ko naman na marami nang nangyari sa loob ng halos tatlong buwan naming hindi pagkikita.

Alam kong saglit lang 'yon, pero bakit parang ang haba na agad ng lumipas na panahon?

I gazed at the sky, a downcast look on my face.

Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko gawa ng mga luhang nagbabadyang kumawala na naman mula rito.

Iiyak ka na naman ba, Ra? Wala kang karapatang umiyak. Ikaw naman ang may kasalanan ng lahat ng 'to.

Parang baliw kong kinakausap ang sarili ko sa isipan ko.

No'ng biglang humangin nang malakas ay napayakap ako sa mga tuhod ko. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa hangin pero napaiyak niya talaga ako.

Tahimik lang akong umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.

Muli kong inayos ang upo ko at marahang pinunasan ang pisngi ko. Wala sa sarili akong napatingin ulit sa paligid. Gabi na pala.

Gano'n na pala ako katagal nakaupo rito pero hindi pa rin ako tumayo at nanatili lang sa puwesto ko.

Umaasa pa rin akong makikita ko siya dito.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko. Natuyuan na pala ako ng pawis. Nakalimutan ko kasing magpalit kanina ng damit dahil nagmadali akong pumunta rito.

Ang t*nga-t*nga mo kahit kailan, Ra.

Habang nakatitig ako sa lapag ay may aninong biglang lumitaw sa harapan ko at paunti-unting lumalapit 'yon sa 'kin.

Nang sa wakas ay huminto 'yon sa harapan ko, halo-halong emosyon ang naramdaman ko.

Sapatos pa lang niya ang nakikita ko pero alam ko na agad kung sino siya.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.

"H-Hi," I stuttered.

He just stared at me for seconds and didn't say anything.

Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya.

Para bang hindi niya ako kilala.

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon