This chapter is dedicated to aphrice
___
CHAPTER TWENTY-FOUR
Shattered
NANATILI akong tahimik sa tabi niya habang abala siyang magmaneho.
Hindi siya nagsasalita at nananatili lang sa daan ang mga mata niya.
Ang bigat sa loob. Hindi ako sanay na tahimik siya. Nasanay akong palagi siyang maraming sinasabi at maya't maya akong pinipikon.
Nang mag-park siya sa basement, sumakay na kami ng elevator at saka pumunta sa 13th floor.
Dito na siguro siya nakatira.
Naka-condo na pala siya.
Pagkapasok namin sa unit niya, nanatili lang akong nakatayo sa may pinto.
Dumiretso siya sa ref at kumuha ng malamig na tubig saka niya ininom iyon.
Muli siyang lumingon sa 'kin at nagtataka niya akong tiningnan.
"Diyan ka lang talaga?" malamig na sabi niya.
Hindi ako umimik. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya o kung paano ko siya kakausapin.
Kunotnoo siyang lumapit sa 'kin at marahang hinigit ang kamay ko papunta sa living area saka niya ako pinaupo sa sofa.
"Palit lang akong damit," paalam niya. Ngayon ko lang napansin na naka-uniform pa pala siya.
Tumango lang ako saka siya pumasok sa kuwarto niya.
Pinagmasdan ko ang buong unit at napansin ko na white and black lang halos ang kulay na mayroon sa paligid.
Sunod-sunod na naman ang pag-ubo ko. Hindi pa rin ako nagpapalit ng damit. Nahihiya akong magsabi kay Bell na makiki-CR ako.
Muli akong umubo nang umubo. Ramdam ko na 'yong lamig dahil sa lakas ng aircon.
Magkakasakit pa yata ako.
Kaya ayaw kong natutuyuan ng pawis eh.
Agad kong pinigilan ang kati ng lalamunan ko dahil lumabas na si Bell mula sa kuwarto niya.
Naka-shirt siya na white at shorts na beige.
Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makaupo siya doon sa isa pang sofa sa tapat ko.
"Feem sent me a text that you're going to meet me. That explains why I found you outside the dormitory. I know you'd go there," panimula niya.
Paano nalaman ni Feem na pupuntahan ko si Bell?
"Now you know that I no longer stay there," dagdag pa niya.
Nanatili pa rin akong tahimik at nakinig lang sa kanya.
"Why did you want to see me by the way?" Malamig pa rin ang boses niya.
Sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Kumusta ka?" Sa wakas ay nakapagsalita rin ako.
Nagkibitbalikat siya. "Okay lang. Ikaw?" tipid niyang sabi.
"O-Okay l-lang din," nauutal na sabi ko at saka ko tinakpan 'yong bibig ko dahil sa biglaan kong pag-ubo.
"You don't look fine," saad niya saka siya tumayo para kumuha ng mainit na tubig at inilapag 'yon sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
To Pay The Price (Belle Ville Series #2)
Художественная прозаBelle Ville Series #2. There are so many things that didn't go as Rara planned. Relationship, friendship, career. Almost none of it went as she planned. Just like when she chose to betray her friend to protect her twin, ruptured her ACL when college...