Chapter 7: The punishment

7.2K 300 102
                                    


CHAPTER SEVEN

The punishment


"WHERE are you, Gonz? It's mom's birthday today! Are you going to help me or not?!" I yelled over the phone. I've been waiting for ten minutes already but he's still not here!

"I'll be there, Ra. Wait for me, alright? Give me another five minutes," hinihingal na sabi niya bago niya binaba ang tawag.

Napabuntonghininga tuloy ako. I guess he's being tortured by the seniors again. They were targeting Gonz for two months already. Freshmen din naman si Trev pero hindi nila pinag-iinitan si Trev. Bakit grabe sila kay Gonz? At bakit ba pinag-iinitan nila kapag first year high school?

Maya-maya lang ay nakita ko na ang sasakyan ni Carson na huminto sa harapan ng bahay namin at mula doon ay bumaba si Gonz.

"Thanks, man!" he said, flashing Carson a smile.

"Where's your car?" tanong ko sa kanya pagkaalis ni Carson.

"Hiniram nila Galen."

Sabi na nga ba eh, tama ako.

"Pumayag ka naman? Alam mo ikaw, uto-uto ka. 'Wag kang nagpapauto sa iba. Sa 'kin ka lang dapat nagpapauto," taas kilay kong sabi kaya agad siyang natawa at ginulo ang buhok ko.

"Game na? Ano'ng mga bibilhin natin?" tanong niya sa 'kin pagkapasok niya sa bahay namin. Wala kasing tao. Nasa trabaho sila mom and dad tapos si Trev naman, hindi ko alam kung nasaan. Baka bumili ng regalo para kay mommy.

"Flowers, cake, balloons, ano pa ba? Suggest ka naman!" reklamo ko kaya napangiwi siya at tiningnan ako nang masama.

"Kalma, Ra. Puwede?"

"Paano ako kakalma, tingnan mo may pasa ka pa sa gilid ng labi mo! Kanina pa mainit ulo ko, patulan mo na kasi sila Kuya Galen! Bakit pumapayag kang inuutus-utusan ka ng mga 'yon tapos lagi ka namang binubugbog after training," irita kong sabi.

Humalakhak siya bigla.

"You don't understand, Ra. They're doing this because I'm the son of our coach."

"Iyon na nga eh, hindi pa rin tama na gano'n ang katwiran nila. Isa pa talagang beses na makita kong may pasa o sugat ka sa katawan mo, humanda talaga sila sa 'kin."

Bigla siyang napangiti at inakbayan ako. "Kaya mahal kita eh," umiiling na sabi niya kaya napasimangot lang ako. Hindi niya ba talaga seseryosohin 'yong payo ko? Kasi seryoso, hindi na talaga tama 'yong ginagawa sa kanya.

"Don't worry about it, Ra. Everything's fine. I just need to be selected for the first six to prove them wrong. I want them to see how good I am in volleyball. I want to prove them that I'm worthy to play. I don't want them to see me as the son of the coach. Ayoko ng gano'n lang ang tingin nila sa 'kin," seryosong sabi niya at saka niya pinisil ang pisngi ko.

"Sinabi mo na ba kay Bryle na kasama mo 'ko ngayon? Baka mamaya magalit na naman 'yon sa 'yo," pag-iiba niya ng topic kaya napataas ang kilay ko.

"Nagpaalam na ko sa kanya. Hindi naman nagalit. Anong pinakain mo do'n?"

"Ah. Kinausap ko 'yon no'ng nakaraang araw. Sabi ko kung may problema ba siya sa 'kin at nagagalit siya tuwing ako 'yong kasama mo." He hissed. "He should be thankful I'm being too nice to him, Ra. Pero sa totoo lang, 'di ko talaga gusto 'yon para sa 'yo. Masyadong seloso, eh. 'Pag nakikita ko naman sa library, puro babae kasama."

To Pay The Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon