Chapter 23: Tune up

6.5K 225 129
                                    


CHAPTER TWENTY-THREE

Tune up


"RA, kalma lang sa palo. Mukha na nila 'yong tinatamaan mo eh," paalala sa 'kin ni Feem at wala sa sarili akong tumango.

"Sorry," tanging sabi ko.

Napapalakas kasi talaga ang palo ko at hindi ko ma-kontrol ang mga pagtira ko dahil hindi pa rin mawala sa isip ko lahat ng nangyari.

It's been two months since the last time I saw Bell. I didn't try to beg him to forgive me because I know I didn't deserve anything from him. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kanya.

Pagbali-baliktarin ko man ang mundo, mali 'yong ginawa ko at wala akong karapatang humingi ng tawad o magpaliwanag sa kanya.

I know he hates me so much. I know that. And I really deserve the hate.

Pero ako lang ba ang may kasalanan?

He did the same thing. I saw a girl coming out from his room, wearing his shirt.

I shook my head and cleared my thoughts.

I shouldn't be thinking about that.

Nag-ayang kumain si Feem after training kasama ang buong team namin dito sa De Grande town.

Masaya silang nagkukuwentuhan habang ako, nananatiling tahimik lang.

My eyes darted on the entrance door of the restaurant when the men's volleyball team of DGU entered the place and sat on the table next to us.

Gonz's eyes met mine but I immediately looked away and avoided his eyes.

I don't blame him for what happened. It's just that . . . hindi na ako komportable sa presensya niya.

I know, it's not his fault. Lalaki siya at may kahinaan din.

I know, everything's my fault.

"Iniiwasan mo yata si Gonz simula no'ng umuwi tayo galing Thailand," mahinang sabi ni Feem saka niya nilagyan ng gulay ang plato ko.

Hindi ako umimik.

Hindi pa nila alam.

Hindi ko pa sinasabi sa kanila.

Walang nakakaalam ng nangyari sa 'min ni Gonz bukod kay Bellamy.

Wala akong lakas ng loob sabihin kahit kanino 'yong bagay na 'yon.

Alam kong maling-mali talaga 'yong nagawa ko, at hindi ko alam kung paano ko haharapin sina Feem kapag nalaman nila 'yon.

Kahit magkasama kami ni Gonz sa De Grande University, hindi kami nag-uusap o nagpapansinan. Ilang beses niyang sinubukang kausapin ako pero lagi akong umiiwas.

Pati si Trev ay kinukulit ako kung bakit 'di kami nag-uusap ni Gonz. Pero ni isa sa 'min ni Gonz ay walang nagsasalita.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa dorm.

"Una muna 'kong maligo ah. Inaantok na kasi talaga ako," saad ko kay Feem saka ko kinuha ang tuwalya ko at nagmadaling pumasok sa banyo.

Sa kalagitnaan ng pagligo ko ay hindi ko mapigilang umiyak.

Hindi ko matanggap na nagawa ko ang bagay na 'yon.

Walang tigil ang paghikbi ko habang umaagos ang tubig sa katawan ko.

"Ra! Are you alright?" nag-aalalang sigaw ni Feem sa labas ng pinto pero hindi ako nagsalita.

Patuloy lang akong umiyak dahil wala akong magawa. Hindi ko na mababago 'yong bagay na nagawa ko na.

To Pay the Price (Belle Ville Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon