|Ramachandra."TAYA!" Sabi ko sabay tapik at takbo palayo sa kanya.
Agad naman niya akong hinabol kaya natawa ako at mas binilisan ang pagtakbo.
"Humanda ka!" Sabi niya habang patuloy pa din kami sa pagtakbo.
"HAHAHA kung mataya mo ako!" Pabalik kong sabi at nagpatuloy pa sa pagtakbo.
"ARAY!" biglang sigaw ni Ian.
Agad naman akong napalingon sa aking likuran upang tignan kung anong nangyari sa kanya. Nabigla ako nang makita ko siyang nakaupo sa sahig habang hawak ang kaniyang noo.
May nakita akong isang babaeng malapit lamang sa kanya. Mukhang nag kabanggaan sila ng bestfriend ko.
Lalapit na sana ako nang biglang tumayo si Ian upang lapitan ang babaeng naka bangga niya.
"Ayos ka lang ba?" Rinig kong sabi ni Ian ng medyo maka lapit ako sa kanilang dalawa.
Tumingin naman ang babae sa kanya, napasinghap naman ako nang makitang nagdurugo ang ilong nito.
Nag skwat si Ian, upang mapantayan ang babaeng nakaupo. at agad siyang hinawakan sa balikat. Bakas din kay Ian ang pag aalala para sa babae.
"H-hindi.. m-masakit ang i-ilong ko.." tila nanghihinang sabi nang babae.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko.
"Nagkabanggaan kasi kami habang tumatakbo ako para habulin ka." Sabi ni Ian at tumalikod nang upo at sumenyas na papasanin niya ang babae.
Natigilan ako at ganon din ang babae.
"Hoy! Ramachandra tulungan mo siya at nang madala natin sa bahay." Nagising ako sa pagkatulala nang bigla akong tawagin ni Ian.
"N-naku h-hindi na baka ano pang i-isipin nila.." sabi nang babae.
"Hayst! Wala akong pake alam! Ang importante magamot ka namin." Si Ian at sinenyasan akong muli.
Tumango naman ako at inalalayan ang babaeng makasampa sa likuran ni Ian.
Nang maayos ay agad tumayo si Ian. Matangkad na lalaki si Ian at sa edad na labing anim ay maganda na ang kaniyang pangangatawan. Sanay kasi ito sa trabahong pangbukid. At hindi din matatangging guwapo talaga ang lalaki.
Walong taong gulang pa lamang si Ramachandra nang umuwi sila nang kaniyang ama dito sa probinsya nila matapos mamatay ang kaniyang ina.
Nagiisang anak lamang siya, at dati silang nakatira sa Manila. Pero ng mamatay ang ina niya, napagpasyahan ng kaniyang Ama na mag trabaho abroad upang maitaguyod siya. Kaya naman iniwan siya dito sa probinsya, sa kaniyang Lola at Lolo.
Dito din niya pinagpatuloy ang pag-aaral, noong una ay wala siyang kaibigan kahit isa dahil bago pa lamang siya sa eskwelahan nila. Isang araw nang pumasok siya ay may mga estudyanteng aksedenteng naibuhos sa kanya ang maduming tubig na pinagbanlawan nang mga maduduming pamunas.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya, pero dumating si Ian at tinulungan siya nito. Simula noon ay naging matalik na silang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
100,000 HOURS
Short StoryPrevious title: WHERE AM I? START: SEPTEMBER 16 2020. END: SEPTEMBER 26 2020 • First ever story ko po ito kaya pasensya kung hindi ganoon kaganda hehe.. ☑️COMPLETE