PITO

5 1 0
                                    

|Ian Jace.

"Ano ang desisyon mo?" Seryosong tanong ni Tito Danilo habang mag kaharap kami ngayon.

Buo na ang desisyon ko ngayon.

"Tito Danilo, napakaganda po talaga ng offer niyo, at talagang napaka impossible na tanggihan dahil napakagandang offer po talaga yun," Pagsisimula ko.

Napangiti at napatango tango pa si Tito Danilo sa sinabi kong iyon.

"Pero, hindi porket impossibleng tanggihan yun," huminto ako. Kumunot ang noo ni Tito Danilo pero pinilit niya pa ding ngumiti. "Ay tatanggapin ko na agad. Ang desisyon ko po ay, hindi. Hindi ko po tatanggapin ang inaalok niyo."

Gulat na gulat naman akong tiningnan ni Tito Danilo. At napatayo pa siya.

"Ha! Ian Jace Merrell! Hindi magandang nagbibiro ka ng ganyan!" Galit na sabi niya pa.

"Hindi po ako nagbibiro." Madiing sabi ko.

"Kung ganoon," sabi niya at kinuha ang mga gamit niya. "nagsasayang lang pala ako ng oras at pagod dito." Sabi niya at naglakad na papunta sa pinto.

Pero bago pa man siya, makalabas ay biglang nagsalita si Mama, na kanina pa nakatanaw sa amin.

"Kung noon Kuya wala kang ginawa para sa babaeng mahal mo, pwes ibahin mo ang anak ko. Alam ko Kuya hanggang ngayon sinisisi mo pa din ang sarili mo dahil sa kawalanghiyaan mo, pero bakit ganoon Kuya? Kahit na alam mo namang mali ka noon ay pinapairal mo pa din yang pride mo? Kaya ka niya iniwan at di pinili noon. Dahil napakamakasarili mo Kuya. Selfish ka." Kalamado man ang boses ni Mama ay may pagdidiin sa sinabi ni Mama.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Tito Danilo ng mapakla at binalingan si Mama. Walang emosyon ang mukha nito, pero kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit, pagkalungkot, at galit.

"Oo nga makasarili ako. Pero kayo? Hindi ba kayo ganoon dati, diba naging makasarili din kayo dahil gusto niyo akong magpakasal sa babaeng kahit kailan hindi ko naman minahal? At wag mong isisi sa akin kung bakit naging ganto ako ngayon. Naging ganto ako dahil sa inyo." Sabi ni Tito Danilo, at walang lingo lingon ay lumabas ng Bahay. 

Nilapitan ko naman si Mama ng makita siyang umiiyak.

"Shh.. Mama.." niyakap ko si Mama.

Humagulgol naman siya.

'Ano bang sinasabi nila Mama at Tito Danilo? Sinong hindi minahal? At sinong nang iwan at di pinili si Tito Danilo?'

Iyon ang naglalaro sa isip ni Ian Jace habang yakap yakap ang ina.

Pero sino nga ba ang tinutukoy ng kaniyang ina at ni Danilo Merrell?

Ang nakaraan nga ba ni Danilo Merrell ay mauungkat muli o mananatili itong nakatago?

Pero hindi ba may kasabihinang Walang sekreto ang di nabubunyag.

|Danilo Merrell.

Ng makalabas ako sa bahay nila ay agad akong pumasok sa kotse ko at pasalampak na umupo.

Pagod akong napabuntong hininga. Bakit nga ba napakamakasarili ko?

'Dahil sa kanila'

100,000 HOURS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon