|Ramachandra.
Habang binabasa ko yun ay hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Napatakip ako saking bibig dahil hindi ko na napigilang humagulgol.
'Mama? Kung andito ka kaya, yayakapin mo din ba ako ng mahigpit?'
Niyakap ko ang notebook ni Mama at napahiga sa kama niya.
"M-mama..." Umiiyak na bulong ko.
"RAMACHANDRA! NAKU! NASAN KA BANG BATA KA!" Na alimpungatan ako sa boses na iyon.
"M-mama?" Mahinang sabi ko.
"Anak!" Nang makita ako ni Mama ay nakita ko agad sa kanyang mukha ang pag-aalala. Agad din siyang tumakbo papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit.
Yakap na akala ko wala ng katapusan. Huwag mo na sana akong bitawan pa Mama.
"Saan kaba galing anak. Kung saan saan kita hinanap." Tanong ni Mama at hinarap ako sa kanya kinapa kapa niya pa ako na para bang naghahanap ng mali sa katawan ko.
"Andito lang naman po ko Mama" sabi ko habang nakangiti.
Ngumiti naman si Mama at napabuntong hininga.
"Mahal na mahal kita anak-"
"MAMA!" Sigaw ko at napabangon pa mula sa pagkakahiga.
'Panaginip lang pala.'
Napatingin naman ako sa paligid ko ng mapagtantong wala ako sa aking sariling kwarto. Nandito ako sa kwarto ni Mama.
Nakatulugan ko pala ang pag-iyak.
"RAMACHANDRA APO?! NASAN KA BA?!"! Rinig kong sigaw ni Lolo sa baba.
Oo nga pala hindi nila alam na dito ako natulog. Tumayo ako at aksedenteng nailalag ang notebook ni Mama, kaya kinuha ko iyon at itinabi muli sa ilalim ng unan.
Inayos ko din ang gusot sa kama dahil sa paghiga ko.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba nakita ko namang kakalabas lang ni Lolo at Lola.
"Lolo. Lola." Tawag ko sa kanila na naka agaw namam ng pansin nila.
Napatingin sila sa akin at halata sa mga mukha nila ang pag aalala agad namang lumapit si Lola sa akin at niyakap ako.
"Saan kaba galing bata ka ha? Nag alala kami sayo ng sobra." Sabi pa ni Lola at mas hinigpitan ang pag yakap sa akin.
Niyakap ko naman siya pabalik.
"Sa taas po ako galing Lola." Sagot ko ng mag hiwalay kami sa pagkayakap.
"Bakit ka naman nasa itaas?" Si Lolo.
Napabaling naman ako sa kanya.
"Binisita ko lang po kasi ang kwarto ng Mama. Namiss ko po kasi siya eh." Malungkot akong ngumiti.
"Sige sa Anniversary ng pagkamatay niya dadalawin natin siya sa Manila." Si Lola.
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ko at ngumiti pa.
BINABASA MO ANG
100,000 HOURS
Short StoryPrevious title: WHERE AM I? START: SEPTEMBER 16 2020. END: SEPTEMBER 26 2020 • First ever story ko po ito kaya pasensya kung hindi ganoon kaganda hehe.. ☑️COMPLETE