|Ramachandra.
"Apo? Hindi ka pa ba tapos maglinis?" Rinig kong tanong ni Lola.
Agad ko namang naibaba ang notebook na hawak ko at nilingon si Lola. Nagtataka naman niya kong tiningnan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Lola.
"O-opo. Ikaw La? Tapos kana ba?"
"Oo tapos na ako. Magluluto na ako ng pananghalian nang mahatiran ko din ang Lolo mo sa bukid." Si Lola na nagtataka pa din akong pinagmamasdan. "Gusto mo bang sumama?" Tanong pa ni Lola.
Tumango nalang ako at ngumiti. At umalis na din si Lola.
Napabuntong hininga nalang ako ng makaalis na si Lola sa harap ko.
Inayos ko na ang mga gamit na nalinisan ko na at kinuha ang Notebook ni Mama.
Bubuklatin ko na sana ang pangalawang pahina ng may marinig akong may nahulog at mukhang nabasag sa baba. Naalerto ako at agad kong itinabi ang notebook ni Mama.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.
"LOLA!" Sigaw ko ng makita kong nakahiga na si Lola sa sahig at nahihirapang huminga. At hawak hawak ang kanyang dibdib.
"A-apo..." Nanghihinang tawag niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.
"LOLA! LOLA!" humihikbing tawag ko sa kanya. "TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" sigaw ko, umaasang may makakarinig sakin.
"CHANDRA?!" Narinig kong may tumawag sa akin.
"TULONG!" Sigaw ko.
Nakita ko si Ian na nagmamadaling lumapit samin.
"IAN! IAN! INATAKE SI LOLA!" Umiiyak na sabi ko sa kanya.
Nagmamadali naman si Ian na lumabas. Kalaunan ay dumating na ang ambulansyang agad na naghatid samin ni Lola sa ospital.
Mabilis ang mga pangyayari agad kaming nakarating sa ospital at inasikaso kaagad si Lola.
Hindi naman ako iniwan ni Ian. Patuloy lang kasi akong umiiyak at nagpapanic dahil sa nangyari.
"RAMACHANDRA! anong nangyari?!" Nag aalalang tanong ni Lolo ng makarating siya. Nakarating na pala sa kanya ang balita.
Agad naman akong napayakap sa kaniya, at patuloy sa pag iyak.
"L-lolo s-si L-lola..." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa matinding pag iyak. Inalo naman ako ni Lolo at pinapatahan...
Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sa aking noo.
Ng maidilat ko ang aking mga mata ay agad kong nakita si Lolo. Ngumiti siya at tumango sa akin.
"Mabuti naman at gising kana Apo." Bati niya.
Napabangon naman ako sa pagkakahiga. Inalalayan din ako ni Lolo. Ang bigat ng mga mata ko.
"S-si Lola?" Tanong ko ng makaupo na ako ng maayos.
"Maayos na siya nagpapahinga." Ng masabi ni Lolo iyon ay lumingon siya sa likuran niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/241069225-288-k68774.jpg)
BINABASA MO ANG
100,000 HOURS
ContoPrevious title: WHERE AM I? START: SEPTEMBER 16 2020. END: SEPTEMBER 26 2020 • First ever story ko po ito kaya pasensya kung hindi ganoon kaganda hehe.. ☑️COMPLETE