|Ramachandra.
Ng maka layo ako sa kanila ay napa sandal nalang ako sa pinaka malapit na pader.
Napatawa ako ng mapakla.
'Oh anong nagyari sa tapang mo Ramachandra? Kanina lang ang tapang mo ah?'
Ang sakit palang makita siyang masaya kasama ang iba. Kasama ang babaeng nagpapasaya sa kanya.
Bakit kasi di nalang ako Ian ha? May mali ba sakin?
Pinahid ko naman ang butil ng luha na di ko namalayang naka takas pala sa mga mata ko. Pinakalma ko ang aking sarili at inayos toh.
Nagsimula na ulit akong maglakad palayo don. Nakarating ako sa bahay ng di ko nakikita si Lola.
Nagalala agad ako baka kung napano siya pero agad din namang nawala yun ng makita ko ang letter na nasa reff na may nakasulat na,
'Apo, pumunta muna ako sa bukid upang makasama ang Lolo mo, may pagkain na diyan kung ikaw ay nagugutom, uuwi din kami agad mamaya.'
Ng mabasa niya yun ay ngumiti lang siya.
'Ganoon talaga nila kamahal ang isa't isa ano?'
Pumasok na agad ako sa kwarto upang makapag palit ng damit. Tyaka ko nalang ibabalita ang magandang balita mamaya. Siguradong matutuwa sila Lola.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at ni dial si Papa. Tatlong ring lang at sinagot naman niya agad.
/Hello? Anak, napatawag ka, may problema ba?/ Bungad na sabi ni Papa. Napangiti naman ako sobra talaga kung magalala si Papa sa akin.
"Wala po Papa. May ibabalita lang po ako sa inyo."
/Talaga, oh ano yun?/
"Nangunguna po ako ngayon sa klase kaya sa darating na recognition day ay makakaakyat kayo sa stage para sabitan ako ng medal. Pero di pa po graduation yun pa ah, para lang po yun sa 3rd grading."
/naku, talaga ba anak, magaling. Sige uuwi ako dyan agad para magkasama na tayo ulit./ Ramdam ko ang saya sa boses ni Papa. Napangiti naman ako, dahil masaya din akong proud si Papa sa akin.
"Sige po, Pa, ingat po kayo dyan."
/Sige anak. Ah nga pala alam na ba ito ng Lolo at Lola mo?/
"Ah di ko pa po sinasabi, kakauwi ko palang po kasi, at nasa bukid po silang dalawa, nagiwan si Lola ng sulat." Pagiimporma ko kay Papa.
/ah sige sabihin mo agad kapag nakauwi na sila. Magiingat kayo dyan. Mahal ko kayo./
"Ingat ka din po Papa, mahal ka din po namin." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Napabuntong hininga nalang ako bago lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para tingnan kung anong pwede kong makain don.
Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang araw kung kailan ang uwi ni Papa, at sa biyernes na din ang recognition day namin.
Excited na excited ako ng pumunta kami sa airport para sunduin si Papa. After 5 years makikita ko na siya ulit.
Oo 5 years na ang nakalipas mula ng umalis siya. Nag babaksyon siya dito kapag sapat na ang ipon niya. Huling uwi niya ay 11 pa lang ako at ga graduate ako non ng elementary.
BINABASA MO ANG
100,000 HOURS
Historia CortaPrevious title: WHERE AM I? START: SEPTEMBER 16 2020. END: SEPTEMBER 26 2020 • First ever story ko po ito kaya pasensya kung hindi ganoon kaganda hehe.. ☑️COMPLETE