HULI.

1 1 0
                                    

Pwede niyong pakinggan yung song sa taas, feel ko bagay yun sa part na toh hehe.. enjoy reading. : )

|Ian Jace.

14th week.

"CONGRATULATIONS IAN JACE!" Masayang bati ng lahat ng nasa kwartong iyon.

Masayang masaya namam ako at ngumiti ng matamis sa kanilang lahat.

"THANK YOU PO!" Masayang pagpapasalamat ko.

"Saan mo balak mag-aral ng kolehiyo, Ian?" Tanong ni Lolo Ramon sakin.

"Naku, sa Manila po Lolo Ramon itutuloy ko po ang pangarap kong maging doctor. At para din po maalagaan ko si Chandra," nakangiting sabi ko at lumapit kay Dra.

Hinaplos ko ang mga kamay niya. It's been 14 weeks since she fall asleep.

"At uuwi po ko dito tuwing biyernes ng hapon at bibisitahin ko si, Dra."

/Hindi ba mapapagod ka naman noon iho?/ Si Tito Leon, na naka video call sa tablet na hawak ni Lola Rachelle.

Bumalik na kasi ito sa abroad para makapagtrabaho at masuportahan ang mga bayarin dito sa ospital.

Ngumiti ako kay Tito Leon, "ayos lang po iyon, Tito Leon ang importante maalagaan ko si Dra, habang nag-aaral ako." Sabi ko at binalingan ulit ng tingin si Dra.

/Ikaw nga Ian. Matanong kita, gusto mo ba ang anak ko?/ Tanong ni Tito Leon na nakapagpatigil sa lahat ng nasa silid.

Napuno ng katahimikan, para bang ang sagot ko ang kanilang tanging inaabangan. Humugot ako ng malalim na hininga at humarap muli kay Tito Leon,

Seryoso ang mukha nito, talagang gustong malaman kung ano ang aking isasagot sa kanya.

Kinuha ko naman ang tablet mula kay Lola Rachelle at tumango sa kanya. Lumabas ako ng walang imik at doon ko na kinausap sa labas si Tito Leon.

Yun na ata ang pinakamahabang oras at nakakakabang sandali sa buhay ng isang Ian Jace Merrell. . .

Pero yun na nga ba ang pinaka mahabang oras? O hindi pa.

11 years later . . . . .

"Happy Birthday, Dra." Bati ko ng makalapit sa kanya. "Grabe ang tanda mo na, pero ang ganda mo pa din. Wala pa ding pinagbago ang itsura mo. Sana makita na ulit kitang nakangiti sakin." Sabi ko, tyaka inilapag sa kalapit na table ang mga regalo ko para sa kanya.

Ng mailagay ko na iyon kasama ang mga regalo mula sa nagdaang taon ay lumapit muli ako sa kanya at kumuha ng upuan na maari kong upuan.

Ng makakuha ay agad akong tumabi sa kanya. Hinaplos ko ang kaniyang mga pisngi at malungkot na ngumiti.

"Dra, gising kana pls? Ilang taon ka ng natutulog. Di kaba napapagod? Gustong gusto na ulit kitang makitang masaya at makausap,"

"Doctor na ko ngayon, Dra. Kaya na kitang alagaan hanggang pagtanda. Gumising kana, Dra pls." Sabi ko at hinalikan ang kaniyang mga kamay at humuko.

Maya maya pa'y hindi ko na namalayang, umiiyak na pala ako.

'Napakatagal na din pala. Miss na miss na kita Dra.'

100,000 HOURS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon