TATLO

6 1 0
                                    

|Ramachandra.

"Ramachandra?" Rinig kong tawag ni Lolo sa akin ng matapos kong basahin ang pangalawang pahina ng notebook.

Agad kong pinawi ang mga luha sa aking pisngi. Itinabi ko sa ilalim ng unan ang notebook at lumabas ng kwarto ni Mama at bumaba na.

Naabutan ko si Lolong kakalabas lamang ng kusina at kakapatay pa lang ng ilaw.

"Oh andyan ka pala. Galing ka ba sa itaas?" Tanong sakin ni Lolo.

"A-ah opo." Nagaalinlangan kong sagot kay Lolo.

"Ayos ka lang ba? Mukha kang umiyak." Napansin pa ni Lolo ang mga mata kong mukhang galing sa pagluha. .

"Ayos lang ako Lolo. Sige po tulog na ako." Sabi ko at niyakap si Lolo bago umalis at dumiretso sa kwarto ko.

"RAMACHANDRA! GUMISING KA NA DYAN MAHUHULI KA SA KLASE MO!" Rinig kong sigaw ni Lola habang ako'y natutulog pa din.

Nagtakip pa ako ng unan sa aking mag kabilang tenga.

'Ugh! Gusto ko pang matulog!'

"RAMACHANDRA! KAPAG HINDI KA PA LUMABAS DYAN TATAPUNAN KITA NG MAINIT NA TUBIG!" Pananakot ni Lola na agad namang nagpabangon sa akin.

"O-opo! Eto na nga maliligo na po!" Pabalik kong sigaw.

'Naku. Takot ko lang kay Lola kapag sinabi niyang bubuhusan niya ko ng tubig talagang gagawin niya.'

Kumuha na ako ng mga damit na pampalit ko at dumiretso na sa banyo ng kwarto ko. Oo may sarili akong banyo dito.

At sa lahat ng kwarto itong kwarto lang talaga ang merong sariling paliguan.

Halos kalahating oras din akong naligo at talagang nilinis ang buo kong katawan.

Ng makatapos ay agad na akong nagbihis at lumabas na ng kwarto. Pero napatigil ako ng makita ko si Ian at Elleri na nasa hapag kainan kasama sila Lola at Lolo.

Napansin din naman ako ng lahat.

"Oh apo. Salamat naman at natapos kana sa pag-aayos mo. Halika kumain kana sabayan muna kami."

Tumango lang ako at ngumiti ng pilit kay Lola at umupo sa tabi niya. Katapat ko naman si Ian at katapat ni Lola si Elleri.

"Ah. Nga pala apo kaya natin kasama ngayon sila Ian at Elle dahil binisita nila ako bago daw kayo pumasok sa eskwela." Paliwanag ni Lola.

Tumango na lang ulit ako at nagsimula ng kumain.

"Alam mo apo nalaman namin na malapit na palang umuwi si Elle sa New Zealand. Doon pala talaga siya nakatira." Sabi ni Lola na agad na naka agaw ng pansin ko.

"T-talaga?" Nagtatakang tanong ko kay Elleri.

Tumango naman siya at malungkot na ngumiti.

"Oo eh. Kailangan ko na kasing umuwi dahil nag aantay din sakin ang Boyfriend ko-" hindi pa natatapos ni Elleri ang sinasabi ng bigla nalang nabilaukan si Ian.

Nagulat naman kami at agad siyang inabutan ng tubig.

"Oh Ian ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Lola sa kanya.

100,000 HOURS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon