ANIM

10 1 0
                                    

|Ian Jace.

Ng makapasok ako sa bahay ay agad kong nakita si Mama.

"Oh anak. Kamusta?" Tanong ni Mama sakin ng makita niyang kakapasok ko lang ng bahay.

'Sa totoo lang Ma. Hindi ko alam.'

Ngumiti lang ako at nag thumbs up lang sa kanya. Ngumiti lang din siya sakin at tumango.

Ako naman ay dumiretso sa kwarto ko.

Napaupo nalang ako bigla sa kama. Ano bang nangyayari sakin. Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

May nag text nakita ko namang si Daisy yun. Pero hindi ko iyon napaginteresang basahin man lang.

Nagpapaulit ulit sakin ang paguusap namin kanina ni Chandra. Bakit nga ba ako naapektuhan?

'Ang totoo kasi nyan. Gusto ko din siya.'

Pero magiging unfair kasi iyon sa side ni Daisy. Siya ang girlfriend ko kaya dapat siya lang ang magustuhan ko.

Pero anong gagawin ko? Kung kahit anong sabihin o isipin ko na dapat si Daisy lang, talagang si Chandra ang gusto ng puso ko.

Napabuntong hininga ako at napahiga. Tumitig lang ako sa kisame ng kwarto ko hanggang sa makatulog ako sa dami ng iniisip ko at sa dami ng mga nangyari ngayong araw na toh.

Nagising naman ako dahil sa sunod sunod na katok sa kwarto ko.

"IAN! BUKSAN MO ANG PINTO!" Rinig kong sabi ni Mama halata din sa boses niya na nagmamadali siya.

Kahit inaantok ay bumangon ako, binuksan ang pinto at nabungaran ang nag-aalalang mukha ni Mama.

"S-si... R-ramachandra.... na a-aksidente siya..." Nanghihinang sabi ni Mama.

Nang binitawan niya ang mga salitang yun ay halos tumigil ang pagikot ng aking mundo.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa ospital kung saan isinugod daw si Ramchandra at ang pamilya niya.

Kasama ko din si Mama. Wala ako sa sarili ko habang nagmamadaling makapunta dito sa ospital.

"E-excuse me. Nasaan sila Ramchandra Grabas, yung na sangkot sa car accident?" Tanong ko sa pinakamalapit na nurse station.

Agad naman niyang sinabi sakin kung nasaan ang pamilya ni Ramchandra at si Chandra ay nasa ER pa din hanggang ngayon.

Nang makarating ako sa kwartong itinuro sakin ng nurse ay naabutan kong andoon si Tito Leon, Lola Rachelle, at Lolo Ramon.

Si Tito Leon ay walang malay habang si Lolo ay inaalo si Lola na patuloy na umiiyak.

"L-lolo.. ano pong nangyari?" Nanghihinang tanong ko kay Lolo Ramon at lumapit para damayan sila.

"M-may n-nakabanggaan kaming 10 wheeler truck. A-at si Ramchandra.. t-tumilapon siya papunta sa dagat na s-siyang tinatawid namin ang tulay habang umuulan.. at... S-si Leon.. h-hanggang ngayon hindi p-pa din siya nagigising...." Nakatulala pa si Lolo habang sinasabi iyon.

Niyakap ko si Lola upang patigilin siya sa pagiyak.

"Ayos naba si Lola?" Tanong ni Mama ng makalapit ako sa kanya.

100,000 HOURS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon