nang nasa bahay na kami.
"Magpalit ka, may pupuntahan tayo ngayon gabi."
"Saan ba iyan?"
"Basta, magtiwala ka lang sa'akin.. sorry kung late ko na nareply."
"Ano ka ba, alam ko namang may priority ka."
tinignan ko siya habang sinasabi yun ngunit umiwas siya. teka, namumula ba siya o guni-guni ko lang iyon.
inayos ko muna ang pinamili ko at nagpalet ng damit at sinuot ang varsity jacket ng school namin.
Alas onse na nang makalabas kami sa bahay ko.
Hawak niya ang kamay ko at di na ako tumanggi pa, papunta kami kung saan kami madalas maglaro, bihira lang ang tao dito o di kaya wala talaga nakakaalam sa lugar na ito.
napakalawak dito at may river pa.
noong bata kami ay madalas kaming nakakakita ng shooting star o di kaya magandang kulay ng ulap at nag-wish kahit di naman namin sigurado kung matutupad ba.
mahigpit ang pagkahawak ni bokuto sa'akin habang natakbo kami.
"Akaasshi, tignan mo." turo niya sa ulap maganda pero isa sa mga kinagulat namin ang paglabas ng shooting star kaya napatakbo kami.
para bang bumabalik kami sa pagkabata
"Grabe ang ganda, di ko pinagsisihan lumabas kasama ka." sinasabi niya yun habang natakbo kami hanggang sa makatungo kami sa puno kung saan kami madalas maglaro noon.
"Akaashi, Isipin mo na ako yan. Magwish ka lang matutupad yan."
hindi ko alam pero may kirot akong naramdaman, magsasalita sana ako pero nakapikit siya at mukhang may winiwish siya.
Ipinikit ko na din ang mga mata ko na sana "Mahalin mo ako nang makasama kita habang buhay." pagkatapos ko banggitin sa isip yun, agad ako niyakap ni bokuto.
"Akaashi, sobrang special sa'tin tong' lugar na'to."
"Kaya nga, wala paring pagbabago."
"Wag mo kalimutan 'to, pagtanda mo ah! Ulyanin ka pa naman!" sabay tawa niya siya din naman ulyanin.
sabay ngiti niya at sinulit ang nangyari sa'amin habang magkahawak ang kamay.
BINABASA MO ANG
Last Kiss; [BokuAKa FanFic]
Fanfiction"Hindi ko alam kung paano magsimula muli, ngunit pipilitin ko. Hindi kita kakalimutan, Mahal. Salamat sa aalala na ibinigay mo. Salamat, Bokuto." TAGALOG VERSION//