II

43 2 2
                                    

Natapos na ang klase namin, naging normal naman ang araw ko dahil hindi gaano maharot si bokuto kaya lahat ng pinag-aralan namin kanina ay pumasok sa utak ko.

"Akaassshi!!" Dito pala babawi si bokuto, haist.

"Baket?"

"Dala mo bike mo?"

"Oo, baket?"

"A-ah, eh? Pasabay..."

ilang distansya lang naman ang bahay namin pero sa pagpasok lang talaga sa school hindi kami nakakasabay dahil lagi akong late magising, kakalaro sa PS4 ko.

"Okay, pero may dadaanan lang ako sa convience store."

"Part-time?"

"Oo, papasa ko resume ko."

"Wag na kasi.."

"Nanay ba kita? Makapigil ka naman.. tell me nanay kita?"

"Baliw, ang gwapo ko naman para maging nanay mo siraulo."

sabay tawa ko.

"Akaashi, gusto ko na lagi kang tumatawa."  nakangiti niyang saad at nauna nang umalis sa classroom.

- PARKING -

"Tagal na 'tong bike na'to..." banggit niya

umangkas na siya at nagsimula na ako magpedal.

"Grabe ang sarap ng hangin, nakakamiss din pala ung ganto tapos papalubog ang araw. Parang ngayon nalang ata ako ulet naka-angkas sa'yo."

"Dahil bihira ko lang naman itong dalhin, kaya naglalakad tayo pag-uwi."

"Sabagay, nataba na ang ako eh!"

"Taba ka dyan, kulang pa nga sa'yo yung anim na rice sa mang inasal."

"Hoy, ang bulgar mo ah! buti tayong dalawa lang dito baka sipain kita patungo mars pag may taong nakarinig niyan, amp!"

"Aba, sinasabi ko lang naman ang totoo..."

"Che, totoong ano na cute ako o matakaw?"

"Matakaw, feelingero ka nanaman hulog kita!"

"LETCHEEE KA TALAGA, AKAASSSHI!"

at tumawa lang ako hanggang sa nakarating na kami sa convience store.

Last Kiss; [BokuAKa FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon