Nandito ako sa lugar kung saan kami naglalaro noong bata kami at magpalipas oras noong kabataan namin.
Papalapit na ako sa puno ngunit umiiyak nanaman ako.
"B-Bokuto!" banggit ko kahit nahihirapan ako bigkasin ang pangalan mo, dahil wala ka na talaga, sinabi ko sa'yo na hindi kita maihahatid sa huli mong hantungan dahil dito ako babawi. Araw-araw ako pupunta dito pangako! Dahil madami tayong alaala dito.
hindi kita masisi kung sumuko ka na, dahil kung di mo na talaga kaya, wag mo nang pilitin pero hindi ko lang talaga matanggap kung kailan na tayo nagka-aminan ay doon ka pa nagsimula maghalo.
Ang iyong halik na ka'y tamis at ang iyong yakap na ka'y higpit ayun ang isa sa mga ma-miss ko.
napaupo nalang ako dito.
Bokuto, kung alam mo lang ang hiniling ko noon.
"Mahalin mo ako nang makasama kita habang buhay."
pero...
bigla ako tumingin sa ulap at nakita ang shooting star.
tumayo ako at tumakbo, alam kong ikaw yan dahil sabi mo isipin ko na ikaw yan.
Mahal mo talaga ako, at ngayon ay sinasamahan mo ako.
naglaho na ang shooting star at napaluhod nalang ako.
Bokuto, masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na minamahal mo din ako. Masaya ako dahil kahit kunti nalang pala ang natitira sa'yo, di ka nagkulang na mahalin ako.
Pangako, Ikaw ang una kong minahal. Balang araw maikwe-kwento din kita kung gaano tayo kasaya at kung gaano naging malungkot ang nangyari sa'atin.
Hindi ko alam kung paano magsimula muli, ngunit pipilitin ko. Hindi kita kakalimutan, Mahal. Salamat sa aalala na ibinigay mo.
Salamat, Bokuto.
BINABASA MO ANG
Last Kiss; [BokuAKa FanFic]
Fanfiction"Hindi ko alam kung paano magsimula muli, ngunit pipilitin ko. Hindi kita kakalimutan, Mahal. Salamat sa aalala na ibinigay mo. Salamat, Bokuto." TAGALOG VERSION//