V

32 0 1
                                        

KINABUKASAN...

namulat ako na wala sa tabi ko si bokuto... mukhang maaga siyang umuwi para di mahuli ng mama niya.

napaka-kulit din minsan nun' matigas ang ulo. kung jowa ko lang yun' baka tinatadtad ko nang halik yun nang magtigil.

nag-ayos ako sa kwarto at lumabas para magluto ng makakain ko. magbabad nanaman ako kakalaro nito buong araw dahil sembreak na namin.

*ting*

tinignan ko ang cellphone ko kung sino ang nagtext.

si bokuto pala.

From Bokuto~

AKAAASSSSHI~ Kita tayo mamayang gabi.

ba't naririnig ko ang pangalan ko kahit text lang naman ito.

nagreply ako kung "Saan?" ngunit ano pabang iexpect ko ka'y bokuto mahilig magsupresa.

kaya inubos ko ang oras ko kalalaro sa PS4 hanggang sa gumabi.

/////

Tinignan ko ang orasan, alas-cinco na hindi ko naman alam anong oras kami magkikita pero lalabas muna ako para bumili ng pagkain ko dahil wala na akong stock.

nagtext ako kay bokuto na bumili lang ako ng pagkain. pero wala paring reply, nakakapagtaka dahil wala pang isang segundo tong' magreply, kaso baka may ginagawa lang siya.

///

kakatapos ko lang bumili nang makatanggap ako ng reply galing kay bokuto.

From Bokuto~

Sorry, may ginawa lang ako. Hintayin mo ako, sabay na tayo papunta sa'inyo.

huminto ako sa may poste di kalayuan papunta sa'amin, nang may naaninag ako taong espesyal sa buhay ko at ngumiti ako.

Last Kiss; [BokuAKa FanFic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon