pagkatapos ng usapan namin ni bokuto at umabot pa sa alien ay pinatigil ko na siya. Dahil nasakit ang ulo ko sa kadaldalan niya.
gusto ko siya na magkwento pero ung di ako marelate wala naman ako maisasagot kaya ang madaling solusyon patahimikin siya.
nasa kama na kami at tulog na tulog siya, napagod din ata siya kadaldal niya.
hinahaplos ko lang ung buhok niya, mas bagay sa kanya kung nakababa lang ang buhok niya hindi ung parang kinuryente.
hindi ako sigurado kung gusto ba ako ni bokuto dahil sa kinikilos niya pero simula nung first year kami dun ko naramdaman na ayaw kong mawala siya sa tabi ko.
kahit mukhang naiinis ako sa'kanya pero deep inside kabaliktaran lahat ng iyon. gusto ko ang paglalambing niya, gusto ko ang kaingayan niya at kakulitan.
mahal na mahal ko talaga to', kahit tulo ang laway nito ngayon.
ako ba bokuto, mahal mo ba ako?
sa sobrang tagal na natin magkilala, simula pagkabata kabisado na natin ang isa't-isa.
haist. kung hindi ka man umamin, edi ako na ang aamin, ayaw ko nang patagalin tong' nararamdaman ko. ayaw ko nang onesided ako.
inilapit ko pa ang sarili ko sa'kanya at pinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Last Kiss; [BokuAKa FanFic]
Fiksi Penggemar"Hindi ko alam kung paano magsimula muli, ngunit pipilitin ko. Hindi kita kakalimutan, Mahal. Salamat sa aalala na ibinigay mo. Salamat, Bokuto." TAGALOG VERSION//