Pagkatapos ng aminan namin, sobrang bihira na din pumasok ni bokuto, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa'kanya...
ni-hindi siya nagrereply sa mga text ko...
hanggang sa ilang araw nang di napasok si bokuto kaya agad ako pumunta sa bahay nila ngunit ang naabutan ko lang ang mama niya.
wala siyang sinabi pero may inabot siyang papel, hindi ko alam pero sobrang bigat ng nararamdaman ko.
parang ang bigat na kunin ang papel na'iyon.
natatakot ako sa malalaman ko, paano kung? hindi ko na alam kung ano man ang malalaman ko dito sa sulat na ito.
kaya umuwi ako na ako at kumuha ng maiinom, nakaupo lang ako at tinitignan ang papel.
hindi ko alam pero may naudyok sa'kin na basahin ito.
pumikit ako at huminga ng malalim sabay kuha ng papel. kung ano man ang nilalaman nito, bahala na.
To; Akaashi my luvs
Hi luvs, Kamusta ka? Busy ka ba sa school? Wag kang magpupuyat para di ka tinatanghali at natutulog bahala ka tatampo ako. Oh, nakataas ang kilay mo... alam kong nagtatanong ka sa isipan mo kung bakit bigla nalang ako nawala bigla na parang bula pagkatapos nang nagyari sa'atin, hindi kita iniiwasan okay. Mahal na mahal kaya kita ba't kita iiwasan, hehehe.
pero seryoso, kinabukasan nun' agad ako sinugod sa hospital. may 'acute myeloif leukemia' ako, naging worst na nga sitwasyon ko ngayon.
pero ung kasama kita, parang wala akong sakit. pinipilit kong maging malakas sa harap mo pero pag-uwi ko, sobrang nanghihina na ako. hindi ako pumupunta sa hospital, ayaw ko na mag-alala ka. ayaw ko magpa-chemo that time kasi... ayaw ko makita mo akong kalbo. amp! pero nung nalaman kong 50/50 nalang ako dahil wala akong treatment at huli na ang lahat at baka di na kayanin ng katawan ko... kaya nagsulat ako ng palihim dahil bawal ako mapagod.
Mahal na mahal kita, akaashi. Kung alam mo lang, umiiyak ako at iniisip kita. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan kita, naiiyak ako kasi... hindi na kita mahahawakan... hindi na kita makukulit at higit sa lahat hindi na muli kitang mahahalikan.
Nahihirapan ako isulat ito, kaya pasensya sa sulat ko pang doktor pero naiiyak talaga ako pagnaiisip yang mga bagay na'iyan.
Naalala mo pa ba, nung pumunta tayo sa pinaglalaruan natin. Nagwish ako na sana makahanap ka nang taong mamahalin ka at di ka iiwan hindi tulad ko iiwan ka.
Kung pwede lang kita papuntahin dito pero baka hindi mo na ako maabutan dahil sobrang bagsak na ng katawan ko at kalbo ako. Oh, wag kang matawa dyan!
Kung pwede ko lang malaman ung winish mo nung araw na'yun, pero baka di matupad kaya di ko na tinanong.
Pero seryoso, akaashi. Kung sakali mawala man ako' Alagaan mo sarili mo. Wala ako dyan, para alagaan ka. Kung sakali man na mawala ako, pumunta ka lang sa special place natin at kapag may nakita kang shooting star, isipin mo na ako iyon magwish ka at tutuparin ko ang hiling mo kahit wala na ako sa tabi mo.
Hanggang dito nalang dahil nanghihina na ako, mahal ko. Wag kang magalit sa'kin please, I love you. Masaya ako dahil naging tayo pero ganto pa ang nangyari, wag kang mag-alala... pipilitin kong lumaban, para sa'yo.
Nagmamahal,
Bokuto~habang binabasa ko iyon, walang pigil ang pagpatak ng aking luha, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa nalaman ko. BOKUTO BAKIT!!! BAKIT!! WAG MO AKONG IWAN!!! AAAAAAAAAH, ANG SAKET POTAENA!! ANG SAKEET! AYAW KONG ISIPIN NA MAWALA KA, LUMABAN KA. ALAM KONG MATAPANG KA KAYA LUMABAN KA PARA SA'AKIN, PLEASE LANG.
BINABASA MO ANG
Last Kiss; [BokuAKa FanFic]
Hayran Kurgu"Hindi ko alam kung paano magsimula muli, ngunit pipilitin ko. Hindi kita kakalimutan, Mahal. Salamat sa aalala na ibinigay mo. Salamat, Bokuto." TAGALOG VERSION//