LATE NA AKO!!!!!
Kasalukuyan akong tumatakbo sa kahabaan papasok ng school. It is already 7:10 at nagchat sa akin sila Carmie na nandoon na daw yung prof namin.
Hindi naman talaga dapat ako malilate eh. Ang aga ko nagising at nag-asikaso ng sarili ko. Sakto naman yung oras ng alis ko. Kaso lang, rush hour ng ganitong oras kaya ang ending, wala akong masakyan. Nakipagsiksikan at nakipagbalyahan na ako para lang makasakay. Mabuti nga at mabait yung isang estudyante na feeling ko school mate ko, imbis na siya yung nakaupo, ako na lang pinaupo niya at siya ang sumabit sa jeep.
"Good morning, Manong!" Bati ko sa guard.
"Oh, madaling madali ka ah. Late na ba?"
"Sinabi niyo pa, Manong. Sige dito na po ako." Sabi ko at tumakbo na ulit. Mabuti na lang at 2nd building ang pinakamalapit na building sa gate ng school.
Nakarating ako sa klase ng 7:15. Mabuti na lang at pinapasok pa ako. Mabait naman si Sir Santos eh.
"Ghorl, haggard na haggard ka. Anyare bakit ka late?" Tanong sa akin ni Gabby nang makaupo ako.
"Wala masakyan. Kung hindi pa ako nakipagbalyahan, hindi ako makakasakay. Buti nga nagparaya yung isang taga dito din. Siya yung sumabit ako yung pinaupo niya."
"Naks. Mukhang nakahanap ka na ng ka-poreber mo ah."
"Gagi ka. Hindi ko nga kilala yun."
"Eh nandito lang yun sa school pakalat-kalat. Malay mo makilala natin."
Nagkibit balikat lang ako at nakanig na sa prof. May pinagawa sa amin na activity dahil laboratory time namin kaya kanya kanya muna kaming sagot. Well, imposible pala yon. Talamak pala kopyahan dito sa room. Haha.
"Kapag natapos kayo ng hindi pa time, okay lang na lumabas na." Sabi ng prof namin.
Nagbunyi naman kaning lahat at minadali yung activity.
Pagkalipas ng ilan minuto onti onti na din kami nababawasan dahil marami na rin ang natapos sa amin. Nang matapos ako ay inantay ko na lang sa labas ng room yung dalawa para sabay sabay kami papunta sa canteen at bumili ng snacks. Kailangan namin yun. Calculus na naman ang subject eh.
"Wooh! Basic!" Napalingon ako sa pintuan ng room at nakita kong nakalabas na si Gabby.
"Basic? Eh ang tagal mo nga natapos."
"Kanina pa ako tapos. Bago ka pa lumabas. Nagpatulong sa akin si Carmie kaya hindi muna ako lumabas agad. Ikaw kasi selfish."
"Oy hindi kasi kayo humingi ng tulong. Tsaka nung lumingon ako sa inyo ang seryoso niyo sumagot kaya hindi ko na kayo pinakialaman at lumabas na ako agad. Akala ko alam niyo na yung sagot kaya hindi na ako nagtanong." Sunod sunod kong sabi kaya nang matapos ako ay hiningal ako ng medyo.
"Oh? Dumadaldal na naman si Coral."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita sila Gavin, Michael at Troy na pababa ng hagdan na katapat ng room namin. Si Michael yung nagsalita.
"Eto kasi eh." Sabi ko sabay turo kay Gabby na natatawa dahil sa sinabi ko kanina.
"Wala akong ginawa sayo ah. Defensive ka lang."
"Hindi ako defensive no."
*Okay." Kibit balikat niya.
"Ano ba pinag-uusapan niyo?"
"Wala lang yun. Nonsense lang." Sabi ko.
"Wala na kayong klase?" Tanong ni Gabby.
"Meron pa. Papunta na kami dun actually. Kayo ba?" Sabi ni Troy
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una
RomanceExpectation does not hurt, assuming does. Coral is a happy-go-lucky, go-with-the-flow and simple college student who has a loving brother, sweet and caring parents and crazy friends. Ayaw niyang pinapakomplikado ang buhay niya dahil para sa kanya, h...