Chapter 2

16 4 0
                                    

"Yung utak ko, lusaw na."

"Same, Carmie. Same."

"O.A. niyo! Ang dali lang naman ng exam."

"Ikaw na matalino!" Sabay naming sigaw ni Carmie kay Gabby.

Grabe! Lugaw na utak ko ngayon! Nagkaroon kami ng biglaang quiz sa Calculus. Buti na lang nakasagot kami kahit papaano. Hindi lang namin sure kung tama. Pero sobrang concentration ang ginugol ko para ma-solve yung mga problems. Out of this worlds kasi yung mga given kumpara sa mga tinuro. Like, what the heck? Saan galing yun?

And then the Basic Finance came. Sulit! Lahat ng inaral namin nandoon. Kaya lugong lugo kami ngayon lahat. Ayun lutang.

Nasa jeep na kami papuntang SM. Si Carmie, ayun tulog. Si Gabby nagkakalikot sa phone. Ako, gumagawa ng music video. Nakasilip sa labas ng jeep habang nagi-emo.

Nakarating na kami sa SM Dasma at pumasok na. Bago kami pumunta sa Dept. Store, nagpalibre muna kami ng milktea kay Gabby sa Dakasi since nasa bungad lang siya ng entrance kaya yun agad ang nakita namin. Aba! Hindi pwede hugs and kisses lang libre niya no!

Naupo lang kami saglit at nagpahinga habang inuubos yung milktea namin. Pagkatapos ay pumunta na kami sa Dept. Store habang nagkukwentuhan.

"Uy kayong dalawa. Next week, birthday ko na, punta kayo sa bahay." Sabi ni Gabby.

"May pogi?" Tanong ni Carmie.

"May shanghai?" Tanong ko naman.

"Alam niyo, kayong dalawa, mga hayup kayo. Yan talaga inintindi niyo."

"Syempre. Para may mapala kami."

"Yung kambal ko, pogi."

"No thanks. Baka wirdo din yun kagaya mo."

"Pogi lang naman hanap mo eh. Choosy ka pa. Benta ko na nga sa iyo eh. PM for prize."

"Pwede 4 gives."

"3 gives."

"2."

"2 ½."

"No, thanks."

"Buset."

"Ewan ko sa inyong dalawa. Basta ako, shanghai lang sapat na."

"Puro ka pagkain. Kaya ka walang jowa." Sabi ni Carmie.

"Much better. Distraction lang yun sa pag-aaral."

"Pero pwede mo namang gawing inspiration yun diba? Pwede niyong abutin ng sabay mga pangarap niyo. Pwede niyong tulungan ang isa't isa na mag-grow." Sabi naman ni Gabby.

"Wow, Gab! May balak ka na magjowa ano?"

"Adik. Wala no."

Napa-iling na lang ako. Bakit ba nadamay ang pagjojowa sa usapan? Tss.

Makalipas ng ilang minuto, nagreklamo na yung maarte naming kaibigan.

"Pagod na ako. Uwi na tayo." Sabi ni Carmie.

"Paanong hindi ka mapapagod, mas marami ka pang nabili kaysa sa nagyaya." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hayaan mo na. Ganyan talaga kapag Rich Kid." Sabi ni Gabby habang patawa-tawa sa lukot na mukha ni Carmie.

Sa aming magkakaibigan, si Carmie yung medyo may kaya. Only child lang kasi tapos may negosyo pa yung parents niya. Kung tutuusin, pwedeng doon siya mag-aral sa katapat naming private university eh. Hindi ko lang alam kung bakit nag-enroll to sa state university.

"Rich kid ang wala. Wala na nga yung ipon ko eh. Naubos na sa kaka-ambagan sa mga projects at hand-outs. Kainis."

"Don't me, Carmie. Alam naming sa bawat sulok  ng kwarto mo, may pera ka."

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon