Chapter 7

9 2 0
                                    

Malapit nang magmidterm exam kaya naman ang mga tao sa school ay kanya kanya na ng asikaso ng mga notes nila at kanya kanya na din sipag-sipagan. Gaya na lang ng dalawang babaita na nasa tabi ko.

"Gab, sige na. Paturo ako sa Taxation. Hindi ko kasi na-gets yung lesson nung nakaraan eh." Sabi ni Carmie.

"Halika dito. Saan ba yung hindi mo na-gets?" sagot naman ni Gabby.

"Kabisado ko na yung chart kaso lang hindi ko alam kung paano iko-compute to."

"Ah, yung mako-compute mo dito, yan yung gagamitin mo dito kasama nung nasa chart para makuha mo yung final tax. Tapos everytime na makukuha mo yung final answer, i-double rule mo para valid. Yan yung rules ni Sir eh."

"Ibabawas lahat ng allowable deductions diba para makuha yung naging income?"

"Yep."

"Tapos iko-compute to. Pagka-compute, titignan kung saan siya tatama sa chart?"

"Uh-huh."

"Tapos yung result nito, yun yung gagamitin para makuha yung final tax? Tapos double rule?"

"Tama! Galing! Apir!" at naghigh-five pa sila.

Kahit naka-earphones ako ay naririnig ko pa din yung pagtututor nilang dalawa.

Ako naman ay gumagawa ng reviewers para sa midterms habang vacant namin. Wednesday ngayon kaya ang dami naming vacant. Nandito kami sa greenfield at nagrerelax. Inaantok na nga ako eh pero patapos na naman ako sa sinusulat ko kaya mamaya na ako matutulog.

Papikit pikit na ako nang matapos. Tinabi ko na ang mga gamit ko at nahiga sa damuhan.

"Gisingin niyo na lang ako kapag malapit na magtime ah. Idlip lang ako." sabi ko sa dalawa na busy pa din magturuan.

"Sige lang." sagot nila at bumalik na sila sa pagtuturuan.

Nakatulog naman ako agad dahil inaantok na talaga ako. Nakakapagod gumawa ng reviewer ah.

"Oh? Anong nangyari dyan?" Narinig kong boses ng isang lalaki. Si Troy?

"Hindi niyo nabalitaan? Nanlaban yan kaya bagsak yan dyan." eto, boses to ni Gab. Bully eh.

"Lasing ba yan? Mukhang antok na antok ah." Boses naman to ni Gavin.

"Wait ang epic ng mukha ni Coral! Picturan natin. Pambati ng sa birthday niya." narinig kong sabi ni Michael.

"Huy! Ang ingay niyo kita niyong nagpapahinga yung tao eh. Ginugulo niyo. Hayaan niyo munang matulog. Baka pagod talaga." Boses ni Harley.

"Yieh. Concern." boses naman yun ni Carmie.

Naririnig ko yung boses ng iba't ibang tao sa paligid ko kaya naman tuluyan na akong nagising. Bago ako dumilat ay kinusot ko muna yung mata ko.

"Ayan na nagising na. Ang gulo niyo kasi eh." Sabi ni Harley.

Tuluyan ko nang dinilat ang mata ko at bumangon. nakita ko silang nakapaligid sa akin. Isa isa ko silang tinignan na nakatingin din sa akin. Nakaupo din sila sa damuhan. Ang katabi ko na ngayon ay si Harley.

"Ang ingay niyo." Sabi ko sa kanila at nag-inat.

"Sila lang yun. Tagasaway nga ako eh." depensa agad ni Harley. May hawak siyang notebook at ballpen. Mukhang nagrereview ata.

"Ano ginagawa mo?" sabi ko sabay turo sa hawak niya.

"Ah, eto?" sabi niya sabay angat ng hawak niya, "Nagrereview ako. Pinag-special quiz ako ni Maam Magno kasi absent ako nung nagkaroon kami ng quiz."

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon