A/N: Napakinggan ko yung Simula Pa Nung Una na Sad Version. And napaisip ako bigla kung gagawin ko ba itong happy ending o hindi.
I'm back to this story, by the way hahahaha feel free to reread kung limot niyo na hahaha enjoy reading!
----"Coral, gising na. 10 na. Pasok na tayo sa BCOM."
"Eto na gising na ako." sabi ko habang nag-iinat.
"Nung nakaraan ka pa parang puyat. Ano ba pinag-gagagawa mo?" sabi ni Carmie.
"Wala naman. Masama bang magpuyat?"
"Ng walang dahilan? Oo. Kasi para kang timang." Sabi ni Gabby.
"Nanood ako K-Drama eh." sabi ko at tumayo na ako. Pinagpagan ko na din yung uniform ko.
"Alam mong may klase kinabukasan tapos nagpuyat ka."
"Okay lang yun. Mabait naman si Sir Josh. Kaya okay lang yung matulog sa kanya. Sulitin na natin."
"Loko ka. Halika na nga at umakyat na tayo. Sayang make up ni Coral eh. Ibalandra na natin." Hila sa amin ni Carmie.
As usual, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip. At dahil hindi ako nakatulog, nagplano na lang ako.
Habang maaga pa at hindi pa malalim ang feelings ko kay Harley, iiwas na ako. Para onti lang yung sakit.
Paakyat na kami sa hagdan sa pagitan ng 3rd at 4th floor nang makasalubong namin si Harley.
Okay. Kailangan nang isagawa ang plano.
Binati siya nung dalawa pero ako, tinanguan ko lang siya at umiwas na ako ng tingin.
"Coral."
Tumingin naman ako sa kanya. "Hmm?"
May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin. Yun yung ointment na sinasabi niya kagabi.
"Buti na lang nakasalubong kita. Chinachat kita eh. Tinanong ko kung nasan ka. Hindi ka naman nagreply. Para sana ihatid ko na lang yan sayo." sabi niya at ngumiti
Tinignan ko naman yung binigay niya. Bago pa to ah. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin.
Hindi. Marupok ka lang talaga.
"Ah.. Hindi ako nag online eh."
"Ganun ba?"
Magsasalita na sana ako kaso biglang may tumawag sa kanya.
"Harley!"
Tumingin kami sa tumawag at nagsisi ako bigla.
Yun yung babaeng kasama niya kahapon.
Lumapit yung babae kay Harley. "Kanina pa kita hinahanap eh. Tara na balik na tayo sa room." sabi niya habang nakahawak sa braso ni Harley.
Tinignan ko naman yung kamay niya at onti onting bumababa sa kamay ni Harley yung hawak niya.
"Ah... Guys. Si Crishane nga pala. Shane, si Gabby, Carmie at Coral nga pala. Mga kaibigan ko." pakilala sa amin Harley.
Kaibigan. Haha. Hindi naman masakit.
Ngumiti lang ako para itago yung sakit sa mukha ko. Si Carmie naman ay kumaway at si Gabby ay tinanguan lang siya.
"Hello. Nice to meet you." sabi niya sa amin habang nakangiti. After non ay tumingin siya kay Harley. "Halika na. Balik na tayo sa room."
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una
RomanceExpectation does not hurt, assuming does. Coral is a happy-go-lucky, go-with-the-flow and simple college student who has a loving brother, sweet and caring parents and crazy friends. Ayaw niyang pinapakomplikado ang buhay niya dahil para sa kanya, h...