Panibagong araw na naman. Isang nakakatamad na araw. Papasok na naman sa school. Ayoko na. Gusto ko nang huminto.
Charot!
Syempre gusto ko makatapos ng pag-aaral no! Worth it naman to pagkatapos. 2nd year college na ako. Onting push na lang.
Kaso sa 2 years ko sa college, walang challenge na nangyayari sa akin. Except sa mga kaibigan ko. Feeling ko nga hangin lang kami dito sa school eh.
Pumapasok itong mga bagay na ito sa utak ko habang nakatingin sa mga kaklase ko na bagot na din gaya ko. Kung ano-ano na lang ginagawa namin para malibang habang naghihintay sa magaling at late naming prof.
Second year, second semester. Sabi nila ito daw ang pinakamahirap na parte ng isang Business Management student.
And. They. Are. Freaking. Right.
4 Math subjects. Quanti, Calculus, Basic Finance and Taxation. Pinagsabay sabay sa isang sem lang. And then, ang P.E. namin ay Basketball. We also have Business Law. Rizal's Life at Ecology lang ang madali. But the schedule is nice, wala kaming pasok ng Monday and Saturday.
"2C! Wala si Sir Santos!" Sigaw nung president namin. Nakarinig naman ako ng kanya-kanyang hiyawan ng buong section, syempre kasama na ako dun, at tunog ng mga bag na nagbubukas kasi nagliligpitan na ng gamit.
It is Tuesday. Quarter to 8. It should be our first subject of the week. Kaso ayun nga, absent ang prof.
"Arats Canteen! 11 pa naman Calculus." Sabi nung isa kong tropa na si Gabriella.
Gabby for short. Ang pinakatamad pero matalino sa amin. Yung tipong mapapa-"sana all" ka na lang. Ewan ko ba. Sinasayang yung chance. Pwede sanang mag Dean's Lister yan kung nagsisipag lang. Maputi. Palaayos. Pero easy-go-lucky. Parang ate namin pero minsan parang siya yung bunso.
"Tara na. Gutom na ako. Nagmadali pa naman akong mag-asikaso kanina. Hindi ako nakakain tapos absent pala yung prof niyo. Pag ako nainis, i-dadrop ko yan!" Ani Carmie.
Trying hard mataray. For a change daw. New years resolution niya nung pagpasok ng 2nd sem. Siya yung pinaka-cute sa amin. Cute size din. Pinakakikay, sweet, maarte, girly, pero mahilig sa sports. Mahilig lang ah. Pero pagpinanood mo magbasketball, hahagalpak ka lang ng tawa.
Nilingon ko siya. "Alam mo namang ganun yun. Pa-early bird ka pa. Palibhasa bet mo. Tignan mo ako, chill lang." Sabay tayo at kuha ng bag sa table ng Biology Lab. Ecology ang subject dapat namin ngayon.
"Hoy Coraline! Saglit! Si lola mo Gabby, umaawra pa!" Sabi ni Carmie. Tinignan ko naman si Gabby. Shemay nagliliptint pa!
"Awra awra ka pa dyan! Wala ka namang jowa!"
"At least maganda kahit single!" Balik sigaw niya sa akin.
"Whatever." I rolled my eyes at her. Wala naman akong choice kung hindi maghintay.
Habang naghihintay, kinalabit ako ni Carmie.
"Halika lalagyan kita para hindi tayo ma-bored pareho dahil sa bruhang to." Pinakita niya sa akin yung lipstick na hawak niya. I like the shade. Pero dahil wala ako sa mood, umiling ako.
"Kakain tayo, hindi ba? Sayang lang yan. Mamaya na lang sa Calculus. Para fresh tayong babagsak." Pagkasabi ko non, bigla silang tumawa.Do I look like I'm joking? Sampalin ko kaya itong dalawang ito?
"Malay mo naman kasi nasa may gilid ng canteen yung mga ppging HRM." Sabi ni Carmie.
"So?"
"Wala lang. Papansin lang tayo."
Napailing-iling na lang ako. Talaga tong mga babaeng to. Hindi na talaga nagbago.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una
RomanceExpectation does not hurt, assuming does. Coral is a happy-go-lucky, go-with-the-flow and simple college student who has a loving brother, sweet and caring parents and crazy friends. Ayaw niyang pinapakomplikado ang buhay niya dahil para sa kanya, h...