Chapter 5

7 3 0
                                    

Saturday na ngayon. It means birthday na ni Gabby at Gavin. Kahapon pa ako nakabili ng regalo para sa kanilang dalawa kaya naman hayahay na ako ngayong umaga. Ang kailangan ko na lang gawin ay magpa-goodshot kay Mudrakels para payagan ako. Mabuti na lang din at hapon yung celebration ng birthday nung kambal.

Kasalukuyan akong naglalaba ng mga uniform namin ni Reefer para magamit namin next week. Kailangan ko to para payagan ako. Though ako naman talaga naglalaba ng uniform namin kasi si Reefer ay may iba namang task kapag sabado.

Nilagay ko na sa dryer yung uniform namin at hinintay na lang na matapos yung timer.

"Oh. Ang aga mo naman naglaba, Anak. Hindi ba ay hapon ka naglalaba?" Sabi sa akin ni Mama nang makita niya akong nakatayo sa tabi ng dryer.

"Ah.. kasi Ma. Magpapaalam sana ako. Aalis ako mamayang mga 2pm. Birthday po kasi ni Gabby pati ng kambal niya." Sabi ko na parang nahihiya. Kasi nakikita ko na yung realization sa mukha ni Mama kung bakit maaga ako naglaba.

"Ah kaya naman pala. May kailangan pala kaya nagsisipag-sipagan." Sabi ni Mama na pailing-iling pa.

"Hala grabe Ma sa nagsisipag-sipagan ah! Kumikilos naman ako dito sa bahay eh." Sabi ko nang nakanguso.

"Niloloko lang kita. Ikaw talaga. Mapagpatol ka." Etong si Mama. Tinawanan pa ako.

"So, ano Ma? Pwede po?"

"May magagawa pa ba ako? Eh nagawa mo na naman yung kailangan mong gawin para sa ngayong araw."

"Yes! Thank you, Mama!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.

"Grabe 'nak. Dalagang dalaga ka na pala? Bakit ngayon ko lang napansin?" Sabi sa akin ni Mama habang nakatitig sa mukha ko.

"Eh kasi, busy ka pagalitan kami ni Reefer."

Sa sinabi kong iyon, tumawa ng malakas si Mama. Ang sarap sa pandinig.

"Ikaw ba eh may nagpaparamdam na ba sayo ng pagtingin ha?" Tanong sa akin ni Mama pagkatapos niyang tumawa.

Natigilan naman ako at biglang may pangalan na pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala namang gusto yun sa akin.

Nginitian ko si Mama. "Wala, Ma. Wala pang nabubulag."

"Ha? Wala pa din? Kahit umamin lang na crush ka o ano? Wala talaga?"

"Wala talaga Ma. Parang may nakalagay ata sa noo ko na 'bawal magkagusto sa akin' na karatula. Kaya walang lumalapit."

Usually, yung mga magulang, ayaw pa muna nilang magkaroon ng karelasyon yung anak nila. Pero yung nanay ko, hindi ko alam kung anong trip sa buhay, talagang pinupush pa ako.

"Nako. Kung ako sayo, magboyfriend ka na. Kasi minsan lang yan maranasan ng isang dalaga na ligawan siya ng isang lalaki kaya magpaligaw ka na. Hindi ka na naman teenager, 20 ka na. Hindi na din naman high school."

"Ma, trap ba to? Baka sinisubukan mo lang ako kung bibigay ako ah. Pwes sinasabi ko sayo Ma, hindi ako bibigay. Baka bigla mong bawasan allowance ko. Huwag naman Ma. Kulang na nga eh."

"Hahaha! Loko kang bata ka. Basta kapag may umamin na sayo, sabihin mo sa amin ng Papa mo para magabayan ka namin."

"Mukhang malayo pa naman yun, pero sureness. Hindi naman ako nagsisikreto sa inyo eh."

"Good. Yan ang gusto namin ng Papa niyo sa inyo ni Reef eh. Hindi kayo nagsisikreto kaya may tiwala kami sa inyo."

"Huwag ka mag-alala Ma, kapag nawala na yung isang safety hat diyan ni Papa, ibig sabihin kinuha ko na yun at binigay na dun sa mai-inlove sa akin para hindi mauntog. Baka matauhan at bigla akong iwan."

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon